Chapter 1

876 32 4
                                    

Jeon Kim Min So


"Miss are you okay?"

Bumalik ako sa ulirat ng magsalita siya. Natulala ako? My god!

"Ah eh. O-oo."

What the hell Min So?! You are stuttering over a guy?!

"Sorry ulit. Nagmamadali kasi ako." Sabi niya pa. "By the way I'm Justine.. Justine Fuentes." Dagdag niya pa sabay abot ng kamay sa akin. He's offering for shake hands? Malamang! In a good way naman yung ginagawa niya.

Tinanggap ko yung kamay niya at nakipag shake hands naman ako.

"I'm Min So.. Jeon Kim Min So." Nakangiti kong sabi. I didn't mean to sound like pabebe. Pero hindi ko mapigilan.

Tinitigan niya akong maigi. What's wrong? May dumi ba ako sa mukha?

"You look familiar. Are you related to Mr. Jeon Jungkook?" Nagulat ako sa tanong niya. Kilala niya Daddy ko?

"Ah o---"

Nainterrupt yung sasabihin ko nang marinig ko yung boses ng kapatid ko.

"Ate Min So!! Ang tagal mo!! Kanina pa kita hinihintay!!" Napalingon ako sa kapatid ko na salubong ang kilay.

Nako. Sa lahat pa naman ang pinakang ayaw niya ay yung pinaghihintay siya ng matagal.

"Um. Sige mauna na ako." Paalam ko kay Justine.

Grabe ang gwapo niya talaga. Para siyang artista. Ang lakas ng charisma at appeal niya.

Sinalubong ko na si Taegguk.

"Are you mad? Sorry na bunso." Sabay akbay ko sa kanya. Pero nakasimangot pa din siya.

"May problema ba? May nangyari ba?" Tanong ko ulit.

Umiling lang siya. Hindi na ulit ako nagtanong kasi baka mapikon siya eh.

Paglabas namin ng gate nakita ko kaagad yung kotse ni Daddy.

Lumingon lingon ako sa paligid. Nasaan na yung kasama ng kapatid ko?

"Nasaan nga pala yung kasama mo?" Tanong ko sa kanya. This time napatingin na siya sa akin.

"What are you talking about ate?" Nagtataka niyang tanong.

"Susunduin sana kita sa room mo kanina, sabi ng mga classmate mo sinundo ka daw ng kaibigan mo. So nasaan siya?"

Umiwas lang siya ng tingin sa akin. Hm. I smell something fishy. Ano kayang nangyari?

Hindi niya sinagot yung tanong ko.

Okay?

Hindi na ako nangulit pa sa kanya. Mamaya ko nalang siya kakausapin sa bahay.

Napatingin kami sa kotse ni Dad nang bumusina ito. Napangiti naman kami ni Taegguk na lumapit dito. Pero nang buksan ni Dad yung bintana sa driver seat nawala kaagad ang ngiti sa mukha namin.

Kasama lang naman ng Daddy ko ang higad niyang kabet. Ayoko man sabihin yung ganyan na term pero kasi ang lakas niya makapanira ng mood.

And I think this is the reason kung bakit nakasimangot si Taegguk ng sunduin niya ako sa loob. Maybe, may idea na siya na kasama ni Dad yung higad na to.

Nakasimangot kaming sumakay sa kotse. I peck a kiss on my Dad cheek, same as Taegguk.

"How about your Tita Diana? Hindi niyo ba siya hahalikan?" Sabi ni Dad sa amin.

Nagkatinginan kami ni Taegguk pagkatapos ay napairap nalang kami. Jusko! Ang maldito din naman talaga nitong isang ito.

"Babe, it's okay. Huwag mo silang pilitin kung ayaw nila." Sabi ni Diana at may paghawak pa sa braso ni Dad. Argh!!

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Où les histoires vivent. Découvrez maintenant