Chapter 17

660 35 4
                                    

Kim Taehyung

Nandito kami sa private clinic kung saan ako palaging nagpapa check up noong pinagbubuntis ko si Taegguk.

Napag usapan kasi namin ni Jungkook na ipakunsulta si Min So to make it sure kung totoo ba ang lumabas sa sinasabi niyang pregnancy test na yon.

Kahit na alam ko sa sarili ko na totoo yun, ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko.

Pakiramdam ko napaka walang kwentang ina ko para mangyari to kay Min So at her early age.

"Taehyung, Jungkook its been a while. So anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Nakangiting pagsalubong sa amin ng OB doctor ko noon.

"Doctor Perez, gusto sana namin ipacheck up yung anak namin. Um.. she took a pregnancy test a while ago and it turns out it's positive. W-We just wanna make sure.." Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba yung mga sasabihin ko.

Tumango naman si Dr. Perez.

"Well, sige. Come here iha. Let's do a ultrasound first." Sabi niya kay Min So.

Tumingin muna samin ang anak ko bago tuluyan humiga sa higaan katabi ng ultrasound machine.

"This will be a little cold." Sabi kay Min So ng doctor. Nang ipahid ang gel napapikit si Min So.

Kinakabahan na ako.

Ganun nalang ang pagkadismaya ko at pagbagsak ng balikat ko ng sabihin ng Doctor na...

"You are 2 weeks pregnant. Nakikita mo ba itong maliit na dot na to? This is your baby." Sabi nung Doctor kay Min So.

"Excuse me." Lumabas na si Jungkook ng clinic. Dahil din siguro sa narinig niya.

Samantalang ako hinintay ko na matapos si Dr. Perez kay Min So.

Niresetahan lang siya ng mga vitamins at binilinan ng mga bawal at mga kailangan gawin.

Nagpasalamat ako kay Doc at pagkatapos ay lumabas na din kami ng clinic niya.

Nanglalambot akong pumasok sa loob ng kotse ni Jungkook. Wala kaming imik pare pareho. Pinipilit kong isink in lahat sa utak ko ang nangyayari.

Totoo nga. Totoo ngang buntis na ang anak ko.

Wala ako sa sarili the whole time sa byahe. Tulala lang ako sa labas ng bintana ng kotse.

Pagdating sa bahay dumaretcho na si Min So sa kwarto niya ako naman hinarap ko muna si Jungkook.

"Salamat nga pala. Kung gusto mo akong sumbatan dahil sa nangyayari ngayon tatanggapin ko. Maybe tama ka. I failed as a mom at napatunayan mo na yun ngayon. See what happened to our daughter." Hindi ko na kayang pigilin pa. Napatakip ako sa mukha ko at tuluyan na akong napahagulgol ng iyak habang nakaupo sa tapat ni Jungkook.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Huwag mong sisihin sarili mo. Iniisip ko nga na baka kasalanan ko to. Kung sana naging mabuting ama ako sa kanila hindi sana magkakaganito anak natin. I'm sorry.." Pabulong na yung huling salitang sinabi niya.

Patuloy lang ako sa pag iyak. Hindi ko alam sino ba ang dapat sisihin. Sarili ko ba o si Jungkook? Sino ba dapat?

"Uuwi na ako. Tawagan mo nalang ako kapag may plano na o may dapat pag usapan." Pagpapaalam niya. Tumango naman ako at tumingin sa kanya.

"Salamat ulit." Sinsero kong sabi.

Tuluyan ng umuwi si Jungkook.

Mag isa nalang ako dito sa salas at hindi ko alam ang gagawin ko. I grab my phone and text Cyril that I need him.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now