Chapter 19

675 34 4
                                    

Kim Taehyung

Nung una si Min So ang nawala, ngayon naman si Taegguk? Ano ba naman nangyayari sa mga anak ko?!

"Ano nakontak mo na ba?" Hindi din mapaiging sabi ni Jungkook sa akin.

Oo magkasama kami, ulit. Hinahanap namin si Taegguk.

Sa kanila ni Min So, sa kanya kami nahihirapan maghanap dahil wala siyang masyadong kaibigan. Hindi din siya pala labas ng bahay kaya hindi din namin alam kung saan ba siya hahanapin.

"Ring lang ng ring walang sumasagot." Sabi ko. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Heto ang kauna unahang beses na hindi pumasok si Taegguk sa mga subjects niya at heto din ang kauna unahang beses na hindi siya umuwi ng maaga.

"Ano bang nangyayari sa mga batang yan. Bakit ba sila nagkakaganyan?!" Galit na usal ni Jungkook na hindi mapakali sa kinatatayuan niya.

Samantalang si Min So na nasa loob ng kotse tahimik lang.

"Umuwi na muna tayo sa bahay baka umuwi na si Taegguk." Sabi ko sa kanya.

Napa buntong hininga nalang si Jungkook sa nangyayari at sumakay na din sa kotse.

Anak Taegguk. Nasaan ka ba?

Pag uwi sa bahay, wala pa din si Taegguk. Nanglalambot akong napaupo sa sofa.

"Mag aalas nuebe na wala pa din siya. Baka kung anong ng nangyari sa anak ko." Naluluha kong usal.

Nagulat kaming lahat ng pumasok si Shawn buhat buhat ang tulog na si Taegguk kasunod si Yun Jin.

"Taegguk?! Anong nangyari sa kanya?!" Histerikal na sabi ko. Para akong tinakasan ng kaluluwa ko ng makita kong walang malay ang anak ko.

"Mama Tae, s-sorry po. Nag aya po kasi siya kanina hindi ko naman po alam na mag iinom siya." Sabi ni Yun Jin na nakatungo at hindi makatingin ng deretcho sa akin.

"What?! You let him drink?" Galit na sabi ni Jungkook.

Lalong napatungo si Yun Jin sa kinatatayuan niya at hindi makatingin sa amin.

"Did your Mom knows your drinking Yun Jin?" Seryosong tanong ko sa kanya. Umiling lang siya bilang sagot.

"My god! Min So! Call your Tita Jinnie and tell him, your cousin is here!" Utos ko kay Min So na nakaupo sa salas at halatang natatakot din sa nangyayari.

Dali dali niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Kuya Jin.

Tsaka ko lang narealize na buhat buhat pa din pala ni Shawn si Taegguk.

"Sorry iho. Makikihatid nalang si Taegguk sa kwarto niya. Salamat." Utos ko sa kanya. Mabilis naman niya akong sinunod.

Umakyat na si Shawn buhat si Taegguk sa kwarto nito para maayos na mailapag ang natutulog na bata.

Para akong mababaliw sa nangyayari. Hindi ko na alam anong iisipin ko.

Bakit naman sunod sunod ang nangyayari at ang problema?

Bakit nagkakaganito si Taegguk?

Hindi pa ako tapos mag isip sa nangyari kay Min So, heto nanaman may kasunod kaagad.

"Yun Jin! I've been dying looking for you at the whole campus! Umuwi ng mag isa ang kapatid mo! Where the hell are you came from?!" Pangbungad ni Kuya Jin na kakapasok lang ng bahay.

"M-Mommy.." Yan lang ang tanging nasabi ni Yun Jin dahil sa takot sa Mommy niya. Kasunod ni Kuya Jin si Min Jun na hanggang ngayon naka school uniform pa din.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now