Chapter 8

634 36 4
                                    

Kim Taehyung

Monday came, back to normal nanaman ang lahat. Hindi ko nanaman alam kung kailan ulit namin makakasama sila Kuya Jin at ang tropa. Isa sila sa mga taong nakakapag palimot sa akin sa mga masasakit na nangyari noon. Mga taong tumulong at patuloy na tumutulong na ma-heal ang puso ko.

As usual, inasikaso ko na kaagad ang mga baon ng mga anak ko. Kahit na nandito si Manang, hindi ko sa kanya inaasa lahat lalo na kung kaya ko naman gawin. Medyo may kaedaran na din si Manang kaya naman yung mga magagaan na gawaing bahay nalang ang pinagagawa ko sa kanya. Sa pagluluto naman madalas na ako ang nakatoka.

Habang nagluluto ng breakfast/lunch pack ng mga bata tumunog yung phone ko.

You received a message...

From : Cyril
Hey babe! Can I pick you up and the kids? Hatid ko na kayo sa work at school. :)

Napangiti naman ako ng mabasa ko yung text niya. He was always like this. Hindi pwedeng hindi niya kami ipapasyal ng mga anak ko. O kaya naman minsan pinagluluto niya kami lalo na pag alam niyang stress ako sa work. Minsan din sinusundo niya kami sa school at work. Napaka hands on niya sa amin ng mga anak ko. He was doing his very best para lang mapunan ang pagiging ama sa mga anak ko kahit na alam naman namin ni Cy na hindi pa din tanggap ni Taegguk at Min So ang paghihiwalay namin ng Daddy nila.

To : Cyril
Yeah sure. Sasabihan ko na din yung mga bata. See you!

Tinapos ko na muna mga ginagawa ko bago ako umakyat sa taas at icheck ang mga bata kung nakaready na ba sila.

I knocked twice sa pintuan ng kwarto ni Min So.

"Pasok po!" Dinig kong sigaw niya. Nang buksan ko ang pintuan she was now buttoning her blouse habang may tuwalya pa sa ulo niya.

"Hey anak. Susunduin daw tayo ng Tito Cy niyo at ihahatid tayo sa school at work." Nakangiti kong sabi.

"Talaga po? Ilang araw ko din hindi nakita si Tito Cy. Nakakamiss din pala pagiging madaldal niya." Nakangiting sabi niya pabalik sa akin.

Totoo yan. Hindi boring kasama si Cyril dahil madaldal siya. Puro kwento na kwela. Kaya naman kapag magkakasama kami hindi nabobored ang mga bata sa kanya.

"Oo nga anak eh. Naging busy kasi siya sa business niya at tayo naging busy naman dito sa bahay. O sya si Taegguk naman ang pupuntahan ko ah? Bilisan mo na dyan at mabagal ka pa naman kumilos." Natatawang sabi ko at tumango naman siya.

Isinara ko ang pinto ng makalabas ako at pumunta naman ako sa kwarto ni bunso.

"Bunso? Anak?" Tawag ko.

"Ma? Pasok po!" Sigaw niya. Kaya naman pumasok na ako sa loob. Kakatapos niya lang maligo.

"Susunduin tayo ng Tito Cy niyo tapos ihahatid tayo sa school at work ko." Nakangiti kong sabi sa kanya ng makaupo ako sa kama niya.

"Bakit nga po pala wala siya kahapon Mama? Sayang naman po." Tanong niya sa akin habang nagsusuot ng uniform.

"May important matter kasi siya sa work niya anak. Babawi nalang siya sa susunod." Sagot ko. "Oo nga pala naka ready na yung mga baon niyo. Ako naman ang magbibihis na at baka dumating na Tito niyo." Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya.

Ako naman ang nagbihis. Naligo na kasi ako kanina bago magluto. Ayokong mapasma no. Nag casual mini dress lang ako at high heels na white. Pony tailed hair and white coat.

Pagkatapos mag ayos bumaba na ako at nandito na din ang mag Ate na nag ayos ng mga baon nila. Maya maya pa narinig namin ang busina ng kotse sa labas.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now