Chapter 3

633 30 4
                                    

Kim Taehyung

Ang lungkot pala talaga lalo na at alam mong hindi kayo yung para sa isa't isa.

I fight for my love a lot of times. Nandyan yung isinugal ko pati ang buhay ko dahil sa pagmamahal. Pero hindi pa din pala sapat.

Ang pamilyang matagal kong iningatan ay sinira lang nang isang anay.

"Tae."

Naagaw ang atensyon ko nang may pumasok sa pintuan ng office ko.

"Oh Kuya?"

Yes it's my one and only brother. Kuya Seokjin.

"You're spacing out. Ni hindi mo na namalayan na kumatok at nakapasok na ako dito. Are you okay?" Sunod sunod na sabi niya at dumaretcho sa pag upo sa upuan sa tapat ng mesa ko.

"Ah yes Kuya. I'm fine. May problema ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Wala naman. I just want to check on you. And nagdala din ako ng food para kay Joonie Babe. So kumusta naman ang trabaho?"

"Okay na okay naman Kuya. You know me well. Hindi ko naman hahayaan na mapabayaan ang company natin." Nakangiti kong sabi.

"Eh ang mga bata kumusta sila?" Ngayon ramdam ko na mag oopen nang topic si Kuya regarding sa relasyon namin ni Jungkook.

"They are both doing well as usual. Ayun busy sa pag aaral." Super proud naman ako sa mga anak ko. Hindi nila pinababayaan ang pag aaral nila.

"Um. How about Jungkook?"

I knew it! I knew he will be asking me this question. Napatitig ako sa kanya. He was patiently waiting for my answer.

"I don't know anything about him na Kuya. Maybe he was happy kasama yung babae niya." Hindi ko intensyon na magtono na parang bitter. I was just telling the truth.

"Nagkikita pa ba kayo?"

Parang pakiramdam ko si Boy Abunda itong si Kuya Jin. Napaka daming tanong. Sabagay, 2 weeks ago last time kaming nagkita. Hindi din kami nakakapag usap kahit through text or call dahil parehas kaming busy.

"Yesterday oo. And don't ask me kung anong nangyari dahil hindi maganda ang kinalabasan." Deretchahan kong sagot.

"Bakit naman?" Hay nako si Kuya! Ang daming tanong daig pang bata.

"As usual, ano pa nga ba ang aasahan mo sa tuwing magkikita kami? Palagi naman kaming nagbabangayan. Kahapon kasi I was so worried about the kids dahil ilang oras na sila late umuwi. Tapos hindi pa sila sumasagot parehas sa mga calls ko. Ayon pala sinundo ni Jungkook nang hindi manlang nagpapaalam sa akin. And take note, he was with his mistress. Edi ang end up, nagtalo kami. Worst sa harap pa nang mga bata." Mahabang kwento ko.

"Alam mo bunso, hindi magandang pinakikita niyo sa mga anak niyo yang ganyang pag uugali ninyong dalawa. Pwedeng maging epekto yan sa mga bata lalo na kay Taegguk super minor pa nang bunsong anak mo. If you don't want to see him or hindi mo pa siya napapatawad sa ginawa niya sayo then let it slide. Huwag mo nalang siya pansinin and don't you dare to start an argument." This time siya naman ang mahaba ang sinabi.

"Hindi naman ako bitter Kuya. Ayoko lang talaga na ipinakikita niya sa mga anak ko yung babae niya. Ako ba? Bago ko sinagot si Cy, sinure ko muna kung kaya ba siyang tanggapin nang mga anak ko. And it went well." Sa tuwinang napag uusapan naming magkapatid ang tungkol sa relasyon ko ganito ang kinalalabasan.

"Hay nako oo na. Sige na. Aalis na ako. Baka nakakaabala na ako sayo may trabaho ka pa." Tumayo na siya sa pagkaka upo. "Ingat ka palagi. Pati ang mga pamangkin ko. Namimiss ko na sila." Nakangiti niyang sabi.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon