Chapter 23

742 43 13
                                    

Jeon Kim Taegguk

Bakit kaya ang ingay sa baba? May mga bisita nanaman siguro. Oo nga pala it's Saturday.

Weekend na at malamang sa malamang baka nandyan sila Tita Jinnie o sila Tita Chim.

Ginawa ko na muna ang usual routine ko sa umaga bago lumabas ng kwarto at bumaba. At hindi nga ako nagkakamali.

Natanawan ko kaagad sila Tita Jinnie, Mama, Tita Chim at Aunt Christine na nagkukwentuhan sa salas.

Siguro sila Daddy at sila Uncle nasa may garden nakatambay.

"Oh Tata! Good morning!" Bati sa akin ni Mama.

"Hello po. Good morning po." Bati ko naman sa kanilang lahat.

"Nandoon nga pala si Yun Jin sa may pool area. Baka kasama nila Min Jun at Min So." Sabi ni Tita Reth sa akin.

Nakangiti naman akong tumango. "Sige po pupuntahan ko lang po sila." Paalam ko.

Naglakad na ko papunta sa pool area. Nandito nga si Yun Jin pero si Min Jun at Yoon Min ang kasama niya.

"Yow cousin! Alam mo kanina ka pa hinihintay netong si Yun Jin. Hindi mapakali. Sabi ko nga huwag kang gisingin at baka masira araw mo." Sabi ni Min Jun na inaasar ang kapatid niya.

"Grabe ka sa akin Kuya!!" Pag angal ni Yun Jin sabay pout.

Natawa naman ako. Ganyan talaga yang dalawa na yan. Minsan pa nga parang mga aso at pusa.

"Anyways, Tata halika. Doon tayo sa kwarto mo. I have a lot of chika for you!" Pagbigay atensyon naman sa akin ni Yun Jin at tumayo na tsaka dali dali akong hinila.

Napadaan ulit kami sa salas na ngayon ay nandito na sila Daddy at sila Uncle. Nag rarandom talks sila. Ngayon ko nalang ulit sila nakitang buo at magkakasama. Yung nandito na ulit si Daddy. Kasi sa pagkakaalam ko lahat sila nagalit sa Daddy ko dahil sa ginawa niya kay Mama. Pero mukhang pinatawad na din siya nila Uncle at Auntie.

"Akyat po muna kami sa taas." Paalam ko sa kanila.

Nagkanya kanya naman silang tanguan.

"Bilisan mo Taegguk." Pagmamadali sa akin ni Yun Jin.

Ano bang meron nanaman sa babae na to at hindi nanaman siya mapaigi at parang nasilihan siya sa puwet?

Nang makapasok sa kwarto ko, isinara niya kaagad ang pintuan at naupo siya sa ibabaw ng kama ko. Tinapik tapik niya pa yung harapan niya kaya naman lumapit na ako.

"So totoo ba? Ikakasal na nga si Ate Min So at Kuya Shawn?" Panimula niya.

Oo nga pala. Ikakasal nga pala sila as soon as possible dahil yan ang kagustuhan nila Daddy.

Hindi ako nakaimik sa tanong niya instead tumango lang ako bilang pagsagot.

"Ouch. Ang sakit naman non. Watching your one and only love marrying your sister. Para akong nasa pelikula!" May halong pagka dramatic pa ang pananalita niya.

Oo totoo. Masakit nga sobra.

Pero ano bang magagawa ko?

Baka nga sila talaga ang itinadhana. Ginawa lang akong tulay para magkakilala silang dalawa.

"Yun Jin, wala ka sa pelikula. Nangyayari talaga to sa totoong buhay. Tsaka hello? Okay na ako tanggap ko na." Sabi ko sa kanya.

Tinignan niya naman ako na parang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Sus. As far as I know, sobra kang nasasaktan ngayon. Grabe yung torture na dinaranas mo ngayon Taegguk. Araw araw mo silang nakikita at nakakasama dito at take note sa iisang bahay pa. Tapos ikakasal na din sila at magkaka anak. Grabe talaga mundo sayo." Sabi niya na parang super affected siya sa nangyayari sa akin. May pag iling iling pa siya.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon