Chapter 6

620 30 1
                                    

Jeon Kim Min So


Ang saya saya ko! Finally, nakausap ko na ng matagal si Justine at take note ha? Kinuha niya yung phone number ko! My gosh. I'm so kinikilig at hindi ko pinagkakaila yon.

Inaamin ko din naman na may paghanga ako sa kanya the first time I met him sa school. Hindi na siya nawala sa isip ko simula ng makabangga ko siya. And naging angel in disguise si Taegguk para tuluyan kong makilala ang crush ko.

At isa pa, mukhang kilala niya si Daddy kasi nabanggit niya nanaman sa akin yung tungkol sa kanya. Siguro nga talagang maliit ang mundo. Naenterrupt nanaman kasi yung kwentuhan namin ng biglang mawala si Shawn at Taegguk sa paningin namin habang nag uusap. Wala daw kasing kasabay pag uwi yung pinsan niya at hindi familiar sa village namin. Kawawa naman. For sure nag aalala na din si Taegguk sa kaibigan niya.

Kinabukasan, narinig ko ang matinis ang maingay na boses sa salas ng bahay. Nako! Nandyan na ata ang mga pinsan, tito at tita pati na mga ninong at ninang ko at kinakapatid ko. Napabalikwas kaagad ako ng bangon at dali daling naghilamos, nagmumog at nagpalit ng damit tsaka ako nanakbo pababa.

Hindi nga ako nagkamali. Naandito na nga sila ang mga bihis na bihis.

"Goodmorning sa pinaka maganda kong pamangkin!" Pagbati sa akin ni Tita Jinnie at naka open wide pa ang mga braso na tila ba inaaya akong yakapin siya. Kaya naman nanakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss kita Tita." Sabi ko.

"Awe. Namiss din kita baby girl. Miss na miss na din kayo ni Yun Jin at Min Jun. Ayon nga oh si Yun Jin nandoon na sa taas at binubulabog na si Taegguk." Natatawang saad ni Tita matapos akong yakapin. Ay nako. Hindi na nakakapagtaka kung si Taegguk talaga ang unang takbuhin non ni Yun Jin.

"How about Ninang? Wala bang yakap na mahigpit? Magtatampo na ba ako?" Biglang sulpot ni Ninang na kagagaling lang ata sa kusina.

"Nanang!!!" Sigaw ko. Oo namiss ko din si Ninang ng sobra. Lalo na ang pagiging madaldal niya. Napaka raming naikwento sa akin ni Ninang regarding to my Mama's past life. Kung papaano naging close closet gay si Mama hanggang sa naging transgender woman na siya.

"I miss you so much din Nanang." Sabi ko habang nakayakap din sa kanya ng mahigpit.

"Nako. Mama mo naman kasi napaka raming drama sa buhay hindi na ata naubusan." Sabay ikot ng mata. Natawa naman ako. Napaka maldita pa din talaga ni Ninang kahit kailan.

"Hoy bes! Huwag mo nga akong sinisiraan diyan sa anak ko! Tusukin kaya kita diyan ng kutsilyo?" Sabat naman ni Mama na kagagaling lang din sa kusina at halatang kakatapos lang maghiwa ng kung ano.

"Bes. I'm just telling the truth. Kahit naman hindi kita siraan sa unica mo alam na niyan na drama queen ka talaga." Pagpatol naman ni Ninang sa sinabi ni Mama sa kanya.

"Hay nako kayong dalawa. This is not the right time to talk about this okay? Masyado pang maaga para mawala sa mood." Si Tita Jinnie naman na naging referee sa umuusbong na debate ni Mama at Ninang. The never ending saga of their dramatic fliptops.

"At ikaw naman Min So. Mag ayos ka na kaya ano? Malelate na tayo sa misa! I will call Taegguk and Yun Jin at baka nalunod na sila sa usapan nila doon sa taas." Pagbaling naman sa akin ni Tita Jinnie. Tumango lang ako at tsaka umakyat na pabalik sa kwarto ko.

I think this is gonna be a long day to spend. Sana maging masaya at maging okay ang araw na ito. Unlike yesterday. Hay.

Nag ayos na ako. Naligo. Nagbihis. Konting skin care at shempre nagsuklay din ako ng mahaba at itim kong buhok. Pagkatapos ay bumaba na ako ng matapos ako.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now