Chapter 5

627 28 0
                                    

Jeon Kim Taegguk


Nag start na kaming manood ng movie. Actually this movie is so nice. Ang daming blow minded scenes na talagang hindi mo aasahan na ganun pala yung mangyayari.

After ng movie, nag akyat na si Manang ng meryenda. Maagap naman na tinulungan siya ni Shawn at Kuya Justine.

Nagulat ako ng biglang lumapit sa akin si Ate.

"Guys, excuse us lang ah? May kukuhain lang kami." Paalam ni Ate sa mga kasama namin. Nag tanguan lang naman sila.

Ako wala akong idea kung saan ako dadalhin ni Ate pero hatak hatak niya lang ako. Pumasok kami sa kwarto niya.

"Okay bunso. Kanina ko pa gustong itanong sayo ito. H-How? Kilala mo si Justine? Paano?" Naguguluhan niyang tanong.

"Hay nako. Paulit ulit ka naman Ate eh. Sinabi ko na nga kanina pinsan siya ni Shawn. Kaya ko siya kilala. Transferee siya sa school." Paliwanag ko naman.

Yung mukha ni Ate parang hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.

"Eh hindi ba you saw him sa grocery store? Bakit hindi mo siya binati kung kilala mo siya?" Tanong pa niya.

Umiling lang ako.

"Ate, ate. Can't you see? It's a surprise! Kaya nga sinabihan ko si Shawn na isama si Kuya Justine dahil kilala mo siya." Nakangisi kong sabi.

"Okay na ba? May itatanong ka pa ba Ate? Baka kasi hinahanap na nila tayo." Pagpapatuloy ko.

"A-Ah wala na bunso. Salamat!" Nakangiti niyang sabi. Lumabas na kami ng kwarto niya ng mapansin ko si Shawn na lumabas ng movie room.

"Tanda!" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng nakangiti at tsaka lumapit. "Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"MagcCR sana ako bata. Saan ba comfort room niyo dito?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Tara samahan na kita. Doon pa kasi sa kabilang hallway yung CR dito sa second floor. Shower room kasi yang nasa kaliwa." Sabi ko at naglakad na. Naramdaman ko naman na nakasunod siya sa akin.

Tumigil ako sa isang pintuan na may label na nakalagay.

"Dito po tanda. Dyan po yung CR." Medjo sarcastic kong sabi pero nakangisi ako.

"Salamat po bata." Ngumisi din siya tsaka ako nilagpasan at pumasok sa loob ng banyo. Hihintayin ko pa ba siya? Baka maligaw nanaman kasi ang ungas.

Dalawang minuto palang ata akong naghihintay dito sa labas ng CR ng makarinig ako ng ingay mula sa ground floor ng bahay.

"Jungkook! You are not allowed to enter my house!"

Si Mama yun ah? At si Daddy nandito? Dali dali akong nanakbo pabalik sa movie room at marahas kong nabuksan ang pintuan.

"Oh my god Taegguk! Nakakagulat ka naman! Bakit ka ba nagmamadali?" Medjo pasigaw na sabi ni Ate. Halos lahat kasi sila nagulat sa biglaang pagbukas ko ng pintuan.

"A-Ate. Si Mama at Dad kasi parang nagtatalo ata sa baba." Nagkatinginan sila Ate Gab at Ate Alex. Si Ate Min So naman mabilis pa sa kidlat na tumayo sa kinauupuan niya at lumabas ng movie room. Ako naman sumunod na din sa kanya. Hindi ko din alam kung sumunod ba sa amin yung mga kaibigan namin pero sa ngayon wala muna akong pakeelam.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon