Chapter 24

738 37 4
                                    

Jeon Kim Min So

Alam ko naman. Alam ko na magkasama kagabi sa iisang kwarto si Taegguk at Shawn.

Ang totoo niyan narinig ko lahat. Lahat ng pinag usapan nilang dalawa kahapon sa garden.

Masakit para sa akin na malaman na mahal na mahal ni Shawn ang kapatid ko. At ganun din si Taegguk sa kanya.

Kung sana hindi nalang ako nabuntis ni Shawn. Hindi sana ako ang hadlang sa pagmamahalan nilang dalawa.

"Mahalin mo ang Ate ko more than you love me."

Sa lahat ng narinig ko yan ang pinakang masakit sa lahat.

Kahit na nasasaktan si Taegguk, pagmamahal pa din sa akin ni Shawn ang iniisip niya.

Masakit din isipin na, dahil lang sa nabuntis niya ako pipilitin niya yung sarili niya na kalimutan ang narararamdaman niya kay Taegguk para lang maipadama sa akin ang pagmamahal niya.

Nang dahil sa isang pagkakamali may nasaktan at may nasasaktan. Pero kailangang tanggapin. Hindi ko din pwedeng hayaan na lumabas ang bata sa sinapupunan ko na walang ama.

Sunday ngayon. Family day. Nagsimba kaming lahat kasama ang Mama ni Shawn at si Serela.

Ngayon naman nandito kami sa bahay at sama samang kumakain ng lunch.

"Alam mo Ate Min So, nung nalaman ko na buntis ka naexcite talaga ako. Gustong gusto ko pa kasing magkaroon ng baby brother or baby sister. Pero ngayon magkakaroon na ako ng pamangkin." Kinikilig kilig na sabi sa akin ni Serela. Napangiti naman ako.

"Alam mo Ate, sana paglabas ng baby niyo ni Kuya kamukha mo. Kasi si Kuya laging poker face. Nakakairita." Pagpapatuloy niya pa. Natawa naman ako this time.

Oo totoo yon. Lagi ngang nakapoker face si Shawn. Hindi maipinta ang mukha.

"Serela. Stop bothering your Ate Min So." Pagsuway sa kanya ng Mama nila.

"Okay lang po Tita." Nakangiti kong sabi. Napansin kong nakatingin sa amin si Taegguk.

I smiled a little. Nagulat ako ng ngitian niya rin ako pabalik.

Hindi ko alam siguro dahil na din sa pagbubuntis ko bigla akong napahagulgol ng iyak.

Nataranta silang lahat dahil sa ginawa ko.

"Are you okay?!"

"Min So. What happened? May masakit ba sayo?"

"Anong nangyari?"

Yan lang naman yung sunod sunod na tanong nila sa akin.

Napailing lang ako.

"Oh my god. You scared me! Akala ko kung ano ng nangyari sayo!" May halong inis ang boses ni Mama.

"Tae. Parang hindi ka dumaan sa pagiging ganyan. Lalo na nung pinagbubuntis mo si Taegguk." Pagsita sa kanya ni Daddy.

Natawa naman ako. Kaya tumingin ulit sila sa akin na parang nakakita sila ng baliw.

"She's really into her paglilihi journey. Naku. Goodluck sayo Shawn!" Sabi naman ng Mama ni Shawn.

Isang buwan mahigit palang ang tiyan ko. Hindi pa nga ako sigurado kung nasa paglilihi stage na ba ako.

Wala pa kasi yung cravings, mood swings, morning sickness na mararanasan ko daw.

Shempre, sabi ko nga diba the whole pregnancy journey ni Mama kay Taegguk nasubaybayan ko lahat yon.

And I think, hindi naman siguro ako magiging kasing harsh ni Mama maglihi.

After ng family bonding kuno namin. Nagpunta ako sa may pool area para magmuni muni.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now