Chapter 25

783 45 8
                                    

Kim Taehyung

Bago manlang sumapit ang kasal ni Min So at Shawn sa isang linggo, kakausapin ko muna si Cyril regarding sa relasyon naming dalawa. And I also want to clear my relationship with Jungkook.

I tried to call Cyril a lot of times magmula kahapon, kaso hindi ko siya makontak. I tried to call to his clinic pero hindi niya sinasagot ang telepono.

Maybe I should go to his house and talk to him in person. Mas maganda kasing personal naming pag usapan ang problema naming dalawa.

Problema? Oo problema nga ang nangyayari samin ngayon.

Lumabas na ako ng office ko.

"Saan ka pupunta?" Salubong sa akin ni Kuya Jin na ngayon ay nagdala siguro ng lunch ni Namjoon Hyung.

Mukhang sa akin ang punta niya dahil hindi naman dito ang way palabas ng company.

"Pupunta ako kay Cyril. I need to talk to him." Seryosong sabi ko. Tinitigan ako ni Kuya. "What?" Pahabol ko.

"Are you sure you're going to do this? Hindi ba dapat si Jungkook muna ang kausapin mo?" Tanong niya.

Napalitan ng pagtataka ang seryoso kong ekspresyon kanina.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Kuya?" Tanong ko pabalik.

He let out a sighed.

"Obviously Tae, nasa harap mo naman na ang sagot. Or should I say, sarili mo na ang sagot nagtatanong ka pa sa akin? Alam ko naman na nung kinunsulta mo palang kami regarding sa pagbalik ni Jungkook sa buhay niyo may tendency talaga na mangyari to."

Sa dami ng sinabi ni Kuya Jin sa akin wala akong magets. Kaya nga tinignan ko lang siya na parang wala akong naintindihan sa lahat ng sinabi niya.

"Why are you acting like you didn't get me? Sapukin kita gusto mo?" Akmang sasapukin nga niya ako ng umiwas ako sa kanya.

"Oo na nga! I admit it. Bumabalik yung feelings ko kay Jungkook dahil sa mga effort na ginagawa niya. Hindi lang para sa mga anak ko. Kundi sa akin din. Alam ko naman na baka iniisip niyo nacoconfused ako, pero hindi. I know in myself na mahal ko pa siya. I tried my best to avoid it pero hindi ko kaya." May something sa dibdib ko na parang masakit.

Thinking that, parang ang unfair ng magiging dating kung sakali mang ma i-admit ko sa sarili ko at lalo na kay Jungkook na bumabalik na ang nararamdaman ko sa kanya. Lalo na knowing that his with Diana.

At ako?

I have Cyril.

I don't want him to get hurt.

Lahat ng pagmamahal at pag aalaga ibinigay niya sa amin ng mga anak ko.

"Kaya nga sinabi ko sayo bunso, confirmed it first before you make your own move. Tanungin mo muna si Jungkook. I mean, hindi baga at pinakikitaan ka niya ng bagay na iisipin mo na baka bumalik na din ang feelings din niya sayo. Ganun yon eh. Baka mamaya hopeless romantic ka lang pala dyan sa ex husband mo tapos masaktan mo lang si Cyril."

Tinamaan ako ng husto sa sinabi sa akin ni Kuya.

Kanina lang yan ang iniisip ko nga? Mind reader ba siya?

"Siya sige na. Kung ano mang magiging desisyon mo support lang ako. Pero uulutin ko, make sure na magiging maganda ang resulta ng desisyon na gagawin mo okay? Aalis na ako." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Naiwan akong tulala sa labas ng office ko. Ano ng gagawin ko?

"Ma'am? Aalis pa po ba kayo?" Tanong sa akin ni Shai.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now