Chapter 18

607 32 0
                                    

Shawn Fuentes

Hindi ko pa din nasasabi sa Mama ko o kahit na kala Justine ang nangyari. Pero alam kong alam na nila.

Kaibigan din ni Serela at Justine ang mga kaibigan nila Min So at Taegguk. Napaka labong hindi nila mabanggit sa pinsan ko sa kapatid ko ang nangyari.

Wala ako sa sarili na naglalakad papunta sa field dahil wala ako sa mood umattend ng klase.

I messed up.

Magulong gulo ang isip ko ngayon. Lalo pa at nalaman kong mahal din ako ni Taegguk.

Why did this happened? Why now?

Umupo ako sa may bench kung saan kita ang malawak na green field. Ngayon lang ako napatambay dito.

Tipikal kapag ganitong malungkot ako o kaya may iniisip nandoon ako sa garden kasama si Taegguk at nakikipag kwentuhan sa kanya. Pero malabo ng mangyari ulit yun.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Cous?" Napalingon ako sa nagsalita.

Si Justine kasama si Serela may halong galit ang ekspresyon ng mukha ni Justine. Samantalang si Serela parang malungkot.

"Kuya we've been looking for you all around the campus. May nakapag sabi lang sa amin na nakita ka daw nilang pumunta dito. Kuya.. we already know." Sabi naman ng kapatid ko. Napatungo ako.

Nahihiya akong humarap sa kanilang dalawa. Lalo na kay Justine.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at lumapit sa kanila pero ganun nalang ang gulat ko ng sapakin ako ni Justine.

"Tangina naman Shawn! Bakit ganun?! Alam mong gustong gusto ko si Min So hindi ba?! Anong ginawa mo?!" Galit na usal niya sa akin. Hindi ako nakaimik.

Oo, umamin sa akin si Justine na may gusto siya kay Min So the night of his birthday.

"Sumagot ka tol! Bakit mo ginawa yun?!" Dagdag pa niya.

"Hindi ko alam." Tipid kong sagot.

Sinapak niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon. Kita ko na ang pagkataranta kay Serela at napasigaw pa siya dahil sa gulat.

"Kuya Justine stop it!" Pag awat niya kay Justine.

"Gago ka! Hindi ko alam na magagawa mo sa akin to Shawn! Tinuring kitang parang kapatid ko tapos ano?! Eto igaganti mo sa akin ha?! How about Taegguk?! Akala ko ba type mo yung lover boy mo na yon?!" Sigaw niya.

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ni Taegguk. This time ako naman ang sumapak sa kanya.

"Mas gago ka! Wala kang alam sa totoong nangyari Justine! Kaya huwag kang umastang parang biktima dito! Huwag na huwag mo din idadawit ang pangalan ni Taegguk dito! Oo! Nabuntis ko si Min So! Dahil nagkamali ako! Nagkamali ako dahil akala ko si Taegguk siya! Masaya ka na ba ha?! Tangina akala mo ba ginusto ko to?! Hindi! Hindi Justine! Si Taegguk ang mahal ko! Ngayon nabuntis ko yung kapatid niya sa tingin mo hindi masakit sa akin na nasasaktan ko si Taegguk ha?! Gago!" Heto ata ang kauna unahang beses na umiyak ako sa harapan nilang dalawa.

Patuloy ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Ang sakit isipin ng mga nangyari. Sinisisi ko sarili ko.

Napahilamos ako ng palad ko sa mukha ko.

"Sana nagtatanong ka muna kung ginusto ko ba ito o hindi. Kasi hindi tol. Hindi ko to ginusto! Pero kahit baligtarin ko yung mundo wala na akong magagawa. Nandyan na yan. Buntis na si Min So, ako ang ama at papanindigan ko siya..." Tumigil ako saglit sa pagsasalita. Tila ba parang may nakabara sa lalamunan ko. "Papanindigan ko siya kahit na masasaktan lalo ng sobra si Taegguk." Pagpapatuloy ko.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now