Chapter 4

614 27 0
                                    

Jeon Kim Min So

Maaga akong nagising. Ewan ko ba feeling ko kasi may magandang mangyayari today. Naeexcite ako ng sobra. Knowing na pupunta dito ang mga kaibigan ko, pati na din ang kauna-unahang mga kaibigan na ipapakilala sa amin ni Taegguk.

Pagkabangon, naghanap muna ako ng masusuot para mamaya. Before lunch ang dating nila Alex at Gab. Ewan ko lang sa mga kaibigan ni bunso.

I picked fitted off shoulder crop top and a fitted jeans. Magsasandals nalang ako tutal nasa bahay lang din naman kami.

Ayan okay na. After mag ready nang susuotin, naghilamos at nag ayos na muna ako nang sarili ko bago bumaba.

Narinig ko yung tunog ng mixer sa kitchen. For sure si Mama na yung kumikilos doon.

Pagpasok ko hindi ako nagkamali. Nagmimixed na si Mama ng ingredients for Red Velvet Cake.

"Ma! Sabi ko po tutulungan ka namin eh." Pagbungad ko sa kanya. Nakangiting tumingin sa akin si Mama.

"Don't worry anak. Okay lang ano ka ba. Gisingin mo na si Taegguk at kumain na kayo ng breakfast niyo. Iready niyo nalang yung movie room sa taas para mamaya hindi na kayo mag aayos." Mahabang utos ni Mama sa akin.

Ngumiti naman ako. Napaka bait talaga ng Mama ko. Wala na akong mahihiling pa, kung magkakaroon ako ng pagkakataon mamili sa susunod kong buhay kung sino ang magiging ina ko, si Mama Tae pa din ang pipiliin ko.

As what Mama said, umakyat ulit ako sa taas. Oo nga pala I forgot to tell you hindi kasi ako mayabang para ipagmayabang ang naipundar ng Mama ko. Pero para lang din may idea kayo, yung bahay namin may movie room sa second floor. 20 persons ang capacity ng laki. Mahilig kasi kami nila Mama pati na ng mga Tita Jinnie at Nanang Chim ko na mag movie marathon kapag kumpleto kami.

Meron din kaming gym room, dance studio, at swimming pool sa rooftop. Imagine? Kaya ganun nalang ang pananalita ni Alex at Gab na mansyon ang bahay namin. Pero apat lang kami na nakatira dito including Manang our kasambahay.

Pag akyat ko, kumanan ako dahil dito ang way ng kwarto ni Tata. Nako, mukhang napasarap ata sa tulog si bunso at nakalimutan na na kailangan naming tulungan si Mama ngayon.

Kumatok muna ako.

"Pasok!"

Oh so gising na siya?

Nakangiti akong binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

"Kakagising mo lang?" Tanong ko ng makapasok ako.

"Nope ate. Kanina pa siguro mga 15 minutes ago. Nahihirapan kasi akong pumili ng isusuot." Medjo stress na sabi niya.

Wow! Bakit sobrang concious niya ngayon sa sarili niya? Super special naman ata ng mga bisita niya. Sabagay ako din naman nag ready ng susuotin.

"Gusto mo bang tulungan kita?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumango naman siya ng marahan habang nakangiti din. Lumapit na ako sa walk in closet niya at nagtingin tingin ng mga damit. Ang dami niyang damit na pang korean style. Bagay sa kanya ang color black na longsleeve at pants na white. Heto nalang siguro.

"Oh eto. Bagay sayo yan bunso. Mukha ka lalong Korean." Sabay abot ko ng mga damit niya na naka hanger.

"Thanks Ate!" Masayang sabi niya.

"Oo nga pala sabi ni Mama, bumaba na daw tayo at kumain ng breakfast pagkatapos mag set up na daw tayo sa movie room. Mga 11AM kasi naandito na si Alex at Gab. How about your friends?" Sabay tingin ko sa kanya.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now