Chapter 9

580 29 0
                                    

Jeon Kim Taegguk

Masyado ata kaming napaaga ng pasok? O ako lang? 8AM ang klase namin pero yung mga studyante ng junior high pakalat kalat pa sa campus. Anong meron?

"Taegguk! Taegguk here!" Rinig kong sigaw ng isang familiar na boses. Paglingon ko si Hernan pala na may pagkaway pa. Kasama niya si Shanaya at nakaupo sila sa may bench malapit sa field.

Lumapit ako sa pwesto nila.

"Anong meron? Wala ba tayong klase?" Takang tanong ko sa kanila.

"Oo bes. Nagkaroon kasi ng commosion between junior high principal at senior high principal." Pagkukwento niya sa akin habang ngumunguya ng chicha.

"Ha? Bakit daw?" Usisa ko naman.

"Ay chismoso ka? Char! Eh kasi madaming nagrereport regarding sa mga bullies na senior high pero walang ginagawang kilos "DAW" yung principal nila. Kaya ayon, nagkaroon ng konting pagtatalo." Pagpapatuloy pa ni Hernan sa kwento.

"Eh teka. Ano namang konek non bakit wala tayong klase?" Tanong ko pa. Kung ano ano kasing pasikot sikot ang sinasabi nila. Straight to the point sana na reason no? Hindi naman ako chismoso.

"Lahat ng teachers na call on meeting, biglaan. Kaya ayan wala tayong klase. Hindi pa alam kung anong oras ang resume eh." Si Shanaya naman ang sumagot.

Hala. Edi uuwi na ako? Ayaw ko pa sa bahay eh. Hays.

"Saan kayo pupunta ngayon? Uuwi na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Nag shrugged lang si Shanaya. Si Hernan naman mukhang nag iisip.

"Ayoko pa nga eh. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay at wala din naman akong kasama doon. Ikaw ba Shanaya?" Tanong niya naman kay Shanaya na tulala at balisa sa kung saan.

"Ha?"

"Halimaw bes! Halimaw! Gagang to. Tinatanong kita kung uuwi ka na ba?" Pangbabara sa kanya ni Hernan natawa naman ako.

"Hindi pa din. Nakakatamad sa bahay wala namang gagawin." Usal niya.

Ako din. Nakakatamad sa bahay.

"Tara sa mall?" Aya ko sa kanilang dalawa. Nagkatinginan pa muna sila bago binalik ang mga tingin sa akin. "What?" Tanong ko.

"Himala nag aaya kang gumala?"

"Bakit ayaw niyo ba? Siya sige ako nalang." Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo ng pigilan nila akong dalawa.

"Heto naman! Nagtatanong lang kami! Ngayon ka lang kasi nag aya maggala. Pero sige tara na!! Buti talaga humingi ako ng extra money kay Daddy kahapon." Mahabang sabi ni Shanaya at lumingkis pa sa braso ko.

Nagtayuan na kaming tatlo. Nagtext na din muna ako kay Ate Min So at kay Mama regarding sa canceled ang klase today at pupunta muna kami sa mall ng mga kaibigan ko. Nagreply lang sila ng okay mag iingat daw kami.

Habang nasa taxi papuntang mall hindi ko maiwasang isipin si Shawn. Wala nga pala siyang cellphone papaano ko kaya siya matatanong kung kumusta na siya?

"Mag arcade tayo ah? Namimiss ko na maglaro sa Just Dance eh." Pag uumpisa ni Shanaya sa usapan. Magaling sumayaw to. Pwedeng pwede nga itong isalang sa GForce.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now