Chapter 2

725 37 0
                                    

Jeon Kim Taegguk


Kinabukasan, maaga akong nagising. Pinakang late kong gising 9AM kapag walang pasok sa school. Hindi naman kasi ako tamad bumangon or makunat. Mas gusto kong tinatapos nang maaga mga gagawin ko para hindi ako naghahabol sa oras.

Nag aayos na ako ng mga gamit ko nang may kumatok sa pintuan.

"Pasok!"

Pagbukas, si Mama pala. Dala dala yung uniform ko.

"Goodmorning bunso. Heto na yung uniform mo. Buti at nakapag patuyo si Manang kahapon." Naka ngiting bati at sabi sa akin ni Mama.

Ngumiti din ako.

"Hi Ma. Thanks po."

Umupo naman siya sa kama ko at nakatingin sa akin na tila ba pinapanood ang mga kilos ko.

"Anak.."

Napatingin ako kay Mama. Pinat niya yung tabi niya at sinasabing umupo ako sa tabi niya, kaya naman ganun ang ginawa ko.

"Ang laki na ng bunso ko." Lambing sa akin ni Mama at niyakap ako. "Taegguk.. I'm sorry. Pasensya na kayo kung everytime na magkikita kami ng Dad niyo nagtatalo kami." She paused. I took a deep breath. Hinahanda ko yung sarili ko na marinig ang sasabihin ni Mama. Magkukwento na ba siya?

"Hindi na kasi kami magkasundo. I know you and your Ate Min So have a lot of questions in your head. In the right time anak, sasabihin ko sa inyong dalawa lahat." Nakatitig lang ako sa mga mata ni Mama.

Her eyes is urging to cry.

"Ma, okay lang po. S-Sadyang hindi lang po talaga ako sanay." Pabulong kong sabi.

"Hindi---"

"Tata?"

Nakita kong pumasok si Ate sa pintuan nang kwarto ko at napatigil siya nang makita si Mama.

"Anong pinag uusapan niyo? Ang daya naman!" Kunwaring nagtatampo siya.

Natawa naman si Mama.

"Halika nga dito. Miss na kayo ni Mama lambingin eh." Aya sa kanya ni Mama at nanakbo naman si Ate papalapit sa amin.

Niyakap niya kaming dalawa ni Mama.

"Mama. Bunso. Mahal na mahal ko kayo." Parang gusto kong umiyak sa mga sinabi ni Ate.

"Mahal na mahal ko din kayo mga anak ko. I will do everything, kahit kapalit pa ang buhay ko just to protect the both of you." Sagot naman ni Mama habang nakayakap ng mahigpit sa aming dalawa ni Ate Min So.

"O sya. At baka malate pa kayong dalawa. Umuwi kayo ng maaga mamaya ha? Magluluto ako ng favorite niyong food." Nakangiting sabi ni Mama sa amin. "And by the way, tutal weekends naman na tomorrow, why don't you guys bring your friends over? Magluluto din ako para sa kanila."

Nagkatinginan kami ni Ate Min So. Naexcite ako bigla. Gusto kong ipakilala si Shawn kay Mama. Gusto kong ipakilala sa kanya ang 'knight in shining armor' ko.

"We will Ma! I'll them later!" Masayang sabi ni Ate. She's bringing her kambal na bestfriends si Ate Alex at Ate Gab.

"Ma, how about our cousins? Sila Tita Jin? Pupunta din po ba sila?" Curious kong tanong. The last time na nakabonding ko sila, 2 weeks ago.

"Sa Sunday anak. Magsisimba tayo with them." Sagot ni Mama. "Sige na sige na. Mamaya nalang natin pag usapan yan. Mag ayos na kayo. Ihahatid ko pa kayo sa school." At tsaka niya isinara ang pintuan.

"Sige bunso. Mag aayos na din ako. Byeeee." Masayang sabi ni Ate Min So at nanakbo na din palabas ng kwarto ko.

Napangiti ako. Maitext pala si Shawn.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon