Chapter 22

697 36 4
                                    

Shawn Fuentes

Anong ginawa nila Taegguk sa rooftop ng department building namin? Sinundan ko si Justine. Gusto ko lang naman malaman baka sa kanya nagkukwento si Taegguk.

"Justine." Pagtawag ko sa kanya. Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin.

"Oh tol? Kumusta?" Tanong niya sa akin habang nakangiti.

"Okay naman ako. Pwede ba akong magtanong?" Seryoso kong sabi sa kanya.

Nawala naman ang ngiti sa mukha niya.

"Is it about Taegguk? Okay naman siya. Actually, magkasabay nga kaming naglunch eh. And he enjoyed it." He was wearing this insulting smirk on his face.

Nakayukom ako ng kamao ko dahil sa inis. Anong nginingisi ngisi ng isang to?

"May itatanong ka pa ba pinsan? Kasi may klase pa ako eh. Sa susunod na magkita ulit kami ni Taegguk ikukumusta nalang kita sa kanya. Tsaka makikikumusta nalang din ako kay Min So. Sige alis na ako." Dere deretcho niyang sabi habang nakangisi pa din at tumalikod na.

Naiwan akong nagpupuyos sa inis sa kinatatayuan ko.

Ano bang papel niya?

Hindi hamak na ako ang naunang naging kaibigan ni Taegguk kesa sa kanya. Kung hindi naman dahil sa akin hindi niya makikilala si Taegguk. Bwisit.

Kailangan kong makausap si Taegguk. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Gusto kong bumalik kami sa dati. Hindi yung ganito na iniiwasan niya ako na parang hindi niya ako kilala.

Kahit sa bahay nila, parang hangin lang ako sa kanya. Hindi niya kami iniimikan. Kahit na si Min So. Alam kong masama ang loob niya.

Pero paano?

Tsaka ko nalang siya kakausapin kapag hindi na siya ganoon umiiwas sa akin.

Pumasok na ko sa susunod kong klase. Hindi mawala sa isip ko yung mga ngisi ni Justine. Naiinis pa din ako.

Pagkatapos ng isang mahabang araw sa school. Mabilis na akong umalis ng classroom at nagpunta sa classroom ni Min So. Sinusundo ko na siya palagi bago umuwi. Dahil yun naman talaga ang role at duty ko.

Nakita ko siyang nag aayos ng gamit niya habang hinihintay siya nila Gab at Alex.

Mukhang napansin na nila ako kaya naman nagpaalam na din si Min So sa dalawa niyang kaibigan.

"Kanina ka pa?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Kakadating ko lang. Tara na?" Aya ko sa kanya.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Sunduin kaya namin si Taegguk? Kaso baka wala na siya sa classroom niya.

"Okay ka lang ba? Ang tahimik mo." Pagpuna sa akin ni Min So. Napalingon ako sa kanya.

"Wala naman." Tipid kong sagot.

Natahimik lang siya. Pumara na kami ng taxi. Simula ng tumira ako sa kanila hinahayaan nalang kami ng parents nila na magsabay sa pagpasok.

Hanggang makauwi sa bahay hindi ako umiimik. Wala talaga ako sa mood. Pero ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang isang pamilyar na tao.

"Mama?" Tawag ko sa kanya. Nakangiting lumingon sa akin ang Mama ko na kakwentuhan ngayon si Tita Tae at Sir Jungkook.

"Anak! Kanina pa kita hinihintay!" Masayang sabi niya at lumapit pa sa akin at niyakap ako. "Namiss kita ng sobra anak!" Pahabol pa niya. Sabay tingin kay Min So. "Heto na ba mapapangasawa mo anak? Nako napaka ganda naman pala talagang bata. Tama nga si Serela. She's pretty like her Mom." Madaldal na sabi niya bumeso pa kay Min So.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Where stories live. Discover now