Chapter 21

716 39 2
                                    

Jeon Kim Min So

My heart is full. Seeing my Mom and Dad treating each other so well. Hindi na sila nag babangayan na parang aso at pusa.

Nagulat talaga ako ng makita ko si Daddy na nandito sa bahay plus, dito na din muna siya titira.

I think its for a while. Hindi din naman kasi sinabi ni Mama kung hanggang kailan ba si Daddy dito.

1 week na din. 1 week na din sila dito ni Shawn. Oo nga pala he's here too. So far okay naman siyang kasama sa bahay.

Actually, hindi nga siya humihiwalay sa akin. Siguro dahil yun ang utos sa kanya ni Mama.

He was always making sure kung okay ba ako. Kapag nasa school palagi niya akong pinupuntahan sa classroom ko.

Nagtataka na din nga yung iba kong kaklase dahil bakit daw madalas na ang pagbisita sa akin ni Shawn sa klase.

May mga chismis din naman na kumakalat na may relasyon kami.

Sinasawalang bahala ko nalang ang lahat ng naririnig ko. Kahit na pakiramdam ko nagiging sentro ako ng chismis ng mga studyante sa school.

Nag aayos na ako para sa pagpasok. Sabi ni Mama tsaka nalang daw ako mag stop kapag malaki na yung tiyan ko.

Mag fo-four weeks palang naman siya kaya hindi pa halata.

Nakarinig ako ng marahan na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok po." Sigaw ko.

Pagbukas si Shawn pala. Ibinalik ko ang atensyon ko sa pag aayos ng buhok ko.

"Ready ka na ba? Sabi ni Tita Tae, sabay nalang daw tayo. Umalis na kasi sila ni Taegguk." Sabi niya. Tumingin ulit ako sa kanya.

"Sige. Tatapusin ko lang to. Si Daddy ba umalis na din?" Tanong ko naman sa kanya.

Tumango siya. "Oo, kasabay lang din nila Tita Tae na umalis." Sagot niya.

I sighed. Namimiss ko ng kasabay si Taegguk. He still ignoring me, even Shawn.

"Huy natulala ka na dyan." I snapped out of my deep thoughts ng magsalita ulit si Shawn. "Sabi ko hintayin nalang kita sa baba. Nagpatawag na din si Nanay Manang ng taxi." Sabi pa niya. Tumango lang ako.

Kailangan ko bang sanayin sarili ko sa ganito?

Habang pinapalapit ni Mama ang loob namin ni Shawn sa isa't isa, unti unti namang lumalayo ang loob sa akin ng kapatid ko.

Mabilis na akong kumilos at bumaba. Nakaready na din lahat ng dadalhin ko dahil niready ni Shawn ang mga lunch pack namin.

"Tara na. Nasa labas na yung taxi." Nakangiting sabi niya sa akin.

I still don't know him that much and yet my Mom trusted him too much. Why?

"Huy. Ano ba? Kanina ka pa natutulala dyan malelate na tayo." Pagpukaw atensyon niya sa akin.

Sumunod na ako sa kanya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng taxi at ng makasakay ako tsaka siya umikot sa kabila at sumakay na din.

While on our way to school tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

Panibagong araw, panibagong pag uusapan nanaman ng mga studyante dahil sabay kaming pumasok ni Shawn.

"Min So? Okay ka lang ba?" Napalingon ako sa katabi ko. He looked so worried.

"Oo naman." Sagot ko sabay iwas ulit ng tingin sa kanya at tingin sa labas ng bintana. Hindi na ulit nagsalita pa si Shawn.

He's a nice person. Hindi mahirap mahulog ang loob ng isang tao sa kanya dahil sa ugali niya. He look so dominant on the outside, pero kapag nakita mo na yung inner attitude niya doon mo siya makikilala as mabait, caring at maalagang tao.

𝐀𝐜𝐭𝐨𝐫'𝐬 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫 • 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐈𝐈Donde viven las historias. Descúbrelo ahora