08

179 11 0
                                    

08

Nagbuntong-hininga ako at pinagmasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Lumilipad ang isipan ko.

Base sa mukha ni Joy, parang natutuwa pa yata siya sa nangyari.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa may pasemano, katabi ng de-tulak na cart. Si Manong Alfred naman sinasagutan iyong crossword puzzle sa dyaryo.

Kinuwento ko sa kanya kung ano ang nangyari. Mula sa mall hanggang sa coffee shop.

Bukod sa 'kin, bumigat din ang pakiramdam ng pitaka ko. Kanina pa siya kain nang kain at sinabing ako raw ang magbabayad. Saludo na talaga ako sa kakapalan ng mukha niya. Hinayaan ko na lang din dahil ako naman ang nagyaya sa kanyang tumambay.

Lampas na rin ala una kaya kahit labag sa kalooban ay nag-cutting na lang ako. Kung makikita ako ni Lovely, tiyak magtatanong talaga 'yun.

"Sabi ko naman sa 'yo, eh," sabay kain sa fishball. "Niloloko ka lang nun."

Nagbuntong-hininga ulit ako.

Tumawa siya. "Tapos sinabihan ka pa na para kang aso? Nakakatawa 'yun."

Lumingon ako sa kanya. "Masaya ka na?"

"Oo," sabay tango at natatawa pa. Tumayo siya at nagpunta sa cart. "Isa pang kwek-kwek, Alfred."

"Ang dami mo nang kinakain," sabi ko. "Mahiya ka naman sa 'kin."

"Ba't naman ako mahihiya sa 'yo? Si James ka ba?"

"James?" sabay taas ng kilay.

"James Reid."

Mahina akong natawa at umiling. "Ibang klase."

Umupo ulit siya sa pasemano at may hawak nang mangkok ng kwek-kwek. "Teka, maiba ako... ba't ka nandito?"

"Huh?"

"Bingi ka ba? Narinig mo naman, 'di ba?"

Tiningnan ko siya sa mata. Wala talaga itong mga emosyon kahit isa. Para akong nakikipag-usap sa patay.

Pero bakit nga ba? Anong ginagawa ko rito?

Hindi naman kami magkaibigan, 'tsaka masama siyang tao. Hindi rin matinong kausap. Bakit nga ba ako nandito?

Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim habang nag-iisip ng maisasagot.

"Bakit... bakit mo alam na niloloko lang pala ako?"

Tumawa siya bigla. Sa totoo lang, iniisip ko kung pinipilit niya lang bang matawa. Wala kasi itong buhay at peke pakinggan... o baka sadyang ganyan lang talaga siya.

Siya si Joy, eh... at iba ang breed niya.

"Hindi pa ba halata?" Natatawa niyang nilingon si Manong. "Alfred, tinatanong niya kung ba't siya iniwanan ng girlfriend niya."

Umiling na lamang si Manong bilang tugon at nagpatuloy sa pagsasagot.

"Hubarin mo nga lahat ng damit mo tapos tumingin ka sa salamin. Makikita mo kung bakit."

Nagkunot-noo ako. "A-Anong maghubad..."

Sumeryoso siya bigla. "Ang ibig kong sabihin, ikaw. Ikaw ang may problema. Hindi mo pa ba gets 'yung sinabi ng ex-chick mo? Ano ba 'yan, ang bobo naman."

Napayuko ako. Mas masakit 'pag kay Joy galing. Alam ko kasi na hindi siya nagsisinungaling. At wala ring preno ang bibig niya.

Tumayo siya. "O, ba't ganyan ang mukha mo? Masakit ba?"

Tumingin lang ako sa kanya at walang plano na sumagot.

Ngumisi siya. "Ang babaw lang niyan, Silvester IV. Huwag kang OA."

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now