14

140 8 1
                                    

14

Hanggang saan ba ang kaya kong gawin para sa katotohanan?

Ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip tungkol sa mga nalaman ko. Parang wala kasing sense. Kahit pagtagpi-tagpiin ko iyong mga patay na magulang ni Joy, iyong babaeng kamukha niya, at iyong pagiging pasyente niya sa ospital, wala talaga, eh.

Kaya naman naisipan kong gumawa na talaga ng aksyon.

Nag-cutting ako sa hapon at naghintay sa bukana ng makitid na daan sa may likuran ng eskwelahan niya. Iyong shortcut papuntang Safe Haven.

Ala una pa ako rito at ilang oras na akong nakaupo sa may damuhan habang inaabangan ang pagdating niya.

Sa totoo lang, para akong manyakis sa lagay na 'to. Pero ano pa ba ang magagawa ko?

Alas kwatro nang bigla ko siyang makita. Naka-itim na bestida siya na may mga print ng bulaklak. Nakatali rin ang mataas niyang buhok at naka-boots. Kaagad na kumunot ang noo niya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya.

"Wala. Gusto lang kitang makita."

Hindi siya natinag sa pagtitig sa 'kin na may pagtataka sa mukha. Nakatitig siya na para bang nasisiraan na ako ng bait.

"Totoo nga-"

Hindi ako nakatapos nang bigla siyang magtapat ng ballpen sa gitna ng lalamunan ko. Napasinghap ako sa gulat at halos pigilan ang hininga!

"Magsasabi ka ba ng totoo o hindi?" mabagal niyang sabi.

Napalunok ako at hinawakan ang kamay niya para ilayo ito kaso ang lakas niya kaya tumango na lang ako.

"M-Magsasalita na ako," sabi ko.

Doon niya lang ibinaba ang ballpen. Nakahinga kaagad ako nang maluwag. Ibang klase! Muntikan na 'yun!

"Anong sasabihin mo?"

Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod na ako.

"Kasi-"

"Ah, nagsumbong ba ulit iyong tsismosa mong kapatid? Ano na naman bang sinabi niya ngayon?" Nahinto siya at matalim ang tingin sa 'kin. "Iyon bang nakita niya na kinakaladkad ako ng bodyguard papasok sa sasakyan?"

Umiling ako. "Hindi iyon."

Nagtaas lang siya ng kilay, hinihintay kung ano ang lalabas sa bibig ko.

"Iyong tungkol sa pagiging pasyente mo sa ospital na pupuntahan mo ngayon."

Nagulat siya. Nakita ko 'yun. Pero mabilis niya itong tinabunan ng inis. Nag-iwas siya ng tingin.

"Totoo ba 'yun?" mahina kong tanong.

Imbis na magsalita, naglakad siya papunta sa pinagmulan namin.

"Joy, totoo ba 'yun?" tanong ko ulit.

Nahinto siya at humarap sa 'kin. "Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Magkaibigan ba tayo?"

Napanganga ako. Anong ibig niyang sabihin? Ba't niya 'yun tinatanong?

Lumapit siya sa 'kin, puno ng galit ang mukha. "Bakit kita sasagutin? Wala naman akong tiwala sa 'yo..."

Hinamon ko siya ng tinginan. Kaso hindi ko kaya, eh. Imbis na sa mga mata niya tumingin, nagpunta ang mga mata ko sa kabuuan ng mukha niya.

Iyong nunal sa gitna ng tulay ng ilong. Iyong manipis iyang labi. Iyong pisngi niya...

"Eh, ano 'yung lahat ng pinagsamahan natin?" tanong ko. "Ano 'yun lahat?"

Sarkastiko siyang ngumisi. "May gusto ka ba sa 'kin?"

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon