10

172 11 0
                                    

10

Ang mga taong kagaya ni Joy ay dapat kong iwasan.

Hindi siya magandang influence. Lagi siyang nagcu-cuttiing, walang karespe-respeto sa katawan, hindi magalang, at nakakatakot. Pero ang hindi ko maintindihan ngayon ay kung ba't ako naglalakad papunta sa Safe Haven.

Umagang-umaga, wala kaming pasok, nasa bahay pa sana ako at nanonood ng anime kapag ganito, pero hindi... mas pinili kong maglakad papunta sa nakakakilabot na lugar na 'to.

Pinakiramdaman ko ang bracelet na nasa bulsa ng suot kong jacket.

Tama, ibibigay ko lang naman 'to. Baka kasi importante...

"Uy, ikaw pala," bati ni guard. Napansin ko na naman ang butones niyang malapit nang bumigay. "Anong atin? Si Nurse Imelda ba? Naku, day off niya ngayon."

"Ay, hindi po. Nandito po ako para kay..."

"Kay?"

"Kay Joy, po."

Kumunot ang noo niya nang tumingin sa 'kin. "Si... Joy?"

Tumango ako. "Opo."

May binulong siya na hindi ko marinig pagkakuha sa record book. "Log in ka muna rito, hijo."

Tumango ulit ako at nagsulat na roon. Nang ibinigay ko sa kanya ay may binigay siyang laminated ID na may pulang lace. May logo ito ng ospital at may nakalagay rin na 'VISITOR' doon.

Siguro ganito kapag may bibisitahing pasyente. Pero, teka... ibig sabihin...

"Kuya, ba't po ako may ganito? Ano po ba si Joy rito? Staff o pasyente?"

Napakamot siya sa ulo at nag-iwas ng tingin. "Parang..."

"Parang?"

"Kasi-"

"Anong ginagawa mo rito?"

Biglang dumating si Joy sa harap namin kaya hindi na natuloy iyong sasabihin ng guard.

Nakasimangot siya at nakatali ang napakahaba nitong buhok. Naninibago ako sa suot niyang spongebob na ternong pajama at t-shirt. Naka-pambahay na tsinelas lang din siya.

Unang beses ko yata siyang nakita na hindi naka-bestida o damit na pang-magarbo. Lihim akong napangiti. Hindi ko kasi inasahan na ganyan pala siya kapag nakapambahay.

Ibig sabihin din nun... dito nga siya nakatira. Pero bakit?

Kumaway siya sa harapan ng mukha ko. "Nababaliw na yata 'to, Edwin, kailangan nang i-check in."

Lihim na humagikhik si guard.

Tumikhim ako. "Kasi... ano..."

"Kasi ano?" iritado niyang tanong.

"May sadya ako sa 'yo."

Sinukat niya ako ng tingin, kaya napaatras ako nang konti. Bumagsak ang mga nakakatakot niyang mata sa suot kong ID. Umirap siya at tumalikod.

Nang magsimula siyang maglakad ay sinundan ko siya.

"Teka," sabi ko.

Hindi siya nakinig. Mas binilisan niya pa ang paglalakad. Nakakamangha lang kasi tumitingkad ang dilaw niyang kasuotan sa puting lugar.

Bigla siyang lumiko papunta sa may pinto. Hanggang sa nakalabas kami sa building at tumambad sa 'kin ang playground.

Dito iyong una naming pagkikita. Bigla tuloy akong namula sa hiya nang maalala iyon. Nang umupo siya sa may swing ay ganun din ang ginawa ko.

More Than Meets the EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon