32

151 10 0
                                    

32

Wala kaming pasok ngayon pero maaga akong nagising para maligo. Imbis na maayos na t-shirt ay polo shirt ang pinili kong suotin. Nilagyan ko rin ng gel ang buhok.

"Akala ko ba wala kang pasok?" tanong ni Mama.

Umupo na ako sa hapag para mag-almusal. Sakto namang dumating si Lovely.

"Akala ko ba wala kang pasok?" tanong niya rin.

"May lakad ako, eh."

"Anong lakad 'yan?" tanong ulit ni Lovely. "Bihis na bihis ka yata, ah."

"Pormal na lakad."

Hindi na ulit nila ako kinulit ang nagsimula nang kumain. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung tama pa bang umalis.

Pero alam ko sa sarili ko na kailangan ko itong gawin.

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. Inilagay ko na agad sa lababo ang plato at nag-toothbrush. Pagkatapos ay hinugusan ko na ito. Tumabi ako nang inilagay ni Mama ang mga natirang plato sa lababo.

"Sa totoo lang," panimula ko. "Pupunta po ko sa ospital. Dadalawin ko po ulit si Joy."

Ngumiti si Mama. "Talaga?"

Tumango ako.

"First time mong 'di nagsinungaling, ah?"

"Po?"

"Nitong huling buwan, alam ko naman na sa ospital ka nagpupunta kahit iba ang palusot mo sa 'kin," aniya. "Nandun kaya si Imelda, baka nakakalimutan mo."

Kinamot ko ang batok. "Pasensiya na po. Nakakahiya lang kasi."

Natawa siya. "Huwag ka nang mahiya. Malaki ka na. Normal lang na magkagusto."

Napatawa na rin ako. May iniabot siyang pera sa 'kin.

"Bilhan mo siya ng bulaklak."

Ibinalik ko ito. "Ma, may pera po ako-"

"Sige na. Pandagdag mo na rin 'yan. O, 'di kaya'y sabihin mo na sa 'kin galing."

Ngumiti ako at hinalikan ang noo niya. "Salamat, Ma."

"Walang problema."

Nagpaalam na ako bago umalis sa bahay.

Maganda at malamig ang simoy ng hangin. Unang araw ngayon ng Disyembre. Hindi ko akalain na mahigit isang taon na pala mula nung nakilala ko si Joy.

Hindi gaanong masikat ang araw. Dahil sa lamig, tumataas ang mga balahibo ko dala na rin sa kaba. Matapos ang isang buwan, ngayon lang ulit ako makakabalik dun.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pero magtitiwala na lang ako.

Kagaya nga sa sinabi ni Lovely, kailangan niya ako ngayon. Kaya dapat hindi ako matakot.

"Lester!"

Paglingon ko sa may gilid ay nakita ko si Mea na naglalakad papunta sa 'kin.

"Mea? Bakit ka nandito?"

Malayo kasi ang baranggay nila, at sa pagkakaalam ko, wala naman siyang kaibigan dito. Wow, ilang buwan ko na rin siyang hindi nakita pero ganoon pa rin siya. Nahahawa pa rin ako sa magaganda niyang ngiti.

Pero hanggang doon na lang 'yun.

"Ikaw talaga ang sadya ko," aniya. "May oras ka ba?"

Nang tumango ako ay nagpunta kami sa isang cafe na malapit sa sakayan. Bagong bukas ito at wala masyadong customer.

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now