20

148 8 3
                                    

20

Lumipas ang ilang buwan at hindi ko na nakita pa ulit si Joy.

Hindi ko na dapat iyon iniisip pa kasi alam ko na mas nakakabuti 'yun. Wala rin naman siyang magandang dulot sa 'kin. Pero nakakainis kasi hindi ako mapakali.

Unti-unti na kasi akong nasasanay na nandyan siya. Ginusto ko man o hindi, naging parte na siya ng buhay ko.

Ilang beses ko ring pinag-isipan na pupuntahan ko siya sa ospital o sa eskwelahan kaso hinihila ako pabalik ng pride ko.

Tama na. Ayaw ko na.

Recognition day na ni Lovely at papunta kami sa eskwelahan niya. Alam ko na makikita ko si Joy, at hindi ko alam na papansinin ko ba siya o hindi.

Sa totoo lang, hindi naman kami nag-away. Hindi ko rin alam kung ba't ganoon siya. Magulo siyang tao, at doon ko lang na-realize na ako lang palagi iyong nagre-reach out.

Pagod na ako sa kanya.

May pa-sabi-sabi pa siya na gusto niyang makilala ko siya. Kaso...ayoko na talaga.

Naka-itim na polo shirt at pantalon ako kasama sina Mama na naka-casual at si Lovely na naka-uniform. Pagkapasok namin sa gate, kaagad akong na-conscious sa rami ng tao.

Halos mabali na ang leeg ko kakatingin kung nandito ba siya, pero nakaupo na kami sa hall, wala pa rin siya. Kaya hindi ko na rin pinansin ulit.

"Kuya," tawag ni Lovely. "Ayusin mo ang pag-picture, ha? Noong nakaraan kasi blurred, nakakainis."

Natawa ako. "Kumuha ka na lang ng photographer kung gusto mong maging perfect."

Inirapan niya lang ako.

"Pwede ba," ani Mama, "huwag na muna kayong mag-away ngayon? Dapat maging masaya tayo kasi nakasali si Lovely sa honor roll."

"Himala," sabi ko.

Siniko ako ni Lovely. "Umuwi ka na lang kaya? Mukhang ikaw lang kasi ang malas dito."

"Ma, 'yung anak mo walang respeto sa nakakatanda," sumbong ko.

Nagbuntong-hininga lamang si Mama at hindi kami pinansin. Palihim akong tumingin sa paligid pero wala talaga akong makita na babaeng naka-bestida at boots.

Daig pa ng leeg ko ang 360 kakahanap sa kanya. Huminga ako nang malalim at hinayaan na lang.

"May hinahanap ka 'no?" tanong ni Lovely. Itinataas-baba niya ang kilay at tinutukso ako.

"Imbento."

"Sus, kunwari ka pa Silvester. Sinong hinahanap mo? Si Ate Happiness ba? Yieee."

Nagkunot-noo ako. "Ano ba 'yang pinag-iisip mo? Tumigil ka nga."

"Gusto mo siya, 'di ba?"

Dumikit ako kay Mama. "Ma, si Lovely o, nag-iimbento."

Natawa lamang si Lovely. May sasabihin pa sana siya kaso nagsimula na ang program. Tumayo kami para sa prayer at flag raising.

Pero wala pa ring Joy.

Unang tinawag iyong mga grade eleven, kaya mas naging alerto ako at pinagmasdan ang paligid.

Sinimulan na nung teacher ang pagtawag ng mga pangalan. Napalunok ako nang marinig ang pangalan niya.

"Proficiency Award. Paraiso, Happiness L."

Akalain mo, honor pa pala 'yun? Sa rami ng kalokohan niya?

Kasabay nun ang palakpakan kaso walang nagpakita. Inabangan ko ang pagtapak niya sa stage.

More Than Meets the EyeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora