34

163 11 0
                                    

34

Malamig ang simoy ng hangin. December na nga talaga. Marami na ring nangangaroling at may mga dekorasiyon na rin sa bahay na binili ni Mama sa tiangge.

Masaya ang paligid, kaya pinipilit ko na lang din ang sarili na makiisa, kahit sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Nang dumating ang birthday ko, simple lang ang naging handaan. Dahil may bagyo, hindi nakapunta ang iilan kong mga pinsan at kamag-anak. Nandito rin sina Oyo, Reggie, Tiboy pati si Phil.

Napanganga ako nang may binigay siyang paper bag sa akin na may logo ng kinagatang mansanas. Naki-usisa rin sina Oyo.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Birthday gift."

"Maraming salamat, pare. Mabuti ka pa at may gift ka. 'Yang iba kasi diyan, nakikikain na nga, nanghihingi pa ng bring home."

"Hoy, si Oyo lang kaya ang ganyan," depensa ni Tiboy.

Kumandong si Reggie kay Phil. "Pwede bang i-adopt mo na lang ako, 'tol?"

"Ako rin!" Nag-isa ng kamay si Oyo.

Tumingin si Phil sa kanya. "Pasensiya ka na, baka magtaka pa si Mommy kung ba't ako nag-uwi ng butiki, eh."

Kaagad pinigilan ni Tiboy si Oyo sa pagsugod. Nagtawanan na lang kami. Itinabi ko muna ang regalo at tinulungan sila sa pagkain.

Nang makita si Lovely na nakanganga at nakatingin kay Phil, kaagad ko siyang sinimangutan at hinarangan.

"Tumabi ka nga," aniya. "Panira ka, eh."

"Bata ka pa. Bawal 'yan."

"Sinong nagsabi na bata pa ako? Tabi ka na diyan."

"Sa bagay, hindi ka rin naman magugustuhan ni Phil. Hindi kasi mga tulad mo ang tipo niya. 'Tsaka mas matanda siya sa 'kin ng dalawang taon 'no."

Tinuro niya ang sarili. "Sa tingin mo ba, may paki ako?"

8 PM nang umuwi na ang mga bisita maliban sa kanila. Nasa labas pa kami at nag-iinuman. Hanggang ngayon, nakatulala pa rin sila sa 'kin na para bang nagkaroon ako ng pakpak o ano.

"Umiinom ka na ba talaga?" tanong pa ni Reggie.

"May problema ba dun?"

"Nakakapanibago lang."

Sinalinan ulit ni Phil ang baso ko. "It's normal guys. Birthday niya rin naman ngayon."

"Anong problema?" tanong ni Tiboy.

Nagbuntong-hininga ako at sinabi sa kanila kung ano ang nangyayari. Mula nung panahon na tumigil ako kakabisita hanggang sa nangyari noong mga nakaraang linggo.

Nakita ko kung paano nag-iba ang tiyempo ng paligid. Natahimik kaming lahat at sabay na napainom. Nilagok ko 'yun akin, hindi na masyadong naninibago sa lasa nito.

Tinapik ni Reggie ang balikat ko. "Ang tapang mo, pare."

"Okay lang 'yan," ani Oyo. "Maayos din ang lahat. 'Tsaka birthday mo ngayon, huwag ka nang malungkot."

Ngumiti ako ng pilit sa kanila bago uminom.

"Makaka-get over ka rin," sabi ni Tiboy.

Pero mali yata siya. Kahit pwedeng-pwede kong piliing kalimutan at hayaan na lang si Joy, hindi ko iyon gagawin. Kailangan niya ang tulong ko.

At itong nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko maipaliwanag, eh. Malalim na yata talaga ang pagkahulog ko.

Naisipan kong makipagkita kay Tita Matilda isang araw bago ang pasko. Nandoon na siya sa pinag-usapang coffee shop pagkadating ko.

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now