16

144 8 0
                                    

16

Hindi ako nakasali sa boy scout, pero lagi akong handa.

Kapag may surprise quiz na nagaganap, lagi akong nakakasagot kasi gabi-gabi akong nag-aaral. Lagi akong may extra at may plan B para maiwasan ang pagkakaroon ng palpak.

Kaya naman ako ang takbuhan ng mga kaibigan ko kapag nagkaproblema. Nakaugalian ko na rin ang mag-advance reading para maunahan ang mga prof ko.

Pero ngayon, hindi ako makapagsalita sa naging tanong ni Lovely.

Walang extra. Walang plan B. Unexpected shot, ika nga.

"May gusto ka ba sa babaeng 'yun?"

"A-Ano?"

"May gusto ka ba sa kanya?"

Nag-iwas ako ng tingin at aakyat na sana para iwasan ang tanong ni Lovely kaso hinawakan niya ang balikat ko at pilit na iniharap sa kanya.

"Ba't ka lumalayo?"

"Hindi kaya! Gusto mo bang isumbong kita kay Mama?"

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Sige, magsumbong ka!"

Nagkunot-noo ako at itinulak ang noo niya gamit ang daliri.

"Wala. Wala akong gusto kay Joy."

Sinundan niya ako hanggang sa kwarto. Ilala-lock ko sana iyong pinto kaso naunahan niya na ako sa loob.

"Ano ba! Ang kulit mo naman, sabing wala nga, eh!" sabay kamot ko sa ulo.

Umupo siya sa kama. "Paano ba kasi kayo nagkakilala?"

Gusto ko siyang paalisin, kaso alam ko kasi na kung matatakasan ko man siya ngayon, hindi pa rin niya ako titigilan. Kaya naman pinili ko na lang na magsabi ng totoo mula sa pagpunta ko roon nang mag-isa.

Pero ang nakakapagtaka roon, wala siyang sinabi kahit isa.

Akala ko papagalitan niya ako o pagsasabihan, kaso wala talaga, eh. Pero iyong tingin niya, grabe. Alam ko na may kahulugan iyon pero sa tuwing kinukulit siya, dine-deny niya naman.

"Imagination mo lang 'yan," iyon lang ang lagi niyang sinasabi.

Dumating na ang Chistmas break, ibig sabihin din nun, papalapit na ang kaarawan ko. Simple lang naman ang handaan. Tanging sina Reggie at iilang mga kapitbahay at mga kamag-anak lang naman ang pumupunta.

Pero ngayon, gusto kong imbitahan si Joy.

"Talaga?" rinig kong sabi ni Mama habang may katawagan at nagpunta sa labas.

Kasalukuyan akong nanonood ng TV at pinapanood ang paborito kong anime. Simula nang magbakasyon, lagi na akong nakatambay sa sala at sinasakop ito. Alam ko kasi na magiging busy na ako next sem, kaya susulitin ko na.

"Akin na ang remote," sabay lahad ng palad ni Lovely na kakababa lang mula sa kwarto.

"Huwag ka ngang epal. Nanonood ako."

"Kuya naman! Halos isang linggo ka na, ha."

"Kailangan kong tapusin lahat."

"Ano ba naman 'yan!" sabay pagdadabog niya. "Kainin mo na lang ang remote. Bwisit ka!"

Sakto namang pumasok ulit si Mama. "Huy, Lovely, iyang bibig mo ha."

Pinagtawanan ko siya. Nagkrus ang mga balikat ni Lovely at umupo sa kabilang sofa habang nakasimangot. Inirapan niya lang ako kaya mas lalo akong natawa.

"Lester," sabay lapit ni Mama sa 'kin. "Pwede bang utusan kita?"

"Ano po?" tanong ko habang nakatingin sa TV.

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now