22

142 9 3
                                    

22

Isa sa pinaka-ayaw ko sa mundo ay ang ROTC.

Noong nasa grade twelve ako, naalala ko kung ang lahat ng sakit na naranasan. Halos hindi ko magalaw ang mga braso ko sa buong school year. Tandang-tanda ko pa kung paano kami dapat umupo nang tuwid, pati na rin sa pagtayo.

Kaya isinusumpa ko sa sarili na hindi na talaga ako makikialam sa ROTC o kahit ano pang may kaugnay sa pagsusundalo.

Pero ngayon ay daig ko pa lahat ng general at captain na nasa gobyerno sa tuwid ng pagkakaupo ko.

Kaharap ko si Joy na pinipigilan ang tawa. Nasa hapag-kainan kami at nasa gitna ang Tita niya.

Sobrang taas ng dining table nila. Pati ang mga pagkain na sine-serve ng mga naka-unipormeng maid ay parang mamahalin.

Para tuloy akong nasa mundo ng anime. May napakalaking chandelier naman sa gitna. Nakakatakot ito kasi kahit magandang tingnan, parang matalim.

Nang makita kami ng Tita ni Joy, inalok niya kaming mag-dinner. Aayaw na sana ako kaso hinila na ako ni Joy kaya wala na akong magawa pa.

Tanging ang tunog ng mga kubyertos sa plato ang naging ingay. Kanina pa bumubungisngis si Joy. Napansin niya siguro ang pagkailang ko.

"So, what's your name again?"

Tuwid akong humarap sa Tita niya. "Silvester Cruz IV po, ma'am."

Tumango siya. "Okay, okay."

Sa totoo lang, mas nakakatakot si Joy kaysa sa Tita niya pero mukha itong napaka-high maintenance.

"Saan ka nag-aaral?" tanong niya ulit.

"Sa may malapit na University po, ma'am."

"Oh, a college boy. Anong course mo?"

"Nursing, po. Third year na po, ma'am."

"That's great."

"Maraming salamat po, ma'am."

Natawa si Joy. "Natatae ka ba?" tanong niya sa 'kin.

"Happiness, I think it's inappropriate to talk like that in front of the food," ani Tita niya.

"Check mo nga 'yang kausap mo, Tita, parang naging robot na kasi."

Sinamaan ko siya ng tingin kaso kaagad itong napalitan ng ngiti nang tumingin ang Tita niya sa 'kin.

"Magka-ano-ano kayo?" sabay turo niya sa amin gamit ang tinidor.

Tumingin ako kay Joy na naghihintay kung ano ang sasabihin ko. "Ah, magkaibigan po."

"Really? You two seemed intimate earlier."

Naubo ako at inabot iyong tubig.

Tumawa si Joy. "May balak na kasi siyang pakasalan ako, Tita. Payag ka ba dun?"

"H-Hindi kaya!" depensa ko.

"Ay sus, ide-deny mo pa. Eh, may gusto ka kaya sa 'kin."

Napakurap ako. "I-Imbento ka ha."

Ngumisi lamang siya at kumain na ulit.

Kinabahan ako roon. Iyong biro niya kasi ay totoo. Ayaw ko namang ipahalata at baka ano ang isipin niya.

"I'm sorry for her behavior," sabay tingin ng Tita niya sa 'kin. "She's really like that... A living headache."

"Okay lang po. Sanay na rin po ako sa kanya."

Inirapan ako ni Joy.

"I hope she's not bothering you, because she always does that to everyone."

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now