11

171 10 3
                                    

11

Joy Paraiso sent you a friend request.

Iyan ang bumungad sa 'kin nang mag-log in sa Facebook. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Hindi rin naman kasi ako active sa mga social media. Ginagamit ko lang 'to kung may gusto akong i-message.

Matagal kong tinitigan ito. Walang siyang profile picture. Wala ring laman ang timeline pero hula ko naka-private itong account niya.

Na-curious akong tingnan ito kaya in-accept ko na. At tama nga ako, naka-private lang.

Doon ko nakita ang mga kababalaghan niya sa social media. Literal na kababalaghan.

'h3LLo guyZ! kamustah mga ka-fb w0rld!'

'n3w ph0n3!!!!'

'g00d afti3!"

Inihagis ko ang cellphone sa kama at tumayo. Lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nagsitaasan. Napa-sign of the cross na rin ako.

Ano 'yun?!

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tiningnan ulit ang cellphone. Pagtingin ko sa mga friends niya, halos mga amerikano at mga arabo lahat! Iyong mga uploads naman ay puro spongebob lang.

"Si Joy ba talaga 'to?" bulong ko sa sarili.

Bakit ang jejemon niya?! Ano itong mga comma? Mga tuldok? Anong kabalastugan ito? Akala ko ba tapos na tayong lahat sa ganitong panahon? Napag-iwanan ba siya?

Umatras lahat ng takot na naramdaman ko at natulala sa may kisame. Si Joy... jejemon. Totoo ba talaga 'to?

May mga ganito pa pala mag-type ngayon? Aaminin ko na naging jeje rin ako dati, pero noon lang 'yun! Tapos na ang era na 'yun!

"O, napano 'yan?" sabay nguso ni Tiboy na bagong dating sa 'kin.

Nasa court kami ngayon, naghahanda na para maglaro. Kanina pa ako lutang kaya naman tahimik lang ako at minsan ay nakatulala pa.

"Ewan." Nagkibit-balikat si Reggie. "Hagisan mo nga ng bola, Oyo, tingnan natin kung sinapian na ba 'yan."

Hindi ko sila pinansin at nagpunta na naman sa Facebook. Ilang beses na akong patingin-tingin sa profile niya. Pero kahit anong refresh, ganoon pa rin, e!

Nagpaalam si Oyo na bibili pa ng chewing gum kaya naman hindi na muna kami nagsimula. Ginamit ko ang oras na 'yun para tingnan pa ang facebook ni Joy nang bigla siyang nag-chat.

Joy:
y0w. wh3r3 y0u?

Napigilan ko bigla ang hininga ko. Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Gusto kong sumigaw nang napakalakas!

Silvester:
Ikaw ba talaga 'yan?

Joy:
00 naman. san ka ngay0n?

Silvester:
Bakit?

Joy:
Iyan bah ang tan0ng k0 hah?!!!

Tama, siya nga si Joy. Para ngang magic kasi naririnig ko ang boses niya sa mga chat niya.

Silvester:
Sa basketball court, sa may malapit sa amin.

Nag-angat ako ng tingin nang tinapik ni Reggie ang balikat ko. "Laro na tayo."

"Ah, sige."

Pinatay ko na ang cellphone at ipinasok sa bag. Nag-stretching na kami at dumiretso na sa paglalaro.

May mga nakaikot na mga rubber band sa dulo ng salamin ko para hindi siya maging madulas at natatanggal kapag pawisan na. Kahit medyo nakaka-istorbo, mas magaling pa rin naman ako maglaro kaysa kay Tiboy.

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now