Kabanata 06

189 4 0
                                    

After class, dumeretso kami ni Priscilla sa cr para magpalit. May kanya kanyang lakad kami ngayon. Si Bera may gig, sinamahan sya ni Taraka at Ariadne. Si Lelia sinundo na, hindi iyon pwedeng umuwi ng gabi. At si Amberle, uuwi na daw.

I'm wearing my work's uniform now. Nagponytail ako, I'm waiting to Priscilla. Kakapasok nya lang kase kanina sa isang toilet after ko. I was thinking about Alyssa and Griffin, sayang yung taon na yun para sakin. I loved the wrong person. Sayang iyong pinagsamahan namin. Bumuntong hininga ako. I can't help thinking about him. How can i forget him, how can I move on? Kaya ko ba?

"Let's go." Aya sa akin ni Priscilla, hindi man lang sya nag ayos pa. Lumabas na kami sa CR. I saw Griffin, may mga pasa sya sa mukha! Sila kuya ba may gawa noon? Sinundan ko sya ng tingin, pupunta syang med tech building.

"You're still thinking him, sabagay. Five years yun. You know, i have advice." Bumuntong hininga ako tsaka naglakad na papuntang parking lot kase we're using Priscilla's car. Sumakay na ako sa kotse nya at inayos yun seatbelt.

"So, what's your advice?" I open up the topic. Makikinig na talaga ako this time. At hindi na ako magbubulag bulagan. Ayaw ko ng maloko. Griffin's my first boyfriend tapos ganoon ang nangyare. Nakakatakot. On the way na kami sa work place namin.

"You practice to think and see him everyday. Mas maganda iyon." Napatingin ako sa kanya. She's chewing a bubble gum. Sumulyap din sya sa akin.

"Kase iyong iba bumabalik yun feelings kapag nakikita nila ulit. Mas masakit, mas maganda at mas madali." Tumango ako sa sinabi nya. Sabagay totoo naman. Lumingon ako sa labas.

"H'wag mong pilitin ang sarili mo, Alessa. Let yourself move on. Mare-realize mo rin eventually na naka move on ka na, H'wag mo na lang isipin na nagmomove on ka." Dugtong pa nya. Medyo naguluhan ako sa sinabi nya but I got her point. Lumabas na ako pagkaparking niya nang sasakyan.

"Kung wala kang masasakyan mamaya, sabay ka na sa akin." Tumango ako sa kanya and said goodluck. Huminga muna akong malalim bago pumasok sa restaurant. Meron nanaman sila kuya Alexius. He smiled when he saw me wearing my uniform. I waved at him bago ako pumuntang kitchen.

"Ikaw yun bago 'di ba? Kuhanin mo yun order sa table number 10 tsaka pagkatapos mo sa 10, tumulong ka sa iba." Maalumanay nyang sabi, tumango ako agad. Ka edad ko ata sya pero sa tingin ko isa sya sa mga chef. Kumuha ako ng tray bago hinanap yung table ten. Sila kuya! Kumuha ako ng menu at sticky note para pagsulatan ng orders.

"What's your order, sir?" Sabi ko, ginaya ko lang si Priscilla noong binisita namin sya. I smiled at them. Tsaka inabot sa kanila yung menu, hindi ako makatingin sa left side.

"Sir?" Tawa ni kuya kaya inirapan ko sya. Isinulat ko ang orders nila sa sticky notes.

"You look beautiful, princess. But mas maganda ka kung corporate attire ang suot mo." Kumindat pa sya sa akin, gusto nya talagang sa company ako mag work. Umiling na lang ako sa kanya.

"Right away, sir." Pasimple akong lumingon sa banda ni kuya Pietro, nahuli ko ang tingin nya. I twisted my lips stopping me from smiling. Kumindat pa sya! Mabilis akong umalis sa harap nya at ipinunta sa counter and orders nila para maibigay sa kitchen. Ang landi. Ang init ng pisngi ko, ayaw ko nang kumuha ng orders pag sila.

Kumuha ako ng orders sa right side, nasa left side sila kuya. Ayaw ko doon, baka makabasag lang ako kapag nag seserve.

"Here's your coffee, ma'am." Sabi ko sa babae, she smiled at nagpatuloy sa ginagawa. Ang dami namang libro yan, tinitignan ko palang nahihilo na ako.

"Alessa." Lumingon ako kay ate Anna, sinenyasan nya akong lumapit kaya lumapit ako. Nakakapagod pala, kailan kaya ako uupo.

"Doon ka sa left side kumuha ng order kase walang masyadong tao doon." Pagkasabi nya noon, umalis na siya sa harap ko. Ang bastos na babae. I have no choice. Lumapit ako sa magkasintahan na kararating. Malapit sa table nila kuya.

"What's your order sir, ma'am?" Sabay lahad ko ng menu. I am patiently waiting their orders. Nakakangawit pala talaga. Nagbigay na sila ng orders nila. Sana all may ka-date.

"Right away, sir, ma'am." Bago ako umalis para ipunta sa counter yun orders. Kinuha ko yung isang tray na may rice at steak.

"Sa table ten." Napatingin ako sa kanya pero mukhang busy na sya kase may hinihiwa nanaman sya. Huminga ako ng malalim bago ipinunta sa table ten.

"A-ahm. Kanino po yung rice at steak?" Utal ka pa tanga. Kinagat ko yun dila ko kase kasalanan nya. What's wrong with you? Mga Kaibigan lang yan ng kuya mo.

"Mine." Sagot ni Kuya Pietro, inilapag ko agad sa harap nya iyong rice at steak. Nanginginig ang kamay ko. Are you crushing on him, Alessa? Boba parang teenager!

"Are you okay?" Bigla nyang sabi kaya napalingon ako sa kanya. There's a smile on his lips pero nawala din agad nung lumingon ako sa kanya. Tumango ako tsaka hindi na nagpaalam na umalis.

"Mag break ka muna, kanina ka pa galaw ng galaw." Sabi ni ate Anna, she's just observing, wala pa akong nakakausap na work mates ko bukod sa kanina at sa manager. The restaurant is busy. Kila Priscilla kaya. Nilingon ko si ate Anna.

"Kailan po day off ko?" Naalala ko iyong paalala sakin ni Ariadne bago kami nagkahiwahiwalay lahat.

"Weekend ang day off ng mga working student." Tumango ako sa kanya tsaka naupo muna sa likod. I massage my foot. Nakakapagod pero ang saya magserve, tsaka walang masungit na costumer. Bumukas ang pintuan kaya napalingon ako doon. It's kuya Pietro!

"You look tired." He smiled, ang gwapo! I nervously smiled at him. Umupo sya sa tabi ko kaya umusog ako ng kaunti. Napatingin sya sa akin. Baka magdikit kamay namin, grabe. Ang bango.

"And you look nervous." Tumingin sya sa harap. Bakit nya ba ako kinakausap eh hindi naman ito nagsasalita, minsan lang.

"A-Ahm, first time ko kase, k-kuya." Kinagay ko yun ibabang labi ko. Tumawa sya tsaka tumingin sa akin.

"Don't call me kuya. Nakakatanda naman." Biro nya. He's so handsome. Baka matanong ko sya, "sino girlfriend mo?" I smiled at my thought.

"Sign of respect po." Five years older sila sa amin. Si Taraka at ariadne lang naman ang hindi nag kukuya minsan sa mga kapatid ko. Tsaka nakakahiya kapag hindi ako mag kuya. Tumayo sya kaya tiningala ko sya.

"Stop calling me kuya from now on, lagot ka sa'kin kapag nagkuya ka pa." Napanganga ako sa sinabi nya bago sya pumasok.

-----------------

Kekeke

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now