Kabanata 09

151 5 0
                                    

Nagpaalam na si alyssa pagkatapos nyang kumain kase may klase daw sya. Kanina pa sya topic ni taraka kase idol na daw nya si alyssa.

"I like her, really." Paulit ulit nyang sinasabi. Hinihintay na lang namin na matapos si lelia kumain, ang tagal talaga nito kumain.

"Parang kahapon lang, inis ka sa kanya." Laglag ni ariadne sa kanya. Sinipat naman sya ni taraka. "Kahapon yun, hindi ba pwedeng magbago? Ilalakad ko yun sa kuya ko." Sabay inom nya ng tubig.

"Kay kuya alessio pwede." Tutal naman type nya yun mga palaban na babae, tsaka iyong nililigawan nya ang arte naman. Tumikhim si ariadne tsaka tumawa. "H'wag tayo doon, lessa. Pangit yun." Tumatawa nyang sabi kaya sinapak sya ni amberle.

"Anong pangit? Si kuya, pangit?" Kunot noo kong tanong. Ang gwapo kaya ng mga kuya ko. Ang daming nagkakandarapa sa kanilang babae. Meron pa nga noon, kinaibigan kami ng babaeng iyon para mapalapit sya kila kuya. Noong nireject sya ni kuya xander, si kuya lessio naman sinunod nya. Noong hindi pinakitaan ng interest ni kuya lessio, si kuya xius sinunod, eh ang sakit mag salita si kuya. Nagalit pa sya sa akin dahil hindi ko sya inilalakad kay kuya. Hindi ko naman matuturuan sila kuya kase kapag sinabi nilang hindi, hindi talaga.

"Ang pangit mo mang match. Sa iba na lang si alyssa." Ka edad nya si kuya xander. I'm gonna ask kuya later about her. Baka lang kilala nya.

"May nililigawan si kuya lessio, that girl is so maarte." Umirap ako. Maswerte sya dahil gusto sya ni kuya. Malakas na tumawa si ariande kaya napatingin sa amin lahat ng tao sa canteen. Gosh!

"Sorry." Sigaw nya tsaka tumingin sa akin. Nagdududa na talaga ako sa babaeng ito. Naningkit ang mata ko sa kanya.

"Why?" Nakangiti nyang tanong. Feeling ko talaga may alam ito kay kuya. Hindi kaya siya iyong nililigawan ni kuya?

"Hindi nya pa sinasagot si kuya. Kuya's so ideal." Huliin ko nga. Tumawa sya ulit tsaka tinignan kami isa isa. "Para kang tanga." Kumento ni amberle sa kanya.

"Malay mo, may hinihintay lang sya bago mya sagutin kuya mo. Judgemental ka naman." Singit ni bera. Nag aya na si lelia na umalis kaya umalis na kami, sa field muna kami tatambay. May mga soccer player. Sila kuya ipo, kuya xander's not there.

"Go, Ipooo!" Sigaw ni taraka. Lumingon dito si kuya ipo. He smiled at us, ganoon din kami sa kanya.

"Iyon na lang ireto kay alyssa." Nilingon nya si ariadne tsaka tumawa. May lihim talaga itong dalawang ito. H'wag na lang pilitin kung ayaw sabihin. Sasabihin naman nila iyan eventually.

"Tanga yan si ipo, hindi sila bagay ni alyssa." Sagot sa kanya ni ariadne. Wala na ata kaming klase, sana natulog na lang ako. Pero hindi naman ako makakasabay kila kuya at hindi ko makikita si... ano.

Umupo na kami sa bench. Dumating na si kuya, he's with samuel and peyton. Nagtatawanan sila.

"Kay xander na lang." Biglang sabi ni lelia. Hindi na ata sila titigil maghanap ng irereto kay alyssa. Willing ba si alyssa? Hindi man lang nila tinanong. May sinabi si kuya ipo kila kuya xander kaya lumingon sila sa amin.

"Chismis." Kumuha na ng libro si ariadne tsaka tahimik nang nagbasa. I'm gonna watch their practice. Lumapit sila kuya sa banda namin, akala ko kakausapin nila kami pero sa tabing bench sila umupo.

"Dude, ilang araw ka na sa resto? Napansin ka ba?" Asar ni kuya samuel kay kuya. Inis na nilingon ni kuya si samuel. Tumatawa silang tatlo habang byernes santo ang mukha ni kuya. Lumingon sya sa amin. "Wala ng klase, cinancel kaninang nine."

"What? Ano ba iyan! Sayang gas." Reklamo ni taraka. Tinawanan sya ni ariadne.

"Anong tinatawa tawa mo dyan? Bayaran mo gas ko, sinundo kita." Naglahad pa sya ng kamay kay ariadne. Ang kuripot ng hapon na ito.

"Tara muna sa bahay." Aya ko sa kanila, agad naman silang sumang ayon.

"Xander, single ka ba?" Walang hiyang tanong ni ariadne. Mga walang hiya. Buti pa kami nila priscilla, may hiya.

"I'm into someone. I'm courting her." Nagulat pa ako. What? Una si kuya alessio, next sya naman. Hindi naman ako nagrereklamo pero bakit wala akong alam? Nakakatampo naman. Halos sabihin ko sa kanila noon buong detalye ng love life ko kahit labag sa loob nila eh! Ang daya! Sinamangutan ko si kuya, tinawanan nya lang ako.

"Sus, showbiz." Asar ni taraka kay kuya. Tumawa lang si kuya. "Why did you ask?"

"Wala may irereto sana kami sayo." Si ariadne naman ang sumagot.

"Kay samuel na lang. Sya na lang single sa amin." Naghubad pa ang isa pang walang hiya. Napapalibutan ako ng mga walang hiya.

"May love life ako, gago." Tinawanan lang sya ni kuya. "Si ipo? May jowa? We?" Kailan ba kami aalis?

"Soon." Ngiti ni kuya ipo. "Tara na nga, bye." Singit ko. Wala naman akong pake sa mga love life nila eh. Nakakatampo sila kuya. Kay priscilla ako sumakay kasama si lelia. Si ariadne kay taraka sumabay tapos si bera kay amberle sumabay.

Pagkadating namin, nagulat ako kase ang daming tao. I thought may review sila kuya lexius? Lumingon sila sa amin.

"Wala kayong pasok?" Tanong ni kuya sandro. "Obviously." Bulong ni amberle na kami lang ang nakarinig. Napanganga kami sa kanya. Gago, dapat nilakasan.

"Opo kuya." Sagot ni priscilla, magalang na bata dapat tularan.

"Dito na kayo, sa library na lang natin ito ituloy." Sabi ni kuya sa kanila. Business partner ba nila si kuya? Eh hindi naman related sa business ni kuya yun mga business ng iba na lang kasama. Baka may plano sila.

........

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now