Kabanata 26

139 3 0
                                    

Sinundo na kami ni kuya sandro nang alas singko, naglibot lang kami after naming kumain at kumuha ng mga pictures, nag aaway na si taraka at ariadne dahil puro blured yun kuha kay ariadne. nakakapagod din. Sa front seat ako sumakay, sumusunod lang iyong sasakyan nila lelia sa amin pero dito sya sumakay.

Hindi sumali si kuya sandro sa liga dahil ayaw nya ng mga batang kalaro, hiyang hiya naman sila kuya lexius e isang taon lang naman ang agwat nila.

"Kuya, pwede ba tayong dumaan sa mcdo. Sa drive thru? Bibili lang akong pagkain." Lumingon si kuya sa rear mirror tsaka tumango kay lelia. Lagi na lang gutom itong babaeng ito. Dumaan kami sa drive thru. She ordered, fries and mcfloat.

Inilibre nya din kami, bumili sya ng burger para sa guard nya. Naghintay muna kami sa parking lot ng mcdo para hintayin iyong order nya. Madami pa namang oras kaya ayos lang ang maghintay, naiinom na din ako kaya sakto lang.

Kinatok na kami noong crew, kinuha ko iyong order tsaka ibinigay sa kanila iyong order, ibinigay ko din kay kuya iyong sa kanya at iniwan ko iyong akin.

"Thank you." Sabi ni kuya kay lelia, tumango lang si lelia sa kanya. Hinalo ko iyong mcfloat ko bago uminom. Lumabas saglit si lelia at tsaka ibinigay kay manong iyong sa kanya bago sya bumalik.

Dumeresto na kami sa covered court, madami nang tao alas sais pa lang. May nakita nanamang food stall si lelia kaya inaya nya kami doon, dumeretso si kuya sa locker room ng mga basketball player. I texted pietro.

To: Pietro (with butterfly emoji)

We're here, now.

Umupo muna kami sa upuan dahil bibili si lelia ng pagkain nya, bumili din ako ng tubig para hindi ako puro soft drinks. Nang makita ako ni pietro, nag jog sya papunta sa akin. Uminom ako ng tubig, tumingin sya doon. Then, tumabi sya sa akin, naamoy ko agad ang mabango nyang pabango. Ang bango nya samantalang ako amoy pawis na. Isang oras pa ang hihintayin bago magsimula ang game.

"How's your trip?" Tanong nya sa akin, akmang lalapit pa sya pero pinigilan ko iyon, nagtaas sya ng kilay sa akin. Nagtataka sa ginawa ko.

"Amoy pawis ako." Sabi ko sa kanya pero lumapit pa rin sya sa akin, hinalikan nya ako sa ulo.

"Ang bango naman ng pawis mo, kung ganoon?" Napaubo si amberle kaya napatingin kami sa kanya. Ibinigay ko sa kanya iyong tubig ko, kinuha nya iyon tsaka ininom. Lumingon ako kay pietro nang lumapit pa sya sa akin, wala na bang ilalapit ito?

Tumingin sya sa suot ako at napabuntong hininga. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Eto nanaman kami sa patingin tingin nya sa damit ko. Napalunok sya at umiling.

"Umakyat ka sa railings ng naka dress." Problemado nyang sabi, nginitian ko sya.

"Naka cycling naman ako." Kinurot nya iyong ilong ko kaya sinamangutan ko siya. Ngumuso sya upang magpigil ng ngiti. Pinilit nyang magseryoso.

"Kahit na." Umirap na lang ako sa kanya, wala namang ibang tao kanina doon, kami kami nga lang sa banda na iyon eh. Inilagay nya ang kamay nya sa legs ko, napatingin ako doon. Hmm.

"Tara na sa loob." Aya ni lelia sa amin kaya tumayo na kami, nakahawak sa bewang ko si pietro. Ngumiti sila sa akin bago tumingin sa kamay ni pietro na nasa bewang ko. Mga inggitera. Pumasok na kami sa loob.

Meron na sila sa loob nag wa-warm up na sila kuya. Si kuya sandro naman ay may kausap sa kanyang phone, nakaupo sa likod ng pwesto nila kuya. Nilingon ko iyong kalaban nila, nagulat ako when i saw  that zacharius on the rivals team. Tumitingin sya sa amin, he's looking at ariadne! Mas gwapo sya sa personal.

Hinarangan ni pietro ang tingin ko, kunot noo syang nakatingin sa akin. I smiled at him. Lumingon sya sa ibang team bago ibinalik ang tingin sa akin.

"You know that boy?" Masungit nyang sabi tapos tumingin sya sa kabilang team. Umakyat ako sa bleachers while he's looking sa kabilang team. Mas matangkad na ako sa kanya. Hinawakan ko iyong kamay nya para makuha ang attention nya. Nagtaas sya ng kilay sa akin.

"Hindi ko iyon kilala, nagcomment lang sya sa post ko. May gusto daw iyon kay ariadne." Nakuha ko rin ang attention nila kuya samuel. Lumingon sya ulit doon, kaya napatingin din ako doon. Anong meron? Na'kay ariadne lang ang tingin noong zach, he's sporty naman pala.

"Can you kiss me?" Nagulat ako sa tanong ni pietro. Nakanguso sya sa akin, baliw ba sya? Ang daming tao! Tsaka andito ang mga kapatid ko! Nakakahiya kaya! Buti sana kung kami lang dalawa.

"Sa pisnge." Pahabol nya nang makita ang expression ko, i nodded and kissed him on his cheeks bago umakyat papunta sa pwesto nila taraka. Kunot noong tumingin sa akin si kuya sandro bago kay pietro. Umupo ako sa tabi ni bera. Nakangising pumunta si pietro kila kuya lexius, ipinasa ng malakas ni kuya iyong bola kay pietro. Natawa ako dahil gaya ni kuya sandro, naka kunot noo din ang mga kapatid ko sa kanya.

"I thought you hate PDA? May excemption, huh?" Biro ni bera sa akin, ang daming nanonood. Mabuti na iyon lara malaman nilang akin si pietro, mahirap na. Gwapo pa naman ang boyfriend ko.

Tumabi sa akin si kuya sandro, magkasalubong ang makakapal nyang kilay. I smiled at him, namumula sa kahihiyan.

"Don't do that in front of me." Tumango ako sa kanya dahil halatang hindi nya nagustuhan ang ginawa ko. Sige, kapag wala sya gagawin ko iyon. Sabi nya eh.

Pumito na anf referee, first five si pietro, kuya lexius, kuya lessio, si kuya kio at kuya Ipo. Hindi naman ako iyong maglalaro pero kinakabahan ako. First five sa kabila si salvotore, iyong zach at tatlong hindi ko kilala.

"Pustahan tayo, sa kabilang team ako." Napalingon sila kuya lessio sa sinabi ni taraka. Ngumuso ako kay pietro ng tumingin sya sa akin. Nag iwas ako nang tingin dahil ramdam ko iyong tingin ni kuya sandro sa akin.

"Libre mo kami pag nanalo kami?" Asar ni kuya federico kay taraka, inirapan lang sya ng kaibigan ko.

"Hindi naman kayo yung kapustahan ko, duh." Masungit nyang sabi. Tumunog na iyong buzzer? Magsisimula na ang laban.

Napatili ang lahat nang tumalon si kuya lexius at iyong alonzo. Pati sila ariadne tumitili na din dahil sa excitement. Ako, kinakabahan. I was just looking at pietro, he's serious nang binantayan nya iyong alonzo, hawak ni kuya lessio ang bola.

"What alonzo did to your boyfriend?" In confusion, i looked at kuya sandro.

"Seems like he's taking this game seriously." Napatingin ako sa naglalaro. Lahat naman sila seryoso, si kuya kio at kuya lexius lang ang medyo kalmado. Pati ang kalaban seryoso din. Feeling ko sa mga tingin nila, baka may away na magaganap.



........

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now