Kabanata 27

133 3 0
                                    

Nanalo sila pietro nang limang puntos, nanalo si bera at ariadne ng pustahan kila taraka at amberle. Nagrereklamo pa si taraka sa kabilang team, akala mo naman close nya iyong mga iyon, tumatawa sila sa kanya.

"Nakataya ako sa inyo, tapos hindi nyo ginalingan?" Nauna na sila kuya sa van nila, sasabay kami sa kanila dahil makikikain kami. Libre daw nila kami pero hindi na sasama si lelia dahil late na. We gave her a peck on her cheek bago sya umalis.

Nasa locker room pa si pietro, magbibihis daw. Naghihintay kami nila taraka dito sa labas ng locker room, sakto namang lumabas iyong mga player sa kabilang team kaya may nasasabi si taraka sa kanila. Nakita ko ang pasimpleng tingin ni alonzo kay ariadne, nakita ko din kung paano sya inirapan ni ariadne kaya napangiti sya.

Lumabas na si pietro kaya dumeresto na kami sa sasakyan nya. Sa van ni kuya iyong sa players samantalang sa sasakyan naman kami ni pietro. Sumakay ba kami sa van, it's already nine in the evening.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko kay pietro, nahihiya pa ako kase hindi naman kami player pero kasama namin silang kakain. Suot ko na ang hoodie nya, nilalamig kase ako kanina kaya ibinigay nya sa akin iyong hoodie nya. Naka white shirt at naka jersey short na sya.

"Sa bazer." Ang ingay nila taraka sa likod, nagsasagutan nanaman sila ni ariadne. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nilang dalawa, naka earphone sila priscilla at amberle, sumasali naman sa bangayan nilang dalawa si bera. Kinakampihan nya si ariadne.

Lumingon sa akin si pietro, nagtaas ako ng kilay. Ngumiti lang sya sa akin kaya tinignan ko sya ng nakakunot noo.

"Why?" Tanong ko sa kanya, umiling lang sya sa akin tsaka hinawakan ako sa kamay, hobby na ata nyang hawakan ang kamay ko habang nag dra-drive. Nakarating na kami sa bazer, naghihintay sila kuya sa labas. Lumabas na kami ng sasakyan.

"Tara na sa loob." Sabi ni kuya lexius sa amin, sana pumasok na sila noong nakarating sila dito. Naghanap kami ng table na mahaba tsaka doon umupo, katabi ko si priscilla sa right at si pietro sa left. Sa harap ko ay si kuya alessio, katabi niya si taraka sa right tsaka si kuya xander sa left. Tumabi si ariadne kay taraka.

Umupo si amberle sa tabi ni priscilla, nakisingit naman si bera sa tabi ni ariadne. It's so cold, ipinatong ni pietro ang kamay nya sa lap ko kaya tinignan ko sya. Nakatingin sya sa akin.

"Ang lamig." Sabi ko sa kanya, inilapit nya ako sa kanya tsaka ako hinawakan sa bewang.

"Malamig pa?" Tumango ako, nanginginig iyong paa ko. Ang lakas ng aircon nila ngayon or ganito talaga dito kapag gabi? Tumingin sya kay kuya lexius na nasa kabilang dulo, may isenenyas sya kay kuya. Tumango naman si kuya bago tumingin sa akin. Hinubad nya iyong jacket nya.

"Paki bigay nga sa kapatid ko." Inabot iyon nila kuya kio at ibinigay sa akin. I put in on my lap. Si kuya lexius lang iyong naka jacket sa kanila maliban sa akin at kay priscilla.

"Feeling good, now?" Tumango ako kay pietro, umorder na kami ng pagkain. Karamihan mga sea food iyong inorder. I want the porkchop. Inilabas ni pietro iyong cellphone nya saka inilagay sa lap ko, tumingin ako sa kanya.

"Gagawin ko dito?" Sabay kuha ng phone nya at tinignan sya. He kissed my forehead tsaka tumingin kay kuya sandro na nasa tabi nya. May pinaguusapan ata sila bago tumingin sa akin.

"Sa'yo muna." Tumango ako sa kanya, sometimes eto ang ginagamit ko kapag naglalaro or nag oopen ako ng IG, wala naman akong itatago kay pietro.

"Taraka, libre mo kami." Asar ni kuya federico sa kanya, sinulsulan naman siya nila kuya kio.

"Hindi naman kayo iyong kapustahan ko." Inirapan sila ni taraka, inaasar nila si taraka.

"May gusto ka siguro doon, no?" Sabi ni kuya ivan. "Mas gwapo naman kaibigan namin doon." Hindi ko na alam kung sino nagsabi noon, iniirapan lang sila ni taraka. I laughed kase mukha na syang tanga.

"Eto, si ariadne at bera. Nanalo silang pustahan." Laglag ni taraka kila ariadne.

"Wee? Si bera? Iyong type mo yung nakalaban namin ah." Inis na tumingin si bera kay kuya samuel.

"Hindi ko sya type. Baka ikaw, type mo iyon." Tumawa sila sa sagot nya, sino doon ang type ni bera?

"Mas gwapo naman ako doon, baka ako type nya." Nag high five pa sila ni kuya kio, tsaka sabay na tumawa.

"Ang kapal mo naman." Sumali na si ariadne. Inopen ko iyong cellphone ni pietro, pinalitan nya nanaman ang lockscreen nya. Pumunta akong IG nya. I know it's his privacy but i can't help it.

"Oops, bawal manhid sa usapan." Singit ni kuya federico.

"Bawal din nabasted sa usapan." Napa 'ooohh' sila sa sinabi ni ariadne. Napakamot ng ulo si kuya federico.

"Panalo ka na." Sarcastic nyang sabi. Wala namang nananalo kay ariadne, hindi din nananalo sa kanya si taraka.

We started eating when our food arrived. Pagkatapos kumain ni kuya pederico, mauuna na daw sya kase may lakad pa sya. Nilingon ko si pietro, kailangan na din umuwi nila priscilla.

"Kailangan nang mahatid sila priscilla." May klase kami bukas, kahit pa prelim ng second sem baka kase may surprise quiz nanaman kami sa oblicon. Tumango sya sa akin tapos tumingin kay kuya xander. Biglang tumayo si kuya.

"Ako na maghahatid sa inyo, girls." Tumayo na kaming mga babae at si pietro, maiiwan daw muna sila kuya dahil iinom sila. I kissed kuya lessio, lexius at kuya sandro bago sumunod kila kuya xander. Si pietro ang maghahatid sa akin.

"Ingat kayo." Pahabol nila sa amin. I kissed my friends cheek bago sila pumasok sa sasakyan namin, meron na iyong Aston martin ni pietro! Inopen ni kuya xander iyong window ng driver's seat. Walang nasa front seat, parang driver tuloy sya noong lima.

"Take care, princess." Lumapit ako tsaka tumingkayad ako para hinalikan sya sa pisnge. Bago ako lumayo sa kanya. Lumapit na ako kay pietro.

"You look good wearing my things." Ngisi nya sa akin.



-----
Good morning

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now