Kabanata 17

126 6 0
                                    

Sinabayan ako ni kuya xander kumain, i looked at my phone when someone texted.

To: Benedetta Ginevra

Mamaya, 6 pm. Hindi pwedeng wala ka, sa bazers.

Hindi na ako nag abalang mag reply, pagkatapos ng date... hmm? Date ba iyon? Napangiti ako. Tumukhim si kuya xander, he's looking at me full of disgust. Napawi ang ngiti ko. Ang chismoso.

"My... my.. princess." Tinawanan nya ako. Tumingin sya sa cellphone ko. See, chismoso talaga.

"Anong oras ka susunduin ni pietro?" Tanong nya na nagpagulat sa akin. How did he know? Ngumiti sya sa reaction ko.

"Nag paalam sya sa amin kagabi tungkol sa lakad nyo mamaya, is that the reason why you're smiling?" Umiling ako agad. Sa text ako ni bera naka ngiti, 'no.

"Hindi ah, si bera iyon nag text kase." Deny ko sa kanya, ngumisi lang sya sa akin. Mahuli ko lang kayo kung sino mga nililigawan nyo, ako din mang aasar.

"I'm not asking kung sino iyong nag text, princess." Tumawa sya ng malakas. Kainis itong alexander na ito. Hindi ko na sya pinansin at kumain na lang.

"They're not good as you think." Lumingon ako sa naguusap, si kuya sandro at kuya viktor.

"Magaling ang kapatid ko." Ngumiti sya sa akin, ako ba pinaguusapan nila?

"That's why, dude. Magaling sila lexius, nag aaksaya lang sila sa basketball na iyon." Ay, hindi pala ako. Ngumiti sa akin si kuya viktor, ngumiti ako pabalik. Pumasok sila sa library, pinag uusapan nila iyon.

"Sasali kayong liga, kuya?" Tanong ko kay kuya xander na nakatingin sa cellphone nya ngayon. Tumingin sya sa akin.

"Oo, unang laban namin bukas, sama ka? Bring your friends." Uminom ako ng tubig bago nagsalita.

"Tatanongin ko muna sila." Tumango sya tsaka tumingin sa living room, tumingin ako doon. Kumaway si kuya Ipo at samuel.

"Convince them." Bago nya ako iniwan dito sa dining area. Sinundan ko sya ng tingin, pumunta sya kila kuya ipo, may sinabi sya sa kanila bago sya pumunta sa taas. Madalas silang lumabas ah. Nag chat ako sa gc, baka makalimutan ko mamaya. Pinalitan nanaman nila iyong name ng gc.

Drucilla: Who changed the group name? Sasapakin ko lang.

I chatted, she, whoever she is named the gc into "Alessa, Malapit ng umiyak." Nag chat si priscilla. Our nicknames is our second name.

Innocent: i don't know. What happened ba?

Napabuntong hininga ako sa reply ni priscilla, hindi talaga siya chismosa. Sana all. Nag reply si ariadne.

Limera: sino pa, edi si taraka. Tinatanong pa ba iyan?

Limera: bahala ka dyan, innocent. Masyado mong cinacareer pangalan mo ah. Huli ka nanaman sa balita.

Ashime:  Hoy, hindi ako nangchismis noon @drucilla. Si bera nagchismis, ako lang ang nag change name HAHAHAHA!

Amberle: Hindi pa kayo mag share, tangina nyo.

Ginevra: Tangina mo din, hindi ka sumama. Kasalanan mo.

Lelia: Ingay nyo.

Ashime: Pasensya na ha? Godbless.

Amberle: Bakit nga iiyak si alessa? Tangina naman oh. Tagal mag spill ng tea.

Nag type ako ng isasagot.

Drucilla: walang chismis, hindi naman ako umiyak. Epal lang talaga si hapon.

Limera: Iba iyong nasagap ko? Scam ka @ashime.

Ashime: tanga, bakit ako inaatake nyo. Hindi naman ako nagsabi noon. Si @ginevra nangchismis. Tanga mo @limera pakyu ka.

Tumawa ako sa reply nya, ang dami ng mura.

Lelia: Bibig nyo, pasmado. Minus 20 sa langit.

Amberle: Bahala kayo.

"Alis na kami, princess." Tumango ako kay kuya xander. Nag type ako ng irereply.

Drucilla: Let's watch basketball tomorrow? Sila kuya.

Innocent: Sige.

Ashime: Bet.

Amberle: Gegege.

Lelia: Anong oras?

Ginevra: G.

Limera: Sino kalaban?

Nag reply ako kay lelia, bago kay ariadne.

Drucilla: Hindi ko pa alam.

Drucilla: Hindi ko din alam.

Ginevra: Mamaya ha? 6 pm, libre ko.

Amberle: Basta libre, present.

Nilike ko iyong message nya bago ako nag out. After one hour, naligo na ako, hindi naman ako masyadong excited. I'm wearing a denim jacket and a tube inside and a high waist ripped jeans. Tumunog ang cellphone ko. Himinga muna akong malalim bago ko sinagot ang tawag.

"I'm already here. Are you done?" Napatingin ako sa relo ko, twelve pa lang!

"If you aren't, i can wait." Dagdag nya.

"No, i'm done. Bababa na ako." Pinatay ko na, nag liptint ako tsaka nag lagay ng blush on, bago bumaba. Naguusap si kuya lexius at pietro sa living room, sabay pa silang tumingin sa akin.

"Take care of her." Sabi ni kuya kay pietro.

"Don't need to remind me." Nagtaas lang ng kilay si kuya na parang nang aasar, ngumisi si pietro sa kanya bago tumingin sa akin.

"Let's go." Aya nya sa akin. Tumango ako bago tumingin kay kuya, he just smiled at me. Sumunod na ako kay pietro.

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now