Kabanata 12

137 5 0
                                    


After that awkward conversation, nagpaalam ako sa kanyang pupunta ako sa room ko to take a shower. He knows everything? Is he a stalker? Alam nya din bang nagloloko si griffin? I'm wearing my working uniform now. Isa't kalahating oras ako sa cr, gusto kong mabango ako pagpasok. I bunned my hair, mamaya ko na ilalagay iyong hair net. Kinuha ko ang back pack ko para doon ilagay iyong extra shirt tsaka na ako bumaba.

Tinitignan nya iyong family photo book namin, lumingon sya noong tumikhim ako. Alas singko pa lang pero maaga na lang akong pupunta sa resto para hindi naman nakakahiya sa kanya. Agad syang tumayo.

"Let's go." Pinauna nya akong naglakad, andoom sya sa likod ko. Sa front seat ako sumakay, alangan naman sa back seat? Edi parang driver ko na sya noon. Ang gwapo naman nyang driver. Pagkapasok nya sa driver's seat, tinignan nya ako.

"Let's eat first. Where do you want?" He asked tsaka pinaandar na ang sasakyan nya. Tumikhim ako bago nagsalita.

"Kahit 'wag na." Baka naiinip na sya, kanina pa sya mukhang inaantok. Tamad syang lumingon sa akin.

"Four hours kang magtratrabaho, you need to eat." Paos nyang sabi, binalingan nya ako ng tingin bago nagfocus sa kalsada. "I need to eat too. Kahit sabayan mo na lang ako." I bit my lower lip, lumingon sya sa akin kaya tumango ako.

"Gutom ka na ba?" Damn. Hindi ko man lang sya tinanong kanina sa bahay! Akala ko kumain sya kaninang nagshoshower ako. So ungrateful, alessa!

"Yes." Nilingon ko sya, nakangiti sya pero biglang nawala. Napakurap ako, siguro guni guni ko lang iyon.

"Okay, sa kabilang resto na lang tayo." Nakakahiya kase kapag doon kami sa pinagtratrabahuan ko, baka sabihin ano kami.

"Bakit hindi sa pinagtratrabahuan mo?" Lumingon sya ulit sa akin. "You dislike their menu?"

"I like their foods. I'm not just comfortable." Tumango sya, we're here already. Nagpark sya sa harap ng pinagtratrabahuan ko kaya napatingin ako sa kanya. Dyan kami kakain? Nagtanong pa sya.

"Let's go." Nauna na syang lumabas. Nagpakawala muna ako ng hangin bago lumabas. Nauna na syang naglakad sa katabing resto. Kumunot noo ako, nagtataka bakit sya doon nag park kung hindi naman sya doon kakain. Binuksan nya iyong pintuan at tumingin sa akin.

"Lady's first." Ngisi nya kaya nauna na akong pumasok, sumunod naman sya. Umupo ako sa pinakagilid. I have memories here. Kilala ako ng mga employees dito dahil sa sampal ko kay griffin. May pumuntang waitress sa amin. I ordered waffle and burger with fries, ayaw ko mag rice kapag dinner. Nag order na din sya ng sa kanya. Iniisip ko kung ano pwedeng maging topic kase sya na lang lagi nauunang pumansin.

"Ahmm, iyong sinabi mo kanina, w-what do you mean?" Napalunok ako kase seryoso syang tumingin sa akin.

"You know that griffin's cheating?" Tanong ko pa. He said he knows eveything. Edi alam nya din iyon.

"You want to know the truth?" Tumango ako sa sanabi nya.

"Ako ang kumuha sa pinakita ni xander sayo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sabi ni kuya, sya. "Your brothers warn you right?" Tumango ako, pero hindi nakinig. "I want to meddle but i heard you don't like it when other's meddle with your relationship." He bit his lower lip. Hmm.

"Thank you." Nag iwas ako ng tingin.

"He's not worth your love." Meron na iyong order namin, tinikhim ko ang bumabara sa lalamunan ko. Nasasaktan pa rin ako, hindi naman madaling mag move on. Lalo na kapag hindi man lang sya nag sorry. Nag simula na akong kumain.

"Please, don't let that ruin your night." Umigting ang panga nya habang nakatingin sa akin. Tumango ako. It won't, ngumiti ako.

"You're so beautiful." Shit, halos mabilaukan ako sa sinabi nya, agad nyang ibinigay iyong tubig sa akin tsaka lumapit. Hinahagod ang likod ko. Nagmura pa sya. Uminom akong tubig tsaka huminga ng maluwag.

"Don't be like that!" Inirapan ko sya, sya pa ata ang papatay sa akin. Tumawa sya ng mahina.

"You're really really beautiful." Mapupungay ang kanyang mga mata habang nakangiti. I blushed.

Chick Clique Series 01: Falling Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon