Kabanata 07

180 6 0
                                    

Anong gagawin nya kapag nag kuya ako sa kanya?! Napapikit ako. Ano ba yan alessa, bakit mo pa iniisip yan? Hindi ka naman kinakausap noon. Ngayon ka nga lang nya kinausap ng ganoon kahabang sentence. Pumasok na din ako dahil tapos na ang break time ko. Alas nuwebe na pala. Isang oras na lang, uwian na. Eto na Ang exciting part, sa una lang talaga masaya ang lahat. Gusto ko ng matulog. Huminga muna akong malalim bago nagserve at kumuha ng order ulit. Kuya Alexius' waiting for me, sila na lang ni kuya Pietro ang andoon sa table nila. Tila ba seryoso ang pinanguusapan.

Tinanggal ko yun apron ko nung tapos na ang oras ng trabaho ko. Nag paalam na ako kay ate Anna at sa mga ka trabaho ko. They said take care, ang saya mag trabaho kung mababait yung kasama. Kinakabahan man ay lumapit na ako sa table nila kuya, nakakahiya kase parang ang seryoso ng pinag uusapan nila. Sabay pa silang lumingon sa akin at tumayo.

"Pagod?" Kinuha ni kuya yun bag ko at paper bag para sa uniform ko kanina. Buti na lang hindi required mag uniform bukas. Hustle din kase para sa amin ni Priscilla. Tumango ako sa kanya, sino namang hindi mapapagod. So far, the first day was good. Sabay sabay kaming lumabas ng restaurant. I texted Priscilla na mauuna na ako, gusto kong ako na ang maghatid sa kanya pero may kasama kaming ibang tao kaya nakakahiya.

Sa backseat ako kase sa frontseat si kuya Pietro at si kuya ang nag dra-drive. I saw kuya Pietro's looking at rear mirror, tuwing nagtatama ang paningin namin ay umiiwas ako. Tumingin na lang ako sa labas, ihahatid pa namin sya. May ari ng car company pero walang sasakyan? Tumawa si kuya Xius, Pietro's just tsked.

Tumunog ang phone ko kaya tinignan ko iyon. It's Priscilla kaya sinagot ko iyon.

"Sino sumundo sa iyo?" Salubong nyang tanong.

"Hinintay ako ni kuya Lexius. Pauwi ka na din? I'm sorry hindi na ako pumunta dyan." I am really tired and i want to sleep already. Ayaw ko namang matulog dito kase nakakahiyang makita yun sleeping face ko.

"It's fine. You texted, anyway. Pauwi na din ako. Take care." Pinatay na nya yun tawag. Bastos.

"Who called?" Nilingon ako ni kuya sa rear mirror.

"Priscilla." Maikli kong sagot, i'm so exhausted. After 20 minutes, nakarating na kami sa bahay nila kuya pietro. Hindi pa ako nakakapasok sa main house nila kase pag may party at invited ang family namin, sa labas lang ng bahay nila o kaya sa hotel namin. Lumingon sakin si kuya Pietro.

"Ingat." Bago sya lumabas, tumawa si kuya. "Fucking ass." Tsaka nya pinaandar ang sasakyan ulit. Uminit yung pisngi ko kase tumatawa pa rin si kuya at lumilingon sa akin. Mabilis akong bumaba nang makarating na kami sa bahay kase parang nababaliw na si kuya.

Nasa kitchen si kuya Alessio. Nakapagtapos na sila kuya sandro, lexius at kuya alessio pero nag aral ulit si kuya Lexius at kuya Alessio. While kuya Alexander is fourth year engineering student. Nag e-MBA si kuya Lexius, he's a soldier dati e, Hindi ko alam bakit siya nag MBA. Matatapos na sya next month kase six months lang naman yun. Hindi lahat pinapalad makapag aral ng MBA sa wellerson university kaya maswerte sila ng mga kaibigan nya. Karamihan kase sa ibang bansa pa nag e-MBA. Ang layo lang sa profession nya.

Si kuya Alessio naman, he's a businessman already but he's still studying culinary arts. He really want to cook. Kumuha lang sya ng Business Ad noon para sa business namin. Pagod akong lumapit sa kanya, ngumiti sya sa akin. Ang ganda nya gumawa ng platings, kase kung ako yan. Ang dugyot tignan for sure.

"You want to try it? Hindi ka pa kumain diba?" Inilagay nya sa harap ko iyong chicken tagine makful. Natakam ako agad, i feel like nasa hotel ako. Kumain ako, hinihintay ni kuya ang sasabihin ko. Tumabi sa akin si kuya Xius at nakikain din.

"How was it?" Kumuha sya ng para kay kuya xius para hindi na kami maghati. Pumalakpak ako.

"Ang sarap, kuya. Best cook ever." Pumapalakpak kong sabi, ginulo ni kuya ang buhok ko. "Nambola ka pa." Tawa nya sa akin. Hmmm, totoo naman sinabi ko eh. Ideal talaga si kuya Alessio, maswerte magiging girlfriend nya.

"Pwede ka na mag asawa." Biro ni kuya Xius sa kay kuya. Umirap si kuya Alessio sa kanya. "Kayo ni kuya Sandro mas matanda, dapat kayo mauna." Naglinis sya ng ginamit nya. Lalapit sana si ate Joy para sya na ang maghugas pero umiling lang si kuya kaya umalis na si ate Joy, One of our maids.

"Hindi ka nga pala sinasagot." Asar ni kuya sa kanya. I wonder, who's the girl he's courting? Kumunot noo ako.

"Bakit hindi nya sagutin si kuya Alessio? Ideal nga si kuya tapos hindi pa nya sagutin?" Tinignan ako ni kuya tsaka sya tumawa. Bakit lagi na lang tumawa si kuya Lexius this past few days?

"Ask her, princess." Ha? Naguluhan ako sa sinabi ni kuya Lexius. Tumikhim si kuya Alessio kaya nilingon ko sya.

"You need to rest. May pasok ka pa bukas." Tumango ako tsaka umakyat na, narinig ko pang nag murahan sila kuya. Ask her? I'm gonna ask her? Who's her? Ipinagkibit balikat ko na lang iyon, bibigyan pa nila ako ng iisipin e. Nag shower na ako bago natulog.

Nagising ako sa alarm clock ko. Pinatay ko iyon tsaka humiga ulit. I wanna absent. Gusto kong matulog buong araw. Mawawalan ata ako ng lakas kapag hindi ko itutuloy ang tulog ko. This time, cellphone ko na ang tumunog. Padabog akong bumangon. Nakakainis naman! Tinignan ko kung sino tumatawag. It's mom. Naalimpungatan ako sa nakita at sinagot agad.

"Mom." Paos kong sabi kaya tumikhim ako. Tinignan ko yung mukha ko sa salamin.

"How are you anak? We're going home sa monday." Today's wednesday.

"I'm fine mom, kayo po?" Nag lagay ako ng toothpaste sa toothbrush ko tsaka nag toothbrush.

"We're fine here. I miss you, anak? I bought you a present. Binilhan ko din sila taraka. Invite them when we're home okay? Ipapaalam ko si Lelia kay Liel." Tumango ako kahit hindi nya ako nakikita. Nagmumog pa ako bago sumagot.

"Sige mom." She said 'take care' and 'i love you.' Before she hang up. Naligo na ako, i'm wearing a loose white shirt and a jeans i pair it with court classic leather sneakers. I'm comfortable this way. Kinuha ko na ang bag ko, i used the bigger para may space para sa work uniform ko. Bumaba na ako, i startled when i saw kuya pietro in our living room. Umangat ang tingin nya sa akin.

"Good morning." Bati nya bago sya tumayo. Damn. What's with him? We're not even close before kase hindi naman nya ako kinakausap. Snob kase.

....

Chick Clique Series 01: Falling Again Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora