Kabanata 14

134 5 0
                                    

Naglinis ako ng mga table na kakatapos lang gamitin, grabe naman iyong ibang kumakain. Okay naman sana kung hindi binabasa iyon mga tissue tapos may mga ketchup, nag iwan pa sila ng mga plastik na pinagkainan nila ng junk food.

"Ilagay mo na lang yun mga basura dito." Sabay iwan nya ng trash can, ilap sa akin si ander. Isa sa mga working dito sa resto, i don't know why. Siguro dahil kila kuya. Bumukas iyong pintuan kaya napatingin ako doon. Kumaway sa akin si bera at taraka. Kumaway din ako pabalik, umupo sila malapit kay pietro.

Ngumuso ako nang makitang busy syang nakatingin sa laptop nya. I wonder what he's doing. Ibinalik ko sa likod iyong trash can tsaka ipununta sa washing room iyong mga pinggan. Buti hindi ako dito na-assign. Kinuha ko iyong menu at sticky notes para kumuha ng order. Dumiretso ako kila bera.

"What is your order?" Tanong ko sa kanila, tinignan nila ako pababa pataas. Nginuso sa akin ni taraka si pietro, tinaasan ko sya ng kilay kaya ngumiti sya.

"Mag ma'am ka naman." Paalala sa akin ni bera, inirapan ko lang sya.

"Iced tea, dalawa." Tumingin ako kay bera. "Kala ko manlilibre ka?" Tanong ko sa kanya habang isinusulat iyong iced tea.

"Bukas na, may mga lakad iyong iba at may work kayo ni priscilla, andoon si ariadne." Tumango ako.

"Chicken wings tapos pa order ng dalawang rice, sa akin lang iyon bera. Order ka ng sayo." Tumitingin pa sya sa menu. Isinulat ko iyong order ni taraka.

"Gutom na gutom?" I jokingly said.

"Napagod akong mag isip." Me and bera frowned at her.

"Duh? Anong iniisip mo at napagod ka? Wala naman tayong klase kanina." Bara ni bera sa kanya, tinignan sya ni taraka ng masama.

"Nagisip ako ng oorderin, nakakapagod. Wala na kayo doon. Mag order ka na nga benedetta." Itinaas ni bera ang gitnang darili kay taraka tsaka tinignan iyong menu.

"Chicken wings na din, tapos isang rice lang." Inilista ko iyong order nya. Minura sya ni taraka kaya nagmurahan sila. Tumawa ako kaya tumingin sila sa akin.

"Go! What are you waiting for?" Pagtataray ni taraka. Umirap ako tsaka tinalikuran sila. Bwisit. Ibinigay ko na sa kitchen iyong order nila. Nag taas ng kamay sa akin si pietro kaya pumunta ako doon excitedly.

"What is your order?" Masaya kong tanong. "Just black coffee." Nakatatlong coffee na sya!

"U-uhm you know, hindi healthy ang too much coffee." I know, i shouldn't meddle with what our costumers order but i just can't help it. There's a ghost smile in his lips.

"Uh-huh." Tumango sya, i bit my lower lip. Dapat hindi ko na lang iyon sinabi! But it's his health my talking about.

"Okay then, what will you offer?" Matamaan nyang tingin sa akin.

"Iced tea? Or Pineapple juice?" He lick his lower lip kaya napatingin ako doon. It looks so soft. Alessa, what are you thinking. Pinagnanasahan mo nanaman si pietro, sasabunutan talaga kita kapag hindi ka tumahimik! Napailing ako, nababaliw  na ata ako.

"You decide, then." Napapaos nyang sabi, tumango ako tsaka isinulat ang milkshake. Lumingon ako sa kanya, he's staring at me intently. Napakurapkurap ako, nakakalaglag naman ng panty iyong tingin nya!

"I-iyon lang?" Tumango siya kaya tumalikod ako agad at ipinunta sa counter, kase doon lang naman kapag drinks. Ibinigay sa akin iyong order nila bera na iced tea.

"Here's your order, mga tanga." Ibinulong ko iyong last, mahina akong tumawa sa itsura nila.

"Isumbong kita sa manager." Sabay inom ni taraka ng iced tea nya. Tumawa lang si bera.

"Thank you, bobo." Balik nya sa akin, kaya tumawa sila ni taraka at nag high five pa. Nakakapikon! Sinamangutan ko sila. Ang galing nila mag isip ng irerebut.

"Chupi." Umirap ako tsaka tinalikuran sila. Nakakaasar. May kumuha na ng order ni pietro. It's my break time kaya lumabas muna ako sa likod. Andoon sila ander at camille. Camille smiled at me.

"Hi." Bati nya, tinanguan ko lang sya tsaka umupo sa mat upuan. Seryoso silang nag uusap, ayaw kong mang istorbo. I startled when camille suddenly sit beside me. Napahawak ako sa dibdib ko.

"Oh, i'm sorry. I- I just want to talk to you." Umupo din si ander sa tabi ni camille.

"It's okay. I'm just shock." Lumingon ako sa harap, i'm not good at conversation when it comes in strangers.

"Kayo na ba ni kuya pietro?" Napatingin ako sa kanya, kunot noo.

"Why did you ask?" Nag taas ako ng kilay sa kanya. Umiling iling sya tsaka naiilang na tumawa.

"Nako. Wala, wala naman." Nagakatinginan sila ni ander tsaka tumayo ng hindi nag papaalam. So annoying, why she's asking? May gusto ba sya kay pietro? Tsk.

Pumasok na ako sa loob kahit break time ko pa, i'm observing camille. Tingin siya ng tingin kay pietro. What's her problem? I hate her. Kumuha ako ng panlinis ng table tsaka lumapit sa may pwesto ni camille. Nagulat pa sya ng makita nya ako tsaka tumingin kay pietro.

Tumingin ako kay pietro, he's looking at camille! What? Umirap ako tsaka pumunta sa left side ng restaurant. Ha! Crush nya ba iyon? Wala naman syang taste! Tsk, kaya pala nag stay sya para kay camille? Ang korni nya. Sayang naman sya kung ganoon!

After work, mabilis akong lumabas. Hindi ko pinansin si pietro kahit na nakatayo syang nakatingin sa akin kanina. He looked amazed noong nilagpasan ko sya.

I don't care, i don't want another heartbreak. I don't want to look fool again,  why i'm thinking about heartbreak? Napapikit ako, kailangan ko ng magpadoctor.

.....

Chick Clique Series 01: Falling Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon