Kabanata 33

138 3 0
                                    

Na-discharged na ako, si pietro sa susunod na araw pa. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang naging usapan nila mommy at kuya noong nakaraan, the way pietro hold a gun like a pro, alam kong may hindi sya sinasabi sa akin. Hindi ako mapakali hanggat hindi ako nakakapag tanong. I'm gonna ask him if nakalabas na sya. Kapag hindi nya sinabi, hindi ko sya pipilitin. I'll wait for him to tell me when he's ready. Ganoon din kila kuya.

Sabi nila bera, pupunta daw sila dito. Gagawin na iyong prank namin sa mga kuya ko. Isinali din namin si mommy, she said she's okay with it. That my brothers deserve it. Galit pa rin talaga si mommy sa kanila kase si kuya xander lang ang kinakausap nya. Sinusuyo din sya ni daddy.

"Ngayon pupunta sila taraka, anak? I'm so excited." Gigil nyang sabi, tumawa na lang ako sa kanya. Bibiruin ko sana kung kulang pa ba ang sampal pero baka ako ang sampalin, grabe iyong lakas ng sampal ni mommy. Ang lakas ng tunog.

"Sshh, mom." Sa sobrang excited nya, malapit na lang mabubuking na kami sa kung anong gagawin namin. Nang may maingay na papalapit dito sa kitchen, i know nandito na sila bera. Sa ingay nila baka mabisto kami, sinabihan ko na sila sa chat eh kaso hindi talaga mapipigilan ang mga bibig nila. Mom said dapat kasali daw si pietro but I said no. Isinali na din namin si daddy.

Bineso nila kami, thank God tulog pa sila kuya. Inaalalayan pa ako ni mommy na mag lakad, napabuntong hininga na lang ako.

"Mom, I said I'm fine already." Saway ko sa kanya lagi pero hindi talaga sya titigil sa kakaalalay sa akin. I know that she's just worried but i'm fine now.

"I know, pero may tahi ka." Iyan naman lagi ang rason nya. Pinaupo lang nya ako sa kitchen stool. I watched them make a graham ball, may sili, bawang at sibuyas. Imagine how it taste, that's just so gross. When they're making it, ipinunta muna nila sa ref.

While waiting for my brothers, we decided to watch "The Nun" para pampalipas ng oras. Hindi naman nakakatakot iyon, nakakagulat lang. Umakyat din si mommy sa kanilang room para maligo at nang makabihis na. Nakailang sapak na si taraka kay amberle, pasamalat na lang ako dahil hindi sya ang katabi ko. Napatalon ako sa sigaw nya.

"Letsee! Letsee! Bona!" Sigaw nya sa TV, tawa naman kami nang tawa.

"Ingay." Napalingon kami doon, tumabi sa akin si kuya lexius. Dumeresto naman sa Kusina si kuya xander kaya nagkatinginan kaming pito. Agad na tumayo si ariadne at sinundan si kuya, sumunod din sa kanya si bera.

"Boring naman nyang pinapanood nyo." Kumento pa nya. Talaga lang, ha? Hindi sya pinansin ng mga kaibigan ko kaya tinawan ko sya. Ngumuso sya sa akin.

"Patikim lang, ang damot mo naman!" Napatingin kami kila kuya at ariadne, hawak ni ariadne ang tupper wear na may lamang graham ball at si kuya ay parang gutom na gutom na humihingi ng graham ball kay ariadne. Hinawakan nya iyong tupper wear kaya tinampal ni ariadne ang kamay nya.

"Ano ba!" Mabilis na tumayo si kuya lexius at lessio para maki-agaw.

"Sinong may gawa?" Tanong ni kuya sandro na lumalapit na din may ariadne, i smirked, ang galing umarte ni ariadne.

"Kami nila tita. Gusto nyo? Luh, gawa kayo." Asar nya pa kila kuya, bigla na lang nakuha iyon ni kuya lexius kaya napatayo na ang mga kaibigan ko. Pinag aagawan nila ang isang tupper wear, nakuha na iyon ni amberle.

"Wait, wait. Pila pila, akong bahala sa inyo. Lahat makakatikim, ano ba?!" Sabay tampal nya sa kamay ni kuya sandro na nasa tupper wear, tahimik naman umatras si kuya kaya natawa ako. Nauna ang mga kuya ko sa pila. Nagpipigil na ng tawa sila taraka at ariadne. Nang natikman na ni kuya xander, mukha pa syang sarap na sarap sa pagkain pero biglang nagbago ang expression nya, ganoon din sila kuya habang kumakain sila bera. Iyon siguro iyong mga walang laman, binigyan naman ako ni lelia ng isa. Nag vivideo pa si bera.

Nag unahan bigla ang mga kuya ko sa kitchen kaya tumawa kamj ng malakas, napahawak pa ako sa bewang ko dahil biglang sumakit. Lumapit agad sila sa akin.

"You, okay?" Nag aalalang sinabi nila, tumango naman ako at tsaka kinain na iyong graham ball na ginawa nila. Namumulang pumunta dito si kuya lexius.

"Ang sasama nyo!" Inis nyang sabi sa amin, i wonder kung ano iyong napunta sa kanya. I gave him one but he refuse.

"Kayo din naman, kuya. Noong naubos pera ko dahil sa inyo. Nakabili na sana ako ng ipad noon." Balik sa kanya ni bera, nagtaka pa ako dahil nag kuya sya. Si priscilla at lelia lang nagkukuya madalas, sila bera minsan lang.

"Ang tagal na noon."

"Pero iyong matagal na iyon andito pa rin." Sabay turo pa ni ariadne sa dibdib nya, nagpipigil na kami ng tawa, nagtataka namang lumapit sila kuya sa amin. Kuya alessio's holding a milk, habang kumakain naman ng chocolate iyong dalawa.

"Panget ba ako?! Kapalit palit ba ako?!" Nakataas ng kilay sa kanya si kuya lexius, hindi ko na mapigilan ang tumawa kase with feelings iyon ginawa ni ariadne.

"Okay ka lang?" Lumingon sa kanya si ariadne bigla kaya napaatras si kuya lessio. Napakurap kurap pa sya. We laughed at him.

"Sino nakaisip ng panget nyong prank?" Pag iiba ni kuya sandro ng topic, nagkibit balikat lang kami.

"Meron pa ba? Ipapatikim ko lang kila kio." Tumango si ariadne tsaka ibinigay sa kanya iyong tupper wear. "Videohan nyo ah?"

Umakyat na si kuya sandro sa kwarto nya dahil may gagawin pa daw sya, si kuya xander lang ang nag stay dito kasama namin. We're watching "Twilight" now. Napanood naman na namin eto pero hindi naman nakakasawang panoorin. Ang ganda manood kapag Fantasy. Kinuha ko ang phone ko para kamustahin si pietro.

Makikita ko lang sya kapag lumabas na syang hospital, mommy said bawal muna akong lumabas, gan'on din ang sabi sa akin ni pietro. I'll visit him in thier house once he discharge.

To: Pietro

Are you awake now?

Isinend ko iyon bago magtipa ng panibangong message.

Pietro

Kumain ka ng marami, i miss you and i love you.

Itinago ko muna ang phone ko para manood. I miss my man, kainis kase iyong gumawa samin noon. Mga walang magawa sa buhay. Our secret agent is working on it according to kuya sandro, iyon ang narinig ko kahapon sa usapan nila ni daddy.

Chick Clique Series 01: Falling Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon