Kabanata 23

131 4 0
                                    

What bro code is he talking about? Tinatanong ko sya tungkol doon but he's just laughing at me hanggang nakauwi na kami, si kuya xander ang tinanong ko pero nag-kibit balikat lang sya. Dumeretso sila sa library dahil may pag-uusapan daw sila nila daddy. I kissed my mom cheeks when i saw her at our living room, reading a tabloid. Binitawan nya iyon nang nakita ako. Umupo ako sa tabi nya tsaka sya niyakap.

"What's wrong with my princess?" I'm smiling ear to ears. Ngumisi sya sa akin tsaka ako hinalikan sa buhok.

"He's my boyfriend now, mom." Namumula kong sabi, she looks so happy for me. Noong kay griffin, hindi naman sya ganito. Siguro dahil, matagal na nilang kilala si pietro. She's so strict noong nalaman nyang meron akong boyfriend dati, she even scolded me. Sabagay, i'm so young back then. Wala nga namang forever sa edad na sixteen. Pero hinayaan naman na nya ako sa gusto ko pero pinapabantayan nya ako lagi kila kuya.

"I'm so happy for you, botong boto ako sa batang iyon. Naalala ko, gusto ka na noon pa. Kaya naman noong nalaman kong hindi sya iyong boyfriend mo, nadismaya ako." Kuwento nya. Eto nanaman tayo sa past. She's smiling ears to ears to me, tsaka sya bumuntong hininga.

"He made a promise to your dad before. He respect us unlike..." hindi na nya itinuloy ang sasabihin. I know what she means. Umiling sya sa akin tsaka inayos ang buhok ko. Inilagay nya iyon sa likod ng aking tenga.

"Hindi na importante yun. If you have a problem, always remember i'm always here. Kami ng daddy mo." I hugged her tight.

"Andito din ako lagi mommy." Bulong ko sa kanya, busy sila sa hotel kaya lagi silang wala dito. Sometimes, they need also comfort from their children.

"Sali kami!" Sigaw ni kuya xander nang makita kami ni mom na ganoon, sumali sila sa yakapan namin. Tumawa kaming lahat. Kuya xander is really momma's boy.

"What are you talking about, huh?" Tanong ni daddy sa amin.

"Girls only, duh." Taray ni mommy sa kanya, we laughed at them. Nagbabangayan nanaman sila, parang mga bata. Kung hindi kami ganyan ng mapapangasawa ko, h'wag na lang.

Nag shower na ako pagkapasok ko sa kwarto tsaka nag open ng wifi. I have three missed calls from pietro, i laughed when i saw it. Miss naman nya ako agad. Tinawagan ko sya sa facetime. Sinagot nya naman agad. He's lying on his bed, topless. I can see his collarbone, it looks so sexy. Basa pa ang buhok nya.

"What took you so long? You took a shower?" Umpisa nya, i nodded at him. Niyakap ko iyong unan ko. Ang gwapo gwapo nya. Boyfriend ko itong gwapong ito!

"I told my mom that we're now official." Today's january 20. A day to remember. Nakatitig lang sya sa akin, i feel like i'm melting on his gaze.

"I told my parents too. I'm so happy." I saw his adams apple move. Naalala ko nanaman iyong bro code na sinasabi ni kuya but i doubt if he's going to say. He's so loyal to his friends.

"What's wrong?" Nagulat ako sa tanong nya. How can he say if there's wrong with me? He's really an observant. Kahit naman tanongin ko hindi nya pa rin sasabihin.

"Nothing, sino kalaban nyo bukas?" Iniba ko ang usapan. Tumingala sya bago ibinaling ang  tingin sa akin ulit. Ngumuso sya, ang pula ng labi nya. Naninigarilyo sya pero ang pula pa rin ng labi nya.

"Iyong sa architecture students." Sila schiavone, grabe naman iyong mga iyon. How can they manage they're time? Mga party boozer pa iyong mga iyon. Walang gabi ata silang hindi nagpupuntang club.

"You'll graduate MBA next month, what is your plan?" Nauubusan na ako ng topic, okay lang naman kapag magtitigan lang kami dito sa facetime pero baka matanong ko iyong bro code na sinasabi nila kuya

"We're investing now, we'll built a club." Hindi pa ako nakakapunta ng club, sa aming pito. Si bera, amberle at taraka pa lang ang nakakapunta sa mga ganoon.

"What's bothering you?" Ang galing nya talaga magbalik ng topic. Tumikhim ako, wala ata akong maitatago dito. Ganoon ba talaga ako ka-transparent? Kaya siguro hindi ako nakakapaglihim kila bera.

"May sinabi si kuya sa akin." I bit my lower lips. Napatingin ako sa orasan ko.

"I- I'm sleepy." He laughed lowly. Ang sarap sa ears.

"You tell me first what's bothering you and then let's sleep." Ngumuso ako sa kanya.

"Pwedeng bukas na lang?" Mahina kong sabi, tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Don't end, please. I'll watch you asleep." Paano ako makamatulog kapag manonood sya!

"Edi hindi ako makakatulog nyan." Sabi ko sa kanya. He laughed.

"Okay. Tomorrow, then? You get away to our topic so smoothly." Ngumiti ako tsaka tumango, he licked his lips.

"Good night. I love you."

"I love you, too." He groaned and laughed, i smiled at his reaction.

"Let me watch you, please?" Napapaos nyang sabi, napapikit naman ako at niyakap iyong unan ko.

"How?" Tanong ko, nagiging marupok sa gusto nyang gawin.

"Just put your phone on the table beside your bed?" Bakit ba gusto nya ng ganoon. Tumango ako tsaka i put my phone beside my alarm clock, he can see my bed now. We're just staring at each other. Ipinikit ko na ang mga mata ko para makatulog na kahit gusto ko rin syang panooring matulog.

"Good night, baby." Bulong nya.

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now