Kabanata 10

158 5 0
                                    

Priscilla and lelia cooked our foods, gusto daw nila magluto kaya nasa kitchen kaming tatlo. Iyong apat nasa living room, nagvivideoke. Ang ganda talaga ng boses ni bera, we encouraged her to join a competition on the TV but she's not into it. Pag babanda at pa gig gig lang daw sya. Tsaka stick daw sya sa plano namin. Kumuha kami ng entrepreneur, a business course kase may plano kaming magpatayo ng bar at restaurant.

Nang matapos na kaming magluto, sinamahan na namin sila sa living  room. Amberle's always busy with her phone.

"You can be a chef, cilla at lelia." Kumento ni bera. Originally, dapat nag culinary arts si lelia pero nung nalaman nyang sa iisang course lang kamimg anim, sumama sya. Mahal na mahal nya kami kaya hindi nya kami maiwan. Sana all, 'diba?

"After natin grumaduate, i'm gonna study culinary arts." Tumawa si amberle sa kanya.

"Mahal mo talaga kami." Biro nya kay lelia tsaka akmang hahalikan sa pisngi si lelia. Sakto namang lumabas sila kuya sa library.

"What are you doing?" Tanong ni kuya sandro. "Wala." I answered pero kay amberle sya nakatingin.

"Kissing lelia." Ngumisi sya kay kuya. Tumikhim naman sila taraka. Kunot noong umalis si kuya sa harap namin. Naki upo naman sila kuya alexius sa amin.

"Bakit ka kase nagkikiss?" Tanong ni kuya viktor sa kanya. Are they close? Minsan lang pumunta sila kuya viktor, davide at kuya federico dito kase busy daw sila. Ngayon nga lang ulit after 5 months. Tsaka hindi ko sila close kase pinapapasok ako ni kuya sandro sa kwarto ko kapag andyan sila. Inirapan sya ni amberle.

"Who cooked this? Patikim ha?" Isa ding walang hiya. Hindi na nya hinintay ang sagot namin, kumuha na sya. "Ako din." Kumuha silang lahat. Nine silang andito, pang sampo si kuya pero umakyat ata.

"Si lelia nagluto nyan, pwede niyong jowain. Available sya pati iyong baril ni tita available." Nahihiyang tumungo si lelia sa sinabi ni bera. Ang daldal din ng isang ito.

"Si priscilla din." Hirit ni amberle.

"Ha? May boyfriend na si priscilla!" Tumatawa si lexius, sabay tingin kay priscilla. Namumula na ang pisngi ng kaibigan ko! Masyado na syang pinapahiya ni kuya! Inabot ko iyong unan tsaka ibinato kay kuya.

"Wala syang boyfriend, kuya. Stop embarassing my friend." Pagtatanggol ko kay priscilla. "You're really dense." Sagot nya lang sa akin.

"I'm not." Inis kong sabi sa kanya. I'm not dense no! "Manhid ka, princess." Sabi naman ni kuya ivan.

"Kayong lahat, magkakaibigan. Manhid. Ano iyon? Friendship goals?" Asar ni kuya federico sa amin.

"Paano mo nasabi?" Bara ni taraka sa kanya. Tumawa ako sa kakulitan nila nang may nag vibrate phone ko. Tinignan ko kung sino iyon. It's unregistered number.

From: 0966xxxxxxx

You're more beautiful when you're smiling.

Bumilis ang tibok ng puso ko, humiyaw si kuya kio kaya napalingon ako sa kanya. Katatapos nya lang tumingin sa cellphone ni pietro, inis naman na sinaway ni pietro si kuya kio.

"Ang korni mo." Asar pa nya dito. Shit. This is kuya pietro's number! Sinabayan sya nila kuya lexius na tumawa. "Privacy, dude. You don't know that?" Umirap sya kay kio tsaka namumulang tumingin sa akin.

"Aksidente kong nabasa, hindi ako nakikibasa." Explain sa kanya ni kuya kio. "Kala mo naman."

"OP kami, ano ba yan." Reklamo ni bera sa kanila. "Bastedin sana kayo ng nililigawan nyo." Dagdag pa nya. Umalma agad sila.

"Sa gwapo kong ito? Sus, baka kapag niligawan kita. Sasagot ka." Biro ni kuya lexius. Nandidiring tinignan ko sya. Bakit ang feeling nya ngayon? "Ang dugyot mo naman, sorry hindi kita type." Bara ni bera sa kanya.

"Hindi din naman kita type. Tsaka alam ko type mo." Sagot din ni kuya sa kanya. Tinignan lang sya ng masama ni bera.

"Ah, nung gig mo, andoon ako. Suss, architecture student pala ang nais." Binato ng unan ni bera si kuya kio.

"Epal." Talo na ang pambato namin. Lumingon ako kay pietro, tinignan nya ang phone ko. Gusto nya bang replyan ko sya? Ano namang i rereply ko sa sinabi nya?

"Reply reply din kapag may time." Biglang sabi ni kuya rico, hindi ko alam kung ako ba sinabihan nya or natamaan lang ako. Nakatingin din kase sya sa cellphone nya.

I typed my reply to pietro. I really don't know what to say. I typed 'who's this?' Kahit alam ko namang si kuya pietro iyon. Natawa na lang ako sa reply nya kase full name binigay nya.

From: 0966xxxxxxx

Pietro Trevisan Zettecci.

Ang gwapo, ang gwapo din ng pangalan. Hmm.

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now