Kabanata 15

127 5 0
                                    

"Hey." Umiwas ako agad  sa hawak nya, shit. Why i'm acting this way? Nakita kong lumabas sila bera, nakalimutan ko sila! Nagtataka silang nakatingin sa amin. Lumapit ako sa kanila.

"Hatid nyo ako." Agad kong hinanap iyong kotse ni taraka.

"Alessa." Kinalibutan ako sa pagtawag nya sa pangalan ko. Lumingon ako sa kanya.

"A- Ah, salamat kuya. Kila taraka na ako sasabay." Kunot noo syang nakatingin sa akin. Matamaan kaming tinitignan nila bera. Nag iwas si pietro ng tingin, he licked his lower lip bago tumingin sa akin. Hinawakan nya iyong siko ko at lumingon kila bera.

"Sabay ka na kay pietro, alessa." Tinignan ko sila ng masama, pilit lang silang ngumiti sa akin. I sigh, defeated.

"Text ka kapag nakauwi ka na ha?" They kissed me on my cheeks. Nakatingin lang ako sa sasakyan nilang papalayo.

"What's wrong?" Napabuntong hininga ako tsaka tumingin sa kanya.

"Wala, kuya." Umiling iling pa ako sa kanya, tumingin ako sa sasakyan nya, hinarangan nya ang tingin ko kaya napatingin ako sa kanya. He's looking at me, nananantya.

"Wala na iyong kuya noong nakaraan, bumalik nanaman." Lumingon siya sa sasakyan nya bago lumapit pa sa akin.

"What's wrong? Don't lie." Yumuko ako, anong sasabihin ko? Umiling ako sa kanya. Nakakahiya naman, hindi naman ako nagseselos.

"Gusto ko ng umuwi." Naiiyak kong sabi. Siminghap sya kaya tumingin ako sa kanya. Mapupungay ang mga mata nyang nakatingin sa akin.

"Let's go." Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa bewang ko. Lumingon ako sa loob ng resto, baka nakatingin si camille.

"May naiwan ka?" Malambing nyang sabi, umiling lang ako tsaka nagpatyanod papunta sa sasakyan nya. Sumakay na ako sa front seat. Bumuntong hininga sya pagkapasok nya sa driver's seat tsaka lumingon sa akin.

"What's wrong? Tell me, please." Malambing nyang sabi, tumingin ako sa kanya.

"I- Im just tired." Napalunok ako sa tingin niya. Jusko ka, Alessa. Kung hindi ka lang tanga.

"Nag kukuya ka kapag pagod?" Tinaasan nya ako ng kilay. Paano ba ako makakaiwas pag usapan ito?

"Gusto ko ng umuwi, i'm tired. Bababa na ako kapag hindi mo pa ako ihatid!" Inis na sabi ko, he looked amused.

"Okay, okay. I'm sorry." Tsaka nya pinaandar iyong sasakyan nya. I feel so bad, pumikit ako. Ako na nga ang nakikisakay, ganon pa iyong sinabi ko. Sana nag act normal na lang ako kanina! Tahimik lang kami buong byahe. Tinanggal ko ang seatbelt ko.

"Salamat." Pababa na ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

"What's the problem?" Umiling ako, kala ko makakatakas na ako sa topic na iyon! Kala ko kagaya nya din si griffin na kapag sinabi kong walang problema, wala.

"Wala." Nakatitig lang sya sa akin na animo'y naninimbang ng tingin. Lumabas siya kaya lumabas na din ako.

"Thank you sa paghatid tsaka sa libre kanina." Sabi ko para gumaan naman ang atmosphere dito.

"You're not telling me what is the problem? What did i do?" Suminghap ako, hindi ba sya nagsasawa dyan. Nakakahiya kase sabihin. He's flirting with me, tapos may gusto pala sya kay camille. If you're dealing with someone, dapat hindi ka na nag kaka interest or what sa iba.

"Pagod lang naman ako." Bakit ba ako nag e-explain?

"Come on, we won't solve anything if you don't tell." Hinawakan nya ang kamay ko. May tumikhim kaya napabitaw ako sa kamay nya. Tumingin kami sa pintuan, it's kuya sandro. Thank God. Lumapit ako agad sa kanya.

"Pasok na ako sa loob." Lumingon ako kay pietro, he clenched his teeth. Galit ba sya?  "T- Thank you."

Dumeretso na ako sa taas, andoon sa salas ang mga kuya ko. Tinatawag pa nila ako pero hindi na ako lumingon. Napabuntong hininga na lang ako pagkapasok ko sa kwarto ko. I texted taraka.

To: Taraka Ashime

Nakauwi na ako, kayo?

Hindi ko makakalimutan iyong hindi nila ako tinulungan. Tumunog iyong cellphone ko. Sinagot ko.

"Tangina mo, hindi mo ako sinabay." Bungad ko sa kanya.

"Tanga, feeling ko nga may lq kayo?"  Umirap ako.

"Hindi naman kami, paanong lq?" Hinubad ko na iyong T-shirt ko at pantalon. So, refreshing.

"Sus, paiyak ka na kanina e-. Pinatay ko na ang tawag, walang hiya. Dumeretso na ako sa banyo. Tumunog ulit iyong phone ko. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Ano?!" Inis kong sabi kay taraka, mang aasar lang naman.

"Are you mad?" Nanlaki ang mata ko tsaka tinignan kung sino ang tumatawag. Pinatay ko agad.

"Shit, ano namang kamalasan ito!" Sabay sabunot ko sa buhok. Tumunong iyong cellphone ko. Nakatulala lang ako doon. He's calling again! Sasagutin ko ba? Tumikhim ako bago sinagot. Walang nagsasalita.

"Can we talk?" Umpisa nya.

"I'm still here, don't worry i won't take too much of your time." Paliwanag nya sa akin.

"M- Mag sho-shower ako." Napapikit ako, i'm nervous. Tawag lang ito, alessa!

"I will wait." Napapaos nyang sabi.

"Okay." Tsaka ko binaba, mababaliw na ata ako, kasalanan ito ni camille!

Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now