Kabanata 32

125 3 0
                                    

Sinubuan ako ni mommy, tahimik lang ang mga kapatid ko. Feeling ko, ang dami kong hindi alam tungkol sa kanila. Ang dami nilang tinatago sa akin, after ko kumain, i slept para maaga kong mapuntahan si pietro. Kaya ko naman na maglakad, masakit at mahapdi lang ang sugat ko sa bewang. Kinaumagahan, binisita ako agad nila taraka. They're asking me if i'm fine, kung anong nararamdaman ko.

"Hindi tuloy iyong lakad natin." Sabi ko para gumaan ang loob nila, ang seseryoso kase nila. Hindi ako sanay na ganito.

"It's okay, we'll do it some other time. Libre ko foods, ikaw iyong pang shopping." Pampagaan loob ding sabi ni ariadne, ginatungan naman sya ni taraka. I really appreciate na pumunta pa sila dito para kamustahin ako lalo na si bera na ayaw pumapasok ng hospital.

"Sana hindi scam, ano?" Mahina akong tumawa, lumabas muna sila mommy noong pumasok sila bera, may pag uusapan pa sila.

"Hindi, nasa wallet ko pa iyong cards nila kuya." Walang nakuha sa amin ni pietro na ipinagtaka ko. Hindi naman pala pera or mga bagay ang habol nila sa amin pero bakit ganoon ang nangyare. May kinalaman ba iyon sa sinabi ni mommy sa kanila.

Hinihintay kong may sabihin sila sa akin, ayaw kong namimilit. Hindi ako mamimilit kung ayaw nilang sabihin sa akin iyon. Siguro may rason sila kung bakit ayaw nilang sabihin sa akin. Nakakapagod mag isip kung ano iyon kaya wala na din akong pakeelam. Gusto ko ng malinis na pag iisip.

"Hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa nila, halos maubos na ang allowance ko ng isang buwan dahil sa prank nilang iyon. Seriously, ang panget nilang mag prank." Reklamo ni ariadne, limited pa lang kase ang pera namin that time kaya halos maubos ang allowance nya, umutang pa sya sa akin dati kase wala na daw sya pang gastos.

May kasalanan naman ako doon kaya hindi ko na pinabayad sa kanya iyong inutang nya sa akin, palagi naman syang nang lilibre ng pagkain kaya ayos lang.

"Let's prank them too kung okay ka na. Dapat iyong iiyak sila ha." Sabi naman ni amberle. Sounds good, bayad na din sa pang go-good time nila sa akin. Parang kahapon lang ng umaga ang saya namin, hindi ko inaasahan ang nangyare. Bumisita sila tita pie, pietro's mom sa akin kagabi pero tulog na ako noon.

"Aha! I have a plan." Nakangising sabi ni bera. Kahit ano, okay sa akin. "Spill it."

"We'll do graham ball with sili inside?" Nag thumbs up kami sa kanya, hindi ko na ikwinento ang nangyare sa amin nila mom kagabi, kahit naman ganon sila kuya ayaw kong sabihin na sinampal sila ni mommy.

"Kahit hindi sili, ano? Iyong hindi nila gusto." Tumawa ng malakas si taraka. Desidedo talaga silang makaganti kila kuya.

"Gamitin natin iyong card nila pang prank, Dapat one week iyong prank para mas masaya." Tumawa kami sa sugguestion ni bera, ang dami pa nilang sinabi. As usual, tahimik lang ang dalawa pero tumatango at okay sila sa plano nila ariadne, ganoon din ako. Ini-abot ko kay taraka iyong card ni kuya lexius dahil sya bibili ng mga pag kain, siguro kapag nakalabas na ako. Si ariadne naman ang bumili ng mga gift na damit namin kila kuya sandro.

We'll make them wear what we'll buy for them. Aartehan daw sila nila ariadne para pumayag sa gusto nila. Nanonood pa sila kung ano ang pwedeng i prank sa mga kuya ko. Tumatawa lang ako sa plano nila. Kawawa naman ang mga kuya ko!

Biglang bumukas iyong pintuan kaya natahimik kami, kunot noong nakatingin sa amin si kuya lexius. May hawak syang wheel chair at lumapit sa akin.

"Pietro's looking for you." Inilalayan nya akong umupo doon, nakakalakad naman ako eh! Nilingon nya ang mga kaibigan ko.

"Sama kayo? Bawal maingay doon." Ngumisi sya kila taraka, inirapan lang sya ni taraka tsaka tumulong kay kuya na itulak ang wheel chair ko.

"Bakit ka nakapasok kung bawal?" Balik nya kay kuya. Tumawa lang si kuya sa kanya, sana kase hindi na nya sinimulan ang pag asar. Sumama sila sa amin.

"Hindi ba, hindi pwedeng sobrang crowded ng room?" Mahinang sinabi ni priscilla kaya lumingon kami sa kanya.

"Okay lang, may access kami. Maluwang iyong room ni pietro, don't worry." Tumango lang sa kanya si priscilla. Tumikhim ako tsaka tumingin kay kuya.

"Sinong andoon?" Tanong ko sa kanya, nagbabara ang lalamunan ko. Buti hindi ako sinisi nila tita sa nangyare.

"Sila xander lang, wala sila tita." Tumango ako, bumuga ako ng hangin bago pumasok sa kwarto ni pietro, wala syang galos sa mukha pero meron syang benda sa paa. Inilapit ako ni kuya sa kanya, seryoso syang nakatingin sa akin bago ngumiti. Pagkalapit ko sa kanya, hinawakan ko agad ang kamay nya.

Lumingon sya kila kuya kaya inaya nila ang kaibigan ko na lumabas muna, naiiyak ko syang tinignan. Hinawakan nya ang kamay ko tsaka iyon hinalikan.

"A- Are you f- fine now? Anong nararamdaman mo?" Tanong ko sa kanya bago inilibot ang tingin ko sa kabuuan nya. Bukod sa may benda sya sa paa at sa bewang, okay na.

"I'm fine now that i saw you." Hinaplos nya ang buhok ko tsaka iyon inilagay sa likod ng aking tenga. "How about you?" Seryoso syang tumingin sa akin.

"I'm fine, also. I'm happy that you're fine." I bit my lower lip at tumingala para pigilan ang aking luha.

"I'm so worried." Nakatitig lang ako sa kamay naming magkahawak. Nilalaro nya iyong thumb ko. Kakarating nya lang tapos ito ang nangyare.

"I'm sorry if i made you worried." He said huskily, can we just kiss? Tumayo ako kaya naalarma sya.

"You can't, baby." Umiling ako bago tumabi sa kanya, ngumuso sya sa akin. Nangingiti na sya. Umirap ako sa kanya bago ko sya dahan dahang niyakap.

"So stubborn." Bulong nya sa akin tsaka ako hinalikan sa noo. I looked at him tsaka sya hinalikan sa labi, he looked so shock when i did it. Napahawak pa sya sa dibdib nya.

"Baby, you're giving me a heart attack!" Madiin nyang sabi kahit na alam kong nagustuhan nya naman iyong ginawa ko. He's so dramatic. "Ayaw mo ba?" I pouted, hinalikan nya ako bigla.

"That's the first time you kissed me." Nakakapag pigil nga akong halikan ka! Ikaw kase, kissing monster! Ngumiti ako sa kanya. Natutuwa talaga ang mga lalaki kapag ang mga babae iyong mga nag fe-first move, kaya naman ayaw kong nag fe-first move. Kung gusto nila ako, gagawa sila ng paraan. Hindi iyong nagustuhan nila ako dahil nauna akong nag move.

"I feel like i'm flying." Tumawa ako sa kakornihan nya. He's so corny, really. Natahimik kami saglit kaya napatingin ako sa kanya, mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Niyakap nya ako ng marahan.

"I'm so scared that i might lose you." Bulong nya sa akin. Napangiti na lang ako dahil pareho kami, takot akong mawala sya.

"You won't." Bulong ko din sa kanya. I will stay no matter what happened. Hindi ako basta basta sumusuko, hindi din ako basta basta nang iiwan. I will stay as long as you want me to. As long as you love me.

Chick Clique Series 01: Falling Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon