Kabanata 28

135 3 1
                                    

Days passed by, kakatapos lang ng finals ng second sem. Nauna akong natapos sa kanila, they're still taking the exam. I'm waiting for them dito sa labas, feeling ko ang dami kong mali dahil nauna akong natapos sa kanila. My phone vibrated, tinignan ko iyon. Wala naman ng ibang nagtetext sa akin kung hindi si pietro o mga kuya ko.

From: Pietro

Your exam is done?

Pagkatapos ng MBA nila, umalis sila nila kuya papuntang Paris para sa business trip. I already miss him. It's been almost three months since they left. Bakit kaya ang tagal, kapag sila mom kahit isang buwan lang yung business trip nila. Mahal ang load sa ibang bansa kaya nag online na lang ako tsaka nireplyan doon si pietro. Online naman sya.

AlessaLiFonti: i'm done. What are you doing?

Lumabas na din si priscilla, we're investing now in different hotels and in our parents business. Our plan to built a restaurant is slowly coming true, because of our investment. Nagpapatayo na kami, we pick a place near the school para madaming student na pumunta doon. I resigned last week, dahil naiinis ako sa pagmumukha ni camille. Ang plastik nya lang eh may gusto pala sya sa boyfriend ko.

Tumabi sa akin si priscilla at nagbuntong hininga.

"Tingin mo, madami kang makukuha?" I ask her. Sa aming pito, si lelia ang pinaka matalino sunod sya. Ako ata ang least.

"I'm confident that i will ace it because nag study ako ng three days." Sana all, hindi ako tinawagan ni pietro sa loob ng isang linggo, he wants me to focus on my study although nag a-update sya sa akin. Ang tagal nilang bumalik ni kuya lexius. I miss them, especially pietro. Nag aral naman ako ng mabuti at nag review, hindi lang ako confident.

"How about you?" Tanong nya sa akin, umiling ako sa kanya. Wala akong inspiration, noong prelim kase ang taas ng mga nakukuha kong exam kasi tinitignan ni pietro ang mga nakukuha ko.

"Makakapasa naman ako." Tumango sya sa akin. Sana lang kase ayaw ko ng may back subject tapos major pa. Ayaw kong mapagiwanan.

"We'll visit the site later." Umpisa ni bera pagkalabas nya bago umupos sa tabi namin. Sumandal sya sa balikat ko.

"Sumakit ulo ko, kailangan kong uminom ng coke." Ang hirap ng finance, sinong hindi sasakit ang ulo doon. Nanlulumo ang tingin ni taraka nang lumabas sya ng classroom. Padabog syang umupos sa tabi ni priscilla.

"Nakakainis, wala sa nireview ko iyong exam. Buti na lang may natira naman sa utak ko kahit papaano. Kailangan kong kumain ng marami para hindi panghinaan ng loob." Mahinang tumawa kami sa kanya, nakakapagod mag isip. Lumabas nang nakangiti si ariadne, si lelia at amberle na lang kulang.

"You didn't really study last week, no?" Turo nya kay taraka.

"Kunware nag review pero hindi, don't lie." Umirap si taraka sa kanya. Umiling na lang kami sa reaction ni taraka, hindi kami lumabas ng isang linggo para mag review tapos hindi sya mag rereview. Baliw din ang isang ito, sa kanya nang galing iyong idea na h'wag munang magplano na lumabas for us to study.

"Nadidistract ako ng cellphone eh." Pagdadahilan nya sa amin, ang strict pa naman ng prof, hindi ka talaga hahayaang maka kopya. Sabay na lumabas sila amberle at lelia, madramang pumunta sa amin si amberle with sabay arte na nagpupunas ng iyak.

"Buhatin nyo ako please, feeling ko wala ng laman ang utak ko. Refill, refill." Sumandal pa sya sa amin, itinulak sya ni taraka kaya tumawa kami.

"Gaga, ano pa ako 'diba? Ano na lang ilalagay ko sa utak mo?" Reklamo nya din, tumayo na kami.

"Let's eat first, please. Naubos ang lakas ko sa mga exam." Sumang ayon kami sa kanya dahil nanghihina kami pare-pareho. Tinignan ko kung nagchat ba si pietro sa IG.

PTrevisanZettecci: pauwi ka na or you'll visit your site? How's your exam?

Nag type ako ng irereply, i miss hearing his voice and seeing his face. Isang linggo din akong nagtiis.

AlessaLiFonti: we're gonna eat first and then we'll visit the site.

PTrevisanZettecci: Anong oras ka uuwi?

Hinila ako ni ariadne dahil muntik na akong mabundol nang nagmamadaling tao, that boy said sorry to me bago tumakbo uli.

"Girl, tignan ang dinadaanan. Mamaya na yan." Ibinulsa ko muna ang phone ko at naglakad papuntang parking lot. Sa saskyan ako ni ariadne sumasabay kase nadadaanan naman nya ang village namin. I have a car pero hassle i-drive. Si manong kase isinama nila mommy sa boracay. Kailangan sya doon sa hotel.

Sumakay na ako sa sasakyan ni ariadne, sumabay din sa amin si lelia. Nasa backseat sya, inilabas ko na iyong phone ko para mareplyan si pietro.

AlessaLiFonti: i don't know, yet. Can i call now?

I really really miss him pero ako lang ata ang naka miss, parang wala lang sa kanya na hindi kami mag usap. Nakakainis itong lalaking ito, nakakatampo din. Nag reply sya agad.

PTrevisanZettecci: i'm still busy baby, i will call if i'm not busy anymore. I promise.

Umirap na lang ako sa reply nya at nag out. I'm trying to understand him, kahit gabi busy sya? Ano bang trinatrabaho nila sa paris at ganoon na lamang sila ka-busy. Hindi ko din ma-contact si kuya lexius at kuya sandro.

"You okay?" Tanong sa akin ni ariadne habang nagdradrive, lumingon din sa akin si lelia. "Nevermind, you don't look like okay."

"Ang tamlay mo, alessa. Please try to cheer up. Or you want to go home now para makapag pahinga?" Parang hindi ako naniniwala sa sinasabi nya, si ariadne pa na ayaw nyang hindi kami buo na tignan kung ano nang nagagawa sa restaurant. Kung pagod ang isa, dapat pagod din ang lahat. Iyan lagi ang sinasabi nya.

"Pwede ba?" Tumango lang sya at tinawagan si taraka na mauna na sa restaurant dahil ihahatid nya muna ako sa bahay. Nagtaka pa ako dahil hindi man lang tumutol si taraka sa sinabi ni ariadne. Weird.


Chick Clique Series 01: Falling Again Where stories live. Discover now