Chapter 8: Dominik Samson

1K 60 6
                                    

Gray Alexie

Buong klase ay hindi ko maipokus ang aking atensyon sa tinatalakay ng guro, ramdam na ramdam ko ang matatalim na mga matang nakatitig sa akin mula sa likuran. Bakit kailangan pa nilang maupo sa likuran ko, samantalang napakalawak nitong silid-aralan namin.

Nararamdaman ko ang tensyong namumuo sa parte ng silid na kinaruruonan ko. Sinulyapan ko si Tyler na blanko ang mukha habang nagsusulat sa kaniyang textbook. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? Hindi ako sanay na ganyan ang mukha niya. Maaari kayang kilala niya sila Mikhail?

Sinulyapan ko ang isang upuan sa tabi ko. Hindi ako kumbinsidong basta-basta na lang siyang lumiban ng klase. Napansin ko rin na wala sila Justine, Kyle at kuya. Kaklase ko sila sa dalawang period sa umaga, Literature at Philosophy.

Naunahan ko pa sa paglabas ang aming guro nang marinig ko ang pagtunog ng bell. Tinungo ko na ang Dining Hall ng mag-isa. Nagmadali akong umorden ng dalawang set ng sandwich at dalawang canned Pepsi.

I was more then relieved when I didn't crossed path with Dominik and his friends. Wala akong balak makipag rambolan sa mga taong iyon. Not it my state right now!

May sariling isip ang aking mga paa na tinungo ang likurang bahagi ng campus. As always, you can't see students roaming around the vast garden. It's the best part of the campus to find tranquility, at least it is best for me. Pinili kong maupo sa damuhan at sumandal sa malaking puno. Sinulyapan ko ang malayong gubat. Naiiling lang ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko roon.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang sugat sa aking balikat. Of course, it just happened yesterday!

Inilabas ko ang dalang textbooks at notes. Pag-aaralan ko ang mga iyon habang kumakain. Tinatamad na din akong bumalik ng dorm at kumuha ng ibang aklat. Mag cu-cutting na lang ako. Sanay naman akong gawin iyon. Wala naman kaming espesyal na gagawin ngayon sa klase, maliban sa pag-review ng mga past lessons namin. Hindi naman ako tatanga-tanga pagdating sa klase, kaya kong pag-aralan ang mga leksyon ng mag-isa. Kahit papaano ay sumasang-ayon naman sa akin ang utak ko tuwing nag-aaral na ako. Puwera na lang kung matematika ang pag-uusapan.

Ilang sandali lang ay naubos ko na ang biniling sandwich. Binuksan ko ang isang pepsi at uminom do'n, bago ako magpatuloy sa aking pinag-aabalahan. Kahit anong aral na gawin ko ay hindi pa rin niyon mababago na lagi akong nababagot pagdating sa Philosophy. Makalipas ang ilang minuto ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa aking pagbabasa.

I can't imagine it could be this comfortable to sleep while sitting and leaning against a tree. At the same time, I have this eerie feeling that I'm not the only one in this place. No, something was really off.

I frowned and sniffed when I noticed something. It's a manly perfume. A manly... A man?!

Mabilis kong naimulat ang aking mga mata. Napapitlag ako nang makita ang lalaking na sa tabi ko. I was leaning over his shoulder.

"What the heck?!" gulat na sigaw ko nang makita si Dominik. He was comfortably sitting on the glassy ground while reading my textbook, a can of Pepsi on his other hand. It's my Pepsi!

"Shush! Too noisy Snow White." wika ng pangahas at inilagay ang kaniyang hintuturo sa sariling mga labi, hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin. Pinukol ko siya ng masamang tingin.

"What the fvck are you doing here?" Mahinahon ngunit bulgar na sabi ko. Matiim akong tumitig sa nakayukong mukha ng lalaki. His dirty-blonde hair complemented his chiseled face and it never failed to allure many women.

"Have you fallen already?" wika niya at nag-angat ng tingin sa akin.

"I'm serious, here."

"So am I," he gravely said and mirrored the intensity of my gaze. He broke into a laughter when I remained silent. "Don't give me that look, Vantress," diin niya na ikinatiim ng bagang ko. "What do you mean by doing here? I just wanted to study and... roam around," he shrugged and got up. Pansin ko na maingat siya sa mga sinasabi. Ngayon ay suot niya na naman ang nakakasilaw na ngiti sa kaniyang labi. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay roon ang pinakialamang aklat.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon