Chapter 1: Philippines

1.7K 69 5
                                    

Nandito kami ngayon ng kaibigan ko sa isang mall. Kanina pa kami naglilibot pero parang kulang pa talaga yung mga nabili ni Kayne.

Ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa pag uwi ko sa Pilipinas. Naisip niya na paano ko raw magagaya ang NERD na yon kong papasok ako ng school ng ganoon yung itsura ko.

May point naman siya. Pero hindi ko pa rin matanggap na naghahanap na kami ngayon ng mga damit na pang lushang. Hindi ko alam kong paano ni daddy pinagawa ang pekeng ID na yun, kasi alam ko namang ako yun, hindi ko lang maisip na ganoon ang mukha ko pag naging lushang na ako. Walang suklay na buhok as in magulo, walang mantsa ng make up yung mukha habang nakasuot ng makapal na salamin, and on top of that nakasuot ng mahahabang damit. Psh!

Ganun ba yun? Parang ayaw ko nalang umuwi ng Pilipinas nito eh. Pero gusto ko na talagang umuwi. Bigla akong napapadyak dahil sa pagkabigo.

"Hoy, problema mo." Napatingin ako kay Kayne dahil sa bulong niya. Doon ko lang napagtanto na nasa loob na pala kami ng isang fast-food restaurant at nakatuon na ang mga mata ng iba sa akin. Sarap dukotin ng mga mata nila. Amp!

"Kain muna tayo, gutom na ko Gray." Nakangusong sabi ni Kayne kaya tumango na lamang ako. Nag abala pa siyang mag paalam, nandito na naman kami sa loob ng kainan. Hindi ko rin alam kong paano ako nakarating rito habang lutang.

"You are always like that." She chuckled.

Napangiwi ako nang biglang sumagot si Kayne. Hindi ko namamalayan na nasasabi ko na pala yung mga iniisip ko. Tinanaw ko si Kayne na patungo na sa harap ng counter. Naghanap na lang ako ng puwesto namin.

Kanina pa kami dito sa mall pero si Kayne lang naman talaga yung may ganang mamili. Ipinapakita niya lang sa akin yung mga napili niya, pero siyempre hindi ako papayag na lushang akong tingnan sa mga kasuotang iyon. Mahirap na baka sakaling makilala ako ni kuya, kutyain niya pa ako.

Simple lang naman yung mga napili niya. Mga rugged jeans na napaka imposibling mahanap sa mga sulok ng mall na to, mga long sleeve shirts at kung ano anong checkered na jacket. Hindi ko alam kung paniniwalaan nila yung antas ng buhay ko sa na sabing paaralan. Mga branded pa naman yung pinamili ni Kayne, alangan namang mag hanap kami ng devesorya rito sa New York.

Ayon kay Daddy, hindi daw nag uuniform sa school na yun. Sa bagay, paano nila ma ipagmamayabang yung mga mamahaling damit nila kong uniform lang din naman yung ipasusuot sa kanila. Alam ko na kailangan mong mag labas ng malaking halaga bago ka makapasok sa unibersidad na iyon. Liban na lang kong may roon kang utak para makapasa sa exam at maging eskolar ka roon. Pagkain na lang yung babayaran mo sa loob ng campus.

Ginawan na iyon ng paraan ni Daddy. Na sa lista na ako ng magtitake ng exam. Ang kailangan ko nalang gawin ay balikan yung mga pinag aralan ko na gusto ko nang makaimutan.

Muli kong naisio yung mga susuotin ko. Wala naman sigurong naghahanap ng mga ganong damit sa Dior no? Hindi ko rin alam kong bakit nagbibinta pa ng mga ganoon yung kompanya, malulogi lang sila. Aish, ewan!

"Where are we heading next, after eating?" Salubong ni Kayne sa akin, may dala na itong table card para sa pagkain namin.

"Siguro sa Optical Shop nalang. Kailangan ko pang bumili ng salamin." Sagot ko.

"Oo nga no? Dapat makakapal yung salamin mo, para mas lalong kapani-paniwala." Suhestiyon niya at napapatango tango pa sa sariling sinabi. "Ah, mag brace ka na rin!" Dagdag niya na naging dahilan ng pagsama ng templa ng mukha ko.

What the hell?

Kapani paniwala?Parang dito ka lang sa Amerika makakakita ng nerd na may braces. Paano pa sila maniniwala, eskolar daw ako sa paaralang iyon tapos na afford ko pang magpalagay ng braces, ganon? Tapos ayaw ko na rin balikan yung mga araw na may braces ako, nakakairita sa tuwing kumakain ako.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon