Chapter 12: The Date

950 59 11
                                    

Gray Alexie

The next morning, I was awoken by loud noises coming out of nowhere. Nakapikit pa ang aking mga mata nang sinubukan kong igalaw ang aking katawan ngunit sumakit lang iyon dahil sa hindi komportableng posisyon ng pagtulog ko. Nag-inat ako at nadama ang matigas na sahig sa ibaba. Natigilan ako nang may masagi na isang bagay.

I frowned out of confusion. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at agad din na pinigil ang aking sarili na mapasinghap nang nabungaran ko ang nakaupong si Dark. Siya ay natutulog habang nakaupo at ang aking nabangga kanina ay ang kaniyang matipunong katawan.

Mula sa aking kinahihigaan ay kitang-kita ko ang magandang anggulo ng kaniyang mukha. Nadipina ang kaniyang matangos na ilong dahil bahagyang nakaangat ang kaniyang mukha. Ang kaniyang perpektong panga ay umiigting. Hindi ko batid kong nakagawian niya na iyon o masama pa rin ang ugali niya hanggang sa pagtulog.

Wait a second... I was lying in his lap. My cheeks burned.

Napabaling ako sa kung saan nang muling marinig ang mga munting kaluskos.

"Mrs. Vasquez..."

"We're really sorry, Madam. Hinahanap na po sila ng mga awtoridad."

Mabilis akong napabangon nang marinig ang mga iyon mula sa labas ng gym. Napabaling ako sa aking katawan nang mapansin ko ang tuwalyang nakatungtong roon. Natigilan ako nang matantong wala pa iyon sa akin kagabi. Iyon siguro ang dahilan kung kaya hindi man lang ako nakaramdam ng lamig dahil sa bagay na ito. Bumaling ang aking mga mata kay Dark, tulog pa rin siya hanggang ngayon. Natulala ako sa maaliwalas niyang mukha, tumatabing sa kaniyang noo ang iilang hibla ng buhok. Bahagyang nakatabingi ang kaniyang mukha sa gilid at alam kong kakulangan iyon sa ginhawa.

Umangat ang aking kamay at kusa iyong lumapat sa kaniyang mukha upang iyon ay alalayan, nang hindi ko namamalayan. Napakurap-kurap ako nang mapagtanto ang ginawa, ngunit huli na ako para bawiin pa ang aking kamay nang makita kong magmulat si Dark. Natutop ko ang aking mga labi nang kumunot ang kaniyang noo, nagtataka sa aking paglapit.

"Ay-Uhm." I tried to explain yet, I couldn't manage to say a single word. "Good morning," wala sa sariling bulong ko. Gusto kong sapakin ang aking sarili.

Uminit ang magkabilang pisngi ko nang hindi umimik si Dark at nanatili lang na nakatitig sa akin. Hindi mababakas ang isang ekspresyon rito gayong blanko lamang iyon. Mabilis pa sa alas otso nang tumayo ako at nag-iwas ng tingin. This is so embarrassing!

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, nais kong magpasalamat sa hindi malamang dahilan but at the same time, nahihiya ako sa aking ginawa ngayon lang. Ano ba ang pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon? This self-conceited devil might be thinking the other way around.

Natuon ang aking tingin sa sulok ng gym nang pabagsak na bumukas ang pintuan nito at iniluwal nito ang imahe ng nag-aalalang mukha ng isang may katandaan ngunit sopistikadang babae. Kapansin-pansin ang mamahaling kasuotan nito. Kasama niya ang ilang... security officers? Nakasunod ang mga ito sa likuran ng babae at tila hindi malaman ang gagawin. Bakas ang pinaghalong kaba at takot sa mukha ng mga ito.

Tumuon ang tingin ng babae sa direksyon ng kinaroroonan ko. Nakita ko ang pagtayo ni Dark sa kaniyang kinauupuan dahilan para mabaling sa kaniya ang mga mata nito.

"Anak!" punong-puno ng pag-aalala ang boses ng ginang. Anak? Sumunod ang aking mga mata kay Dark nang lumapit siya rito.

"Mom? Why are you here?" Tila nagtataka si Dark sa ipinunta ng babae roon. Ito pala ang mama niya.

"Silly you, pinag-alala mo kami ng papa mo nang malaman naming hindi mo kasama sila Lexus. You weren't even everywhere. Hindi ka man lang nagsabi na nandito ka lang pala," wika ng matanda at kinurot ang pisngi ni Dark dahilan ng kaniyang pag-apila.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon