Prologue 0: Gray Vantress

3.1K 94 4
                                    

- G R A Y -

"You haven't seen your brother in such a long time."

Nagulat ako sa paunang sinabi ng ama. Bilang lang ng aking mga daliri kung magkuwento si Dad tungkol kay kuya dahil sa isang dahilan. Narito ako ngayon sa kaniyang opisina sa loob ng bahay dahil may ipapaalam daw itong mahalaga sa akin. At tama, natagaltagal na rin simula nang makita ko si kuya anim na taon na siguro ang nakalilipas.

Tanda ko pa ang mga pangyayari na naging dahilan ng pag-alis namin sa Pilipinas.

It was still very vivid in my mind, like it had happened yesterday. Those things were slowly dawning on me and little by little, guilt was eating me up. I was with her... I was with mom when that accident happened. It's all my fault. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mabigyan ng hustisya ang pagkawala niya. Ni wala akong lakas ng loob na mag testigo.

Maging ang sariling ama ay hindi iyon matanggap, hindi siya naniniwalang aksidente lamang ang lahat ng iyon. Lumalago pa lamang ang kompanya namin sa panahong iyon at madami kaming mga kakompitisya sa negosyo. Simula noong araw na iyon ay sinanay kami ni Daddy sa pakikipag laban at pinapasok sa isang class para maipagtanggol namin ang sarili at hindi na maulit pa ang pangyayaring iyon.

Natigil ako sa aking pagbabalik tanaw ng muling mag salita ang ama.

"I've decided, you will go back to the Philippines and soon continue your stu-"

"Woah! Talaga po?!" Sa aking pagkagulat ay hindi ko na napatapos si daddy sa pagsasalita. Napatayo ako sa aking kinauupuan. Hindi ko itatangging na-miss ko na bayang tinubuan, miss na miss ko na rin si kuya. Di man lang siya nakadalaw rito sa mga nag daang taon. Kahit na sa gano'ng dahilan nagtapos ang pamumuhay namin sa Pilipinas ay hindi ko pa rin maikakailang hinahanap hanap ko pa rin ang lahat sa bansang iyon. Panandaliang nawala ang kagalakan ko nang muling magsalita ang aking ama.

"...You'll watch after your brother," dagdag niya na naging dahilan ng pagkakatigil ko. What about my brother?

Namayani ang saglit na katahimikan habang ako ay kunot na ang noong nakatingin sa ama. "Huh? Sa ano pong dahilan?" nagugulohang tanong ko. Ano bang ginagawa ni kuya doon at kailangan ko pa siyang bantayan? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa plano ng ama.

"He's never done great in his studies," sa kabila ng mahigpit na ekspresyon ay hindi nakatakas sa akin ang pagdaan ng kalungkotan sa mga mata niya.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa ama. Hindi ko na alam ang mga pinag sasabi niya. Si Kuya? Nagluluko? Parang iniisip ko pa lang ang itsura ng nakatatandang kapatid habang nakikipag basag ulo ay naaawa na ako. Ang payat payat nga no'n tapos makikipag suntokan pa? At tapos... Tapos may mga babae si kuya?!

Just what the hell?

But anyway, what matters now is I'm going to continue my studies in the Philippines. How easy for us to throughly talk about it.

"In one condition," natuon ang buong atensyon ko sa ama nang sabihin niya iyon. May kinuha ito sa drawer at inilapag iyon sa harapan ko.

What is this all about? Tiningnan ko ang ama ngunit tumango lamang siya sa akin. Kumunot ang aking noo at inalam ang laman ng envelope. Inilabas ko roon ang isang nakatuping dokyumento. Mas lalong nag salubong ang aking mga kilay nang mabasa ang pangalang nakasulat roon.

STUDENT ID

Name: Gray Vantress

Age: 18 years old

Grade Level: XII

Bigla akong napipilan nang makita ang ID na nakapaloob sa nakatoping papel. What is this all about? Bakit kailangan ko pa ng mga ito. At huwag niyang sabihing gagayahin ko ang itsura ng babaing ito?

Ng isang... nerd?

And why do we looked alike?!

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon