Chapter 4: A Night With The Devil

1K 73 6
                                    

Bumalot ang nakabibinging katahimikan sa loob ng silid matapos ang pagtunog ng kampana. Hindi ako nakaimik at nabato na lamang sa kinatatayuan, tahimik na sinisisi ang sarili sa pagpunta roon.

Why did I even think of coming here when I could just take it back from him tomorrow?

"Nerd, ang mabuti pa diyan ka na lang matulog."

Parang umigting ang magkabilang tenga ko nang marinig ang sinabi ni kuya na pinadidiinan pa na kailangan kong tumabi kay Dark. Bumaling ang tingin ko kay Dark nang magsalita ito.

"Yeah, you will sleep beside him." Pagdidiin naman ni Dark at itinuro ang direksyon ng kama ni kuya.

Napatigalgal ako nang makita ang pagkukunwaring tulog ni kuya at ngayon ay malakas nang humihilik. Sinakop pa nito ang buong kama, sinisiguradong walang matitirang espasyo para sa akin.

Kahit kailan ang sama talaga ng kapatid kong 'to.

Binalingan ko ang kama ni Dark at nagsimulang maglakad palapit roon. Tinanggal ko ang suot na salamin at inilapag iyon sa gilid ng nightstand bago pabagsak na mahiga sa kama. Tinanaw ko si Dark na nakamasid lang sa mga galaw ko.

"What are you doing? That's my bed! You'll sleep on the couch," kunot noong sabi ni Dark.

"Hindi, you sleep on the couch and I'll sleep here. Ikaw naman yung kumuha sa cellphone ko, so we're even." I reasoned out.

"Do you know what you're talking-"

"Good night!" Agad ko nang pinutol ang mga sasabihin nito at nagtalokbong na ng kumot.

Makalipas ang ilang segundong katahimikan ay ipikit ko na ang mga mata nang hindi na ito umimik. Nagsalubong ang mga kilay ko nang maramdaman ang paglalim ng kama. Napamulat ako at tumingin roon, ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang katabi ko na si Dark.

"What are you doing?" Hindi makapaniwalang sabi ko kahit alam na alam ko nang gusto na nitong matulog at lingid din sa kaalaman ko ang malaking espasyo sa pagitan naming dalawa.

"Bakit? Wala na ba akong karapatang humiga sa kama ko? And it's uncomfortable to sleep in a couch," his voice trailed off.

Bahagya akong nagulat dahil sa pagsasalita niya ng tagalog. It was slightly accented.

"Huh! Alam mo palang mag-isip," nakaismid na bulong ko. Hindi ko alam kong bakit naiinis ako habang nakatitig sa mukha niya, siguro ay dahil sa tuwing nakapikit siya ay nagmumukha talaga siyang mabait na demonyo.

"What did you say?" Dumilat ito at ang sama na naman ng tingin niya sa akin.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Wala! Sabi ko ang ganda ko!"

"Sabi mo eh."

Nakita ko ang pinipigilang mga ngiti sa labi niya pero agad niya iyong pinagtakpan. Kumunot ang noo ko at tumalikod nalang sa kaniya at nagtalukbong na ng kumot. Wala nang balak makipag lukohan sa lalaki.

Morning came and I was still in deep sleep when I felt a heavy weight hovering me. Slowly, I opened my eyes and came face to face to a god forsaken manhood. I stared at the guy above me, still processing what was going on.

I blinked when his name crossed my mind. Dark, right? The guy who snatched my... Holy hell!

"Ah!"

Sa gulat ay inalis ko ang mga kamay na mismong nakayakap sa kaniya at malakas na itinulak ang lalaki dahilan ng pagkalaglag niya sa sahig. Napangiwi ako nang marinig ang malakas na pagkalampag sa sahig. Ouch, I think I push him a lil' hard.

"Ouch! What the heck is wrong with you?"

Natutop ko ang mga labi nang mahalina sa kaniyang pang-umagang tinig. What the hell, Gray? Mabilis akong umiling at tinuro si Dark na kasalukuyang tumatayo sa sariling mga paa.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon