Chapter 32: Confession

859 40 5
                                    

"Jesus..." mahinang sambit ko at tila nabunotan ng tinik nang makilala ito.

"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito? How did you get in?" Sunod-sunod na tanong ko kay Dark na komportambleng nakahilig sa hamba ng pinto habang naka-cross ang mga braso. Unang pumasok sa isip ko ay ang mga babaeng makakakita sa pagpasok ni Dark sa ground floor kung sa lounge siya dumaan. Tiyak na mag-iingay na naman ang buong VU pagkumalat ang isang issue tungkol dito.

Sa halip na sagutin ako ni Dark ay bumaba ang tingin niya sa aking balikat. Nagtagis ang mga bagang ko dahil muli na naman kasing nadulas sa aking balikat ang suot kong robe. Fucking robe!

Mabilis kong inayos ang gawa sa silk na robe. Bumalik din sa akin ang atensyon ni Dark.

Ipinakita nito sa akin ang isang maliit na bagay. "I picked the lock," tanging sagot nito sa lahat ng tanong ko at umayos sa pagkakatayo.

"Gray, what's going on? Is everything okay?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Ethan na natigilan rin nang mapansin ang pagkagulat ko.

Hindi ko siya pinansin at itinuon lang ang aking tingin sa aking kaharap.

Bumalik na naman sa akin ang ginawa nila ni Nadette na nagpa-init ng ulo ko. "Tinatanong kita kung anong ginagawa mo rito! Aren't you supposed to be with that girl? So, why go here? Bumalik ka don sa asawa mo!" Sigaw ko na tiyak na maririnig na ng katabi naming silid.

Doon ko lang napagtanto kung ano ang mga binitawan kong salita nang umangat ang dulo ng mga labi ni Dark.

"Asawa?" Hindi makapaniwalang sambit nito at bahagyang ipinilig ang mukha sa gilid, pinagmamasdan ako.

I gritted my teeth. "Get out. You're not welcome here," anas ko para itago ang pagkapahiya. Pero siyempre, hindi na ako umasang makikinig sa akin si Dark. Sa halip ay mas lumapad pa ang ngisi nito. At ang gago ay nanatili nga sa kinatatayuan niya.

"Leave me the fuck alone! You peace of..." pumiyok ang boses ko at kumawala ang isang hikbi mula roon. Dahil na rin siguro sa naghahalo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na iyon ay sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko.

Nakita ko ang agarang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Dark. Ang kanina lang na nakangisi nitong mukha ay biglang nagdilim. Sa haba ng kaniyang mga biyas ay inilang hakbang niya lang pagitan namin at sa isang kisap mata ay na sa harapan ko na siya. Napatungo ako nang makita ang nag-aalab niyang mga mata.

"I'm mad. You never curse at me like that," he whispered. Pinahid niya ang mga luha sa aking mga pisngi at inangat ang aking baba para hulihin ang mga mata ko. He's face softens when our eyes met, and before I could even think about pushing him away. Naramdaman ko nalang ang pagtatagpo ng aming mga labi. Bigla akong naestatwa, namimilog ang mga mata. Amoy na amoy ko ang naghahalong alak at mint sa hininga niya.

"Holy... crap-" Boses na nagmumula sa laptop na agad na natigil nang isara iyon ni Dark.

Ethan wasn't anything that I could think of at that moment, but Dark's lips on mine. It was soft unto mine. He's kissing me softly, passionately and I am frozen in place.

Nanghihina na ang mga tuhod ko habang nakatayo lang doon. Hindi ko alam ang gagawin ko, but I felt like closing my eyes. I don't even know how to kiss-what the...

Bago ko pa maipikit ang aking mga mata at ipulupot sa leeg ni Dark ang mga braso para suporyahan ang sarili ay pumasok sa aking isipan ang imahe ni Dark at Nadette na naghahalikan.

Bumalik ako sa katinuan at bahagyang naitulak si Dark, dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabuti nalang at mabilis niyang na hawakan ang beywang ko at hinila ako palapit sa kaniya. Not so good.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon