Chapter 29: The Party

667 41 5
                                    

“I need a minute,” kalmado ang tono na wika niya. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago muling magpatuloy sa paglalakad. “Let’s talk.”

Napalunok ako at nagsimulang mag-isip ng ginawang bagay na maaring nakapagpasama ng loob niya at kailangan namin ng minuto para pag-usapan iyon. Just by thinking about it–even my mere presence annoys him…

Narating namin ang may ilang talampakang taas na marbled wall na naghihiwalay sa hardin at open space ng backyard. It means ang layo ng nalakad namin bago ko napansing siya ang humihila sa akin. Very well, Gray!

Nagpalinga-linga ako sa ganda ng paligid. String lights are everywhere.

Binalik ko ang atensyon sa kasama nang tumigil ito, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakaramdam ako ng pagkailang. Pasimple kong binawi ang aking braso sa pagkakahawak ni Dark at kunwari’y ginamit iyon sa pagpag-pag ng dress ko.

“What is it that we’re supposed to talk to, birthday guy?” my voice came out very calm and casual I doubted it was myself. Woah, I wanted to reward myself right now.

“I just wanted to thank you for sending me home last night, but… you suddenly ran away from me last time.”

I slowly nodded when realization hits me. That night. That only means, “You don’t remember…” naibulong ko ang huli.

“Hmm?” he hummed.

“Nothing,” I whispered and starts to laugh hysterically. Gosh, I was worried for nothing.

“What? Have I done something weird?” he cocked his head to the side while staring down at me. Mataman siyang tumitig sa akin nang mabilis akong umiling. “You know what? You look… gorgeous. I didn't mean what I said earlier. I mean, your dress annoys me. How could you wear something so revealing it could barely cover your…” napahimas ito sa kaniyang sentido matapos ang walang tigil na pagsasalita.

“Ha?” ang tanging naisambit ko. Tila ayaw pang pomroseso ng mga salita sa akin dahil sa bilis niyon.

He chuckled, “You’re cute.”

Irap lang ang natanggap niyang tugon mula sa akin. “You seem to have every minute in the world, Vasquez. Tara na at mukhang ikaw nalang ang hinihintay ng lahat.” Lalagpasan ko na sana siya nang bigla niyang hawakan ang beywang ko at hinila ako pabalik sa kinatatayuan ko. Aba! Sumusobra na ang lalaking ‘to. Hindi ako pumunta rito para magpahila. “Ano ba—abgshftwkh!” my frustrations came out muffled when he covered my mouth.

“Shsh! Someone’s coming…” he hushed me why looking back at the garden. Wala na ang munting ngiti sa mga labi niya.

Kunot noo kong tiningnan ang tinitingnan niya. Ano ba ang pinagtataguan niya at hindi niya napapansing napakalapit na namin sa isa’t-isa? And his arm… it was almost hugging me. Amoy na amoy ko na rin ang ginagamit niyang perfume. Kinakaposako ng hininga sa katiting na pagitan ng mga katawan namin. My jaw clench at his effects on me. Galit ako… sa sarili ko. How am I feeling all these weird things and this guy just—! Argh, bato ba siya at mukhang wala siyang pakiramdam?!

Galit kong inalis ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko.

“Sino ba iyan at kailangan pa nating magtago?” inis na tanong ko.

“My dad. He’s coming.”

Pansamantala akong hindi nakaimik. Hindi ko pa nakikilala ang papa niya pero hindi iyon sapat para magtago ako sa kaniya. I'm just his son's mere classmate. “So what?” taas kilay ko ng makabawi.

Sinalubong ni Dark ang mga mata ko. “I need you to shut that pretty mouth of yours just this once.” Mariing sabi niya at napahugot ng malalim na hininga, nangungusap ang mga mata.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon