Chapter 5: The Friend

1K 63 4
                                    

LUMIPAS ng napaka bilis ang oras at isang buwan na ang lumipas, tahimik naman ang pag-aaral ko sa unibersidad na iyon. Wala nang nangangahas na mambully sa akin, alam na nila ang gagawin ko pag ginawa nila iyon. Wala na akong nababalitaang hindi kaaya-aya kay kuya maliban sa pambababae.

It's Tuesday afternoon and I'm taking a walk in the vast ground of the university's backyard. Walang klase halos lahat ng mga nasa antas ng high school sa huling tatlong period sa mga oras na iyon kaya nakikita ko ang mga nagkalat na estudyante sa bawat parte ng campus.

Pinatawag lahat ng guro sa auditorium para sa gaganaping meeting sa nalalapit na JS prom. Yeah, the weird thing about this school is that they held their prom night, months after starting the school year and lower grades are unexceptional. Their reason is that, to give us students the chance to develop our social skills and be mutual to our schoolmates.

I can't make myself enjoy the few hours break, I don't have anyone with me, to talk to and Kayne is doing a project at the library.

Sa paglalakad ng walang patutungohan ay papadpad ako sa isang malawak na hardin na may maraming mga bulaklak at bench na nakalakip sa bawat punong naroroon. Natuon ang aking tingin sa dulo ng hardin, masukal na gubat ang bahaging iyon ng unibersidad at tanging bakal na bakod lamang ang naghihiwalay roon sa campus.

Bahagi pa nga ba iyon ng unibersidad? At bakit hindi iyon sementado? Hindi naman nila gugustohin ang mga estudyanteng mag-cutting at doon dumaan.

Kumunot ang aking noo nang may mahagip na tao mula roon. A woman? Ngayon ko lang siya napansin dahil sa lalim ng aking mga iniisip. Nakasandal siya sa hamba ng gate... dahil bukas iyon. Bigla na lamang siyang tumakbo nang mapansin ang mga titig ko.

"H-Hey! Stop!" sigaw ko. Natagpuan ko na lamang ang sariling mga paa na patungo sa kagubatang pinasukan ng babae.

Naglilikha ng kakaibang tunog ang aking mga yapak dahil sa naaapakang tuyong mga dahon. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo, sumuko ako nang mawala sa aking mga mata ang babae.

My heart was thumping really hard because of the long ran. I stilled when I found myself in the middle of the dense forrest.

I gulped. Napakalayo pala ng itinakbo ko para sa babaeng iyon?

Tumingin ako sa langit, mag aalas senko pa lamang ay tila dumidilim na sa lugar na iyon dahil sa mga nagtatayugang mga puno.

Niyakap ko ang sarili nang umihip ang malakas na hangin. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil doon.

"Gray, get yourself together. You can't be afraid right now, when you brazenly chase that lady earlier," bulong ko sa sarili bago tumalikod at muling maglakad sa daang patutungo pabalik ng campus.

Humuhugot ako ng malalim na hininga habang naglalakad nang maramdaman ko ang kung sinong sumusunod sa akin. Napaparanoid na yata ako.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lamang akong tumigil sa paglalakad.

A branch of tree suddenly creek out of nowhere.

Oh my God.

Sinubukan kong muling maglakad ngunit ilang yapak pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ko ang kung sinong humawak sa balikat ko.

Dahil sa gulat ay malakas ko siyang tinuhod dahilan para mapa-igik siya sa sakit.

"Ouch, fvck! Ang lahi ko pa ang pinonterya mo!" Nabitawan niya ako dahil sa kirot na nararamdaman.

My brows furrowed. Hinarap ko ang lalaki at nagulat nang makitang si kuya iyon.

"Lexus?" Komperma ko at hindi pa rin maka paniwalang siya lang pala iyon. Akala ko ay ibang tao na iyon. "Anong ginagawa mo rito?" Nagugulohang tanong ko nang hindi niya sagotin ang unang tanong.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon