Chapter 3: Gatecrashed

1.1K 73 7
                                    

A/N: Parts of this chapter are based on one of my favorite scenes from stories I read here in Wattpad.

___________________________________________________________________________

KASAMA ko ngayon si Kayne habang naglalakad patungo sa detention room. Medyo malayo iyon ayon sa nalalaman ako, na sa pinakadulo daw 'yon sa unang palapag ng Main hall sabi ng napagtanongan ko. Nakapagbihis na ako bago pa man makapunta rito.

Malapit na akong makarating sa pintuan ng detention nang doon ko lang mapansin na wala na pala sa tabi ko si Kayne. My brows furrowed, I looked back and almost rolled my eyes when I saw her still walking in the Hall's entrance. Nakalimutan ko na ang kupad kupad pala ng babaing iyon at hindi na ako magugulat kong bakit ang tagal niyang makarating dito.

Hindi ko alam kong saan saan na namang mundo lumipad yung isip niya. Nakita ko pa ang pagngiti ng kumag, dahilan ng pag-iling ko. Minsan kinikilabutan talaga ako rito sa kaibigang kong 'to.

Hindi ko na lang ito pinansin at nauna nang pumasok sa loob ng silid. Maaga yung dismissal namin dahil profiling lang naman yung first day of class. Tumingin ako sa suot na relo at nakitang alas quatro pa lang ng hapon.

Inayos ko ang bagong suot na salamin bago dahan dahang pihitin pabukas ang door knob. Walang nagbabantay sa entrance ng detention.

I don't know why.

Pagpasok ko ay agad na sumalobong sakin ang tahimik na detention at inakala ko na wala pang tao roon ngunit paglibot ko roon gamit ang mga mata ay agad kong na hagip sa isang sulok si Sungit, kasama niya ngayon yung dalawang lalaki. As always, he was sleeping. Minsan napapaisip ako kong anong ginagawa niya tuwing gabi. Ang lakas pa ng loob niyang matulog sa loob ng klase. Hindi ko lang alam bakit walang sumisita sa kaniya.

Muli akong napabaling sa paligid. Ang creepy naman dito. May theme pa yata yung detention nila, itim lahat ng makikita mo roon maliban do'n sa kulay abong board.

Hindi nakakatuwa yung detention nila, mas gugustohin ko pang magpabalik balik sa detention ng dating pinapasukan kong school para matulog. Pero dito... Naramdaman ko ang pagtatayuan ng mga balahibo. Napailing na lang ako sa nga naiisip. Basta ayuko na madetain.

Napabaling ako sa lalaking nagkakalikot lang ng cellphone kanina nang bigla siya magsalita.

"That was awesome of you earlier," sabi niya dahilan ng pananahimik ko. Hindi ako sumagot at nanatili lang nakatitig sa nakangisi nitong mukha.

I did? Naiinis pa rin ako sa tuwing naiisip ko ang nangyari kanina

"Justine nga pala," pagpapakilala niya nang hindi ako sumagot, ngayon ay ngumiti na ito. Mukhang mabait naman siya.

"It's Gray," tipid na sabi ko. Bahagya akong ngumiti at naglayo na ng tingin, wala nang balak makipag-usap nino man.

Napabaling kami sa bumukas na pinto. Pumasok mula roon si Kayne.

"Niyare dyan sa mukha mo?" Bulong niya at hinablot ang isang silya palapit sa puwesto ko bago umupo roon.

"Wala. Tumahimik ka nalang dyan ang ingay mo," sabi ko.

Nakita ko ang pagnguso nito ngunit hindi na umimik. Bumaling siya sa mga lalaki nang mapansin na naroon na pala sila.

"Hi there! Kayne pala. Ano pong name niyo?" Pagkikipag usap niya sa mga ito.

"Hello, It's Tyler, this is Dark and Justine." Yung naka headphone yung sumagot nagcecellphone na naman kasi yung Justine. Tumango lang si Kayne kasabay niyon ang pagdating nila Kuya kasama yung isang lalaki at yung binalibag ko kanina.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon