Chapter 13: His Metallic Gray Ones

955 58 7
                                    

Nagsimula ang klase at agad naming sinimulan ang natitirang subject sa exam namin hanggang sa matapos ang morning period at dumating ang lunch break.

Hindi ko alam kung bakit nababad-trip ako. Sa hindi malamang dahilan ay nawawala ako sa mood habang sinasagutan ang test paper ng exam. Hindi ko malaman kung iyon ba ay dahil sa lagpas na sa oras ng lunch break pero dinagdagan pa yung exams namin o dahil ba iyon sa dalawang tao sa gilid ko.

Kanina pa sila ganiyan at hindi ko magawang mag-concentrate sa sinasagutan ko. Ah, malandi din pala itong si Dark. Akala ko ba may phobia siya sa babae?

I can’t take it any longer. They’re getting on my nerves!

Matapos kong sagutin ang huling katanungan ay tumayo ako at padabog kong nilapag ang ball pen ko. “Just fvcking get a room!” sigaw ko dahilan para lingonin ako ng lahat. Sa lakas no’n ay nagising pa si Mrs. Dela Torre na nakatulogan ang pagbabantay sa amin.

“What is the problem, Ms. Vantress?”

I grimaced when her pointed look turned to me.

Afternoon came like a whirlwind. Katatapos lang naming sumagot ng sandamakmak na questioner at sa wakas ay tapos na namin ang lahat ng natitirang subjects sa araw na iyon. Kailangan na lang naming makinig sa gaganaping meeting.

We’re still waiting for our adviser before the meeting would start, may ginagawa pa ito sa laptop nito.

“Okay. Attention class, eyes on here,” pag-agaw ng aming guro sa atensyon ng mga estudyante sa klaseng iyon. Itinutok ko na ang aking atensyon sa kaniya nang muli siyang magsalita.

“Listen class, there are changes to our upcoming events for the following days. According to our school’s Headmistress Mrs. Vasquez and we’re supposed to held this meeting in the Auditorium but she had an urgent meeting to attend. That is why we’re having this meeting and you’re here to attend so I’m asking for your attention. As for being the top outstanding class in high school, you are responsible for taking parts in the event. So you are the ones who’s in charge of performing for the Prom’s Introduction, which is a Viennese Waltz dance. For the girls you have to wear a white ball gown, and a tuxedo for the boys. Nakadepende sa inyo kung magpapalit pa kayo pagkatapos ng performance.”

What? Did I heard it wrong? Sasayaw kami ng Waltz, and it’s a Viennese one? No way! What in the effing hell is that? Ah, we’re in a modern world.

Kaya pala naiiba talaga ang eskuwelahang ito sa lahat dahil ang daming eme-emeng nalalaman ng faculties.

Naririnig ko ang iba’t-ibang reaksyon at pagprotesta sa loob ng klase, subalit nagpatuloy si Mrs. Salas.

“May pagbabago sa naitakdang schedule ng inyong Prom Night. It was moved in September 13, Friday night and will start at exactly 6:00 o’clock in the evening in UV High School’s Function Hall. So it will be next week at the end of the School Festival. The School Festival’s winners and prizes would also be announced during the party. So please be there, students.” Mahabang anunsyo ng guro.

Sumang-ayon ang aking mga kaklase at tila nasasabik na din sa gabing iyon. Nagsisimula ng mag-ingay ang lahat at tila may kaniya-kaniya ng plano para sa gabing iyon.

“Quiet please! I’m not done yet. Let me remind you about your partners, for this Introduction. Remember you’ll be performing a Viennese Waltz at kailangan niyong mag-ensayo kaya ang natitirang araw niyo sa linggong ito ay igugugol niyo sa pag-eensayo.”

“Okay, listen carefully. I’ll only state in once,” malakas na sambit ng guro. She began mentioning each pair. “Mr. Adivino and Ms. Acosta, Mr. Bautista and Ms. Arellano, Mr. Buenaventura and Ms. Carreon…”

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon