Chapter 2: Vasquez University

1.3K 82 1
                                    

Nandito na ako ngayon sa harap ng entrance ng school para sa unang araw ng pasukan. Namamangha pa rin talaga ako sa ganda ng school na ito kahit nakapunta na ako rito noong isang linggo para sa exam ko. And yeah, I passed the exam and now I am one of the students who got a scholarship in this school.


Vasquez University

It’s the school’s name. Pangalan pa lang ay alam mo nang pag-aari iyon ng maimpluwesyang pamilya. Precisely! It’s a private school. The campus was quite huge base on what was in the map. Mas malawak pa yata ang unibersidad na ito sa pinasukan ko sa Amerika. Nakasaad pa roon na ang college department rito ay pinaghiwalay lamang ng isang pader. I haven’t roam around, though.

It’s a boarding school. And boarding is what I really hate in all those school days, at ngayon ay boarding school na naman ang papasukan ko. Noong minsan ay may naka board mate akong babae na nagdadala ng mga kaibigan niya sa loob ng kuwarto namin. And have I said that, even if you have a scholarship you’d still spend a fortune for your boarding and your food. Okay na ‘yon, at least this time puwede na akong pumili kong sino ang makakasama ko sa dorm nila.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa entrance ng school. Ipinakita ko lang ang ang dalang school ID sa guard bago ako makapasok.

Yung Main Hall ay nakaharap sa mismong entrance ng school, sa mag kabilang gilid nito ay ang faculty department at ang gusali para sa mga indoor activities, as well as the Research Lab, Computer Lab and the Library. Sa Likuran ng dalawang gusali ay ang magkahiwalay na gusali ng Girls at Boys dormitory. They must have distanced the dormitories for a reason, huh.

“Gray!”

I stopped in my tracks when I heard a familiar voice. Am I hearing things just now? Or did I heard Kayne’s voice?

“Gray Vantress!”

Napabuntong hininga ako nang makumpirma iyon. How the hell did she get here? And seriously, she actually recognized me in this get up. Fine, kaibigan ko talaga siya. Nilingon ko si Kayne at napangiwi nang bigla nitong iwan ang mga bagahe at mabilis na sumalubong sa akin.

“Surprise!” Malakas siyang tumawa kaya napairap ako. “Oh bat ganyan yang mukha mo, di mo ba ako na miss?” Sabi niya na naglulungkot lungkotan. Pinahid niya pa ang pekeng mga luha. Amp! Pero salamat talaga at nandito si Kayne, hindi na ako nag-iisa sa lugar na ito.

“I do! But I think you should lower your voice. You already caught their attention.” I spout knowingly. Napatingin naman siya sa paligid at ngumisi na naman.

“Siyempre, sa ganda kong to?!”

Napailing na lang ako sa mga sinabi niya. Alam ko na maganda si Kayne. She’s not a pure blooded, her mother has a Filipino and Russian blood, while her father was purely Russian blooded and definitely have a good genes. Siya yung tipo ng mga lalaki. May magandang katawan, mistisa, matangkad, matalino, elegante, may maipagmamalaking mukha kaso… maingay.

Nagsimula na kaming mag lakad dala-dala ang mga bagahe namin papuntang office ng registrar.

Wait… saan ba ulit yung office ng registrar dito? I think it’s somewhere here. Malapit lang ata yun dito sa entrance. Makakalimutin ako.

“Kayne, alam mo ba saan yung office ng registrar?” Napailing ako sa sariling tanong. I guess not, parehas yata kaming di magaling sa direksyon.

CU: Taming The Gang Leader [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon